Katotohanan At Misteryo 2.0

Katotohanan At Misteryo 2.0 Horror Story Creator, Writer, Narrator, and Voice Actor

30/12/2025

***KRUS NG BATIS Story Plot: (Details Below)***(Bida) Edward Guerrero - isang simpleng binata mula sa Probinsya Ng Batangas, walang ideya sa paparating ng Tr...

Aswang sa KakahuyanHello po sir Carl, magandang araw po sa iyong lahat, itago nyo nalang ako sa pangalang Bornok.   Ang ...
05/12/2025

Aswang sa Kakahuyan

Hello po sir Carl, magandang araw po sa iyong lahat, itago nyo nalang ako sa pangalang Bornok. Ang pangyayaring ito po ay naganap noong panahong ako ay nasa elementarya pa lamang. Sa lugar namin sa Passi Iloilo, Dahil nga sa pagiging bata ay madalas inuuna ko ang paglalaro kaysa pag aaral, kahit nasa paaralan ako, ay hindi rin ako masyadong nakikinig sa turo ng g**o, dahil mahilig rin akong makipagdaldalan sa mga makukulit kong katabi. Isang araw noong, nagkaroon kami ng pagsusulit sa aming huling subject. Dahil sa hindi nga talaga ako nakinig noong nagtuturo pa ang aming g**o kaya wala talaga akong sagot na tama, nagkokopyahan din kami ng mga kaklase ko, pero sa aming lahat ay ako lang talaga ang walang tamang naisagot. Dahil sa madalas na nga ako mapagalitan sa klase, kaya naging mainit na rin sig**o ang dugo sa akin ng aking g**o. Matapos ng klase, ay pinayagan nya ng umuwi ang lahat, pero ako lamang ang bukod tanging pinaiwan nya at pinagbasa pa ng libro. Malapit na noong magdilim, nahihirapan na rin akong magbasa, lalo at wala namang ilaw na de kuryente sa paaralan namin. nagsimula na akong maiyak, dahil maliban sa natatakot na ako sa room namin, eh malayo parin ang lalakarin ko pauwi sa bahay namin at dadaan pa ako sa makapal na kakahuyan. Sinabi sa akin ng aking g**o na sige daw umuwi na daw ako, pero siguraduhin ko daw na mag aaral na ako ng mabuti, dahil sa susunod na wala parin akong maitamang sagot ay alas syete nya na ako papauwiin. Kaya pagkasabi nya noon ay mabilis na akong tumango sa kanya bilang pagsang ayon, tapos ipinasok ko na ang aking mga gamit sa bag. Nakita kong nagligpit narin ng mga gamit nya ang aking g**o, tapos sinabing sige daw umuwi na ako. Kaya dali dali na nga akong umalis at nauna ng lumabas ng classroom. Malayo po talaga ang paaralan sa bahay namin, humigit kumulang ay nasa tatlong kilometrong lakaran na dadaan sa gitna ng makapal na kakahuyan. 6:30 na sig**o ang oras noong narating ko ang bahagi ng kakahuyan, dahil bago ako umalis ng paaralan ay nakita ko sa relo doon na pasado 6:15 na, eh malayo pa mula doon ang kakahuyan. Noong narooon na nga ako sa kakahuyan ay halos padilim na, at talagang ilang minuto nalang sig**o ay babalutin na ng kadiliman. Nagmadali na ako sa aking paglalakad. Habang naroon ako sa kakahuyan ay nakarinig ako ng tunog ng malakas na pagaspas ng pakpak. Malakas talaga iyon na imposibleng manggagaling sa isang pangkaraniwang laki ng ibon. Kaya kinabahan ako at nanindig ang aking balahibo, dahil sa usap usapan na nga sa amin ang tungkol sa mga aswang. Hanggang sa katagalan ang naging madilim na rin talaga ang kapaligiran. Dahil sa matagal na nga ako sa dilim kaya kahit papaano ay nakaka adjust narin kaunti ang aking paningin kahit madilim. Pero pangapa ngapa parin talaga ang aking pagtahak sa madilim na kagubatan. Muli ko na namang narinig ang malakas na pagaspas na iyon, at halatang hindi na sobrang kalayuan sa akin, kaya naisip kong maghanap nalang muna ang matataguan, malakas na rin kc ang hinala ko na aswang na talaga iyon. Kaya nagtungo ako sa bahaging malapit sa isang bangin, matalahib kc at masukal sa bahaging iyon. Doon na ako gumapang at nagtago, ilang saglit nga lang ay narinig ko na ang huni ng wakwak. Naihi na ako noon sa aking salawal dahil sa pag aakalang nakita na ako noon kasi papalapit na talaga ang tunog ng huni, kaya nagpalinga linga ako sa paligid. May naaninagan akong isang malaking hugis paniki na nilalang na papalapit, noon malapit na talaga iyon, ay doon ko nga nakita na isa iyong tao na may pakpak ng sa paniki. Umiiyak na ako noon pero pilit kong pinipigilang lumabas ang tunog ng aking pag iyak, hanggang sa nakita ko itong mabilis na bumulusok paibaba ng bangin, akala ko talaga ay nakita nya na ako at ako ang pakay syang daluhungin, pero nagulat ako dahil doon sya dumiretso sa may unahan ko lang kaunti, kasabay na isang malakas na pag iyak ng isang kambing. May nakatali pala doon na isang kambing sa unahan lang ng pinagtaguan ko, rinig na rinig ko ang nakaka awang iyak noong kambing habang mabangis na nilalapa noong nilalang na may pakpak na parang sa paniki. Hindi ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko noon, dahil naisip kong humanap ng kahoy na maari kong maipamalo doon sa nilalang. Dahan dahan akong naglakad papalabas doon sa aking pinagtaguan, habang kinakapa kapa ang daan. Hanggang sa may nakuha nga akong kahoy na sig**o halos mag isang dipa ko ang haba. Tinanaw ko iyong nilalang na nakalapag na sa lupa habang abala iyon sa paglantak doon sa kambing. Naisip kong paluin ko nalang iyon ng kahoy sabay tatakbo na ako na mabilis. Dahil sa bata pa nga ako noon, kaya ganun na lang sig**o ako noon mag isip.
Dahan dahan na nga akong humakbang papalapit doon sa nilalang, hanggang sa naroon na nga ako sa likuran noon. Ini-angat ko na ang aking dalawang kamay habang mahigpit na nakahawak doon sa kahoy, tapos inihampas ko na nga iyon ng tatlong beses doon sa nilalang, nagulat din ang aswang na iyon, dahil tila napasubsob pa nga at biglang tumalon sabay lipad papalayo at doon na sa himpapawid nag ingay. Kaya sinamantala ko naman ang pagkakataon na tumakbo ng mabilis, kahit hndi na ako sigurado sa mga tinatapakan ko. Malayo pa ako noon sa bahay namin, kaya patuloy lang ako sa pagtakbo. Nagulat nalang ako noong bigla akong madulas at mapagulong sa lupa, nakatapak pala ako ng pupu ng kalabaw. Agad akong tumayo at ipinagpatuloy ang pagtakbo kahit paika-ika. Hanggang sa muli ko na namang naririnig ang huni ng aswang na iyon. Akala ko ay tuluyan na iyong lumayo noong lumipad matapos kong paluin ng kahoy, iyon pala ay nagulat lang sig**o kaya lumipad papalayo, pero ngayon ay mukhang sinusundan na ako. Nararamdaman kong masakit talaga ang paa ko dahil tumama iyon sa isang ugat ng kahoy, pero hindi ko na lang muna iyon inintindi, dahil ang tanging atensyon ko lang ay ang makalabas ako sa kakahuyang iyon. Kahit paika ika, ay nakapag patuloy parin naman ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na nga ako sa kakahuyang iyon. Sinimulan ko na noong sumigaw ng tulong dahil possible ng may makarinig sa akin, dahil nakalabas na nga ako ng kakahuyan, noong lumingon naman ako sa aking pinanggalingan ay nakita kong nakasunod na sa akin ang aswang at mukhang hinahabol na nga talaga ako nito. Umiiyak na ako noong sa takot, pero kahit ganun ay nagpatuloy parin ako sa pagtakbo habang palingon lingon parin sa likuran. Hanggang sa noon muli akong lumingon ay nakita kong papabulusok na sa direksyon ko ang aswang na iyon, kaya gumilid ako sa daan sabay dumapa malapit sa isang punong kahoy, dirediretso parin pala talaga ang paglipad noong aswang na iyon kaya bumangga iyon sa puno sa may unahan ko lang. umungol iyon ng malakas ay napalugmok doon sa harapan ng puno, na halatang nasaktan sa kanyang pagbangga doon. muli na akong bumangon at ipinagpatuloy ang paglalalakad takbo kahit iika ika dahil nakita kong hindi pa naman bumabangon ang aswang. Ilang saglit din ako na tumatakbo at hndi ko parin nararamdaman na sumunod sa akin ang aswang na iyon. Hanggang sa maramdaman kong hindi ko na talaga kaya pang ipagpatuloy ang aking lakad dahil sa masakit na talga ang paa ko. Kaya noong may makita akong malagong puno ng kawayan, ay naisip kong doon magsuot. Kahit masukal ay matinik ay pinilit ko iyong hawiin para makasiksik ng todo. Kahit naroon na ako sa may puno ng kawayan ay matatanaw parin ang punong pinagbanggaan noong aswang, dahil sa maliwanag na noon ang buwan. Pinagmasdan kong mabuti ang nilalang na iyon kung susundan pa ba ako. Nakita ko itong dahan dahan na bumangon mula doon sa kinalugmukan. Saka lumipad ng patabingi, iyong bang parang may kapansanan, naisip kong mukhang matindi sig**o talaga ang tinamong bugbog noong sa pagkabangga sa puno. Habang naroon ako sa puno ng kawayan nag tatago ay bigla akong naka amoy ng pupo ng kalabaw, kaya naalala ko, Oo nga pala, nakatapak nga pala ako, tapos doon ko na rin naramdaman na nanghihina na ako at nauuhaw. Grabe kc ang pahirap sa akin noong aswang na iyon, kahit patabingi na kung lumipad ay patuloy parin iyon sa pagpapaikot sa lugar, na halatang may hinahanap. Napadasal nalang ako na sana wag akong makita noon, kc kung makita nya pa ako doon ay hndi ko na alam ang gagawin ko, nanghihina na kc ako at hndi na sigurado kung makakatakbo pa. nagpatuloy pa iyon sa paglipad paikot ikot sa lugar malapit sa pinagtataguan ko, habang humuhuni ng parang sa isang paos na bibe. Sa katagalan ay nakita kong lumipad na iyon papalayo, ilang minuto ko pang pinagmasdan ang kalangitan kung wala na ba talaga, pero hndi ko na naririnig ang huni noon, ay hindi ko narin sya nakitang bumalik, kaya nagpasya na akong lumabas na sa pinagtaguan ko. Kahit iika ika ay ipinagpatuloy ko na ang aking paglakad takbo, baka kc bumalik pa iyong aswang eh, kaya wala akong balak magsayang ng panahon. Habang binabaybay ko ang daan ay may nakita akong tao sa malayo na may dalang ilaw, kaya mas lalo ko pang binilisan at sumigaw na rin ako ng tulong. Noong malapit na ako sa kanila ay nakita kong si tatay ko pala iyon, kasama ang kapatid kong lalake, papunta daw sila sa eskwelahan para hanapin ako, dahil mag aalas otso na kc ng gabi at hndi pa ako nakakarating ng bahay. Pagka kita ko palang kay tatay ay diretso akong lumapit sa kanya, pero nagulat ako dahil bigla nya akong itinulak, kaya nagulat ako, at napatihaya din ako sa damuhan. Noong muli kong tingnan si tatay ay nakita kong nakikipag buno na si tatay doon sa aswang, at pilit sya noon na kinakagat. Nakita nya pala na pabulusok na sa akin, kaya nya ako itinulak, kaya sila ang nagbuno noong aswang. Habang nagpapambuno sila noon ay pilit syang inililipad noong aswang, pero halatang nahihirapan iyon, ang pilit din binabali ni tatay ang mga kamay noong, kaya napapahiyaw iyon sa sakit, nakatulala nalang ako noon na nakatingin sa kanila, nanghihina na rin kc ako, dali dali namang dumampot ng malaking bato ang kuya ko at tuloy tuloy nya iyong ipinapalo sa likod noong aswang. Sobrang nahihirapan na ang aswang, dahil napapaliyad din ito sa bawat malakas na palo ng kuya ko sa likod nito. si tatay naman ay panay ang eskima habang nasa ibabaw nya ang aswang, sinasapak, binabalian ng kamay ay kung anu anu pa ang ginagawa ni tatay para lang hndi sya tuluyang maigupo noon. Nakaka pangilabot ang bawat pag hiyaw na nang gagaling doon sa nilalang. Hanggang sa sumuko na nga iyon at tumalon ng malakas sabay ang paglipad na pagewang gewang na parang walang direksyon. Nilapitan na ako ni tatay na naka lugmok lang sa damuhan, tapos tinanung nya ako kung may sugat daw ba ako, pero hndi na ako noon nakasagot at nawalan na ng malay. Nagising nalang ako kinabukasan na. mataas na noon ang sikat ng araw, pagkapa ko sa ulo ko ay may nakatali na isang panyo. Noong tumingin naman ako sa direksyon ng kusina ay nakita ko si nanay, tatay at si kuya, naroon din ang isang matanda na may mahabang balbas na kulay puti. Nakilala ko din naman iyon, sya si Mang Tolendoy, kilalang albularyo sa amin. Pagkakita nilang nagising na ako ay lahat sila ang nakangiting nakatingin sa akin. Nilapitan naman ako ng matanda at tinanong kung kumusta na raw ba ang p**iramdam ko. Sinagot ko naman sya ng Ok lang ako Lo, , ngumiti lang ito sabay napaubo. Bago umalis ay inabutan sya ni tatay ng dalawang pirasong buhay na manok, sabi naman ng matanda, “uy Salamat dito, tamang tama, may ipang pupulutan ako sa tuba mamayang gabi, saka umalis na nga iyon. Noon wala na ang matanda ay lumapit sa akin si tatay. Tay bakit kaya hndi ako kinagat noong aswang na iyon, tanung ko pa sa aking ama, sumagot naman sya, na dahil daw iyon sa suot kong tansong basyo ng bala na naka kwintas sa akin, pangontra daw iyon. Tinanung ko naman si tatay kung kilala nya ba ang aswang na iyon, at kung namatay naba iyon, sabi naman ni tatay na hindi nya daw iyon kilala, pero kilala ni Mang Tolendoy, buhay pa daw ang aswang, hindi raw iyon taga sa amin, napadaan lang. ah ganun po ba, sagot ko pa kay tatay na may kasamang pag aalala at takot dahil baka balikan pa kami noon, pero sa awa naman ng Panginoon, lumipas ang mga buwan at taon, pero hndi na kami muli pang ginambala noon, hanggang sa ngayon na 25 anyos na ako, at nandito na nakatira sa Novaliches Quezon city. Maraming salamat po sa pagbabasa ng kwento ko. Sana ay inyong nagustuhan. Mag iingat po kayo palagi at hanggang sa muli.

WAKAS

゚viralシfypシ゚viralシ


HINDI MALILIMUTANG BAKASYON SA SAMARMagandang araw po sa iyong lahat na tagap**inig sa channel na  ito,ako po si Byan, h...
05/12/2025

HINDI MALILIMUTANG BAKASYON SA SAMAR

Magandang araw po sa iyong lahat na tagap**inig sa channel na ito,ako po si Byan, half american at half pilipino ang dugo ko, amerikano kc ang tatay ko, at syempre ang nanay ko ay pilipino, Pagpasensyahan nyo na po dahil bago po simulan ang kwento ko ay bibigyan ko muna kayo ng background tungkol sa pagkatao ko, nagtapos po ako ng business admin sa isang kolehiyo dito lang din sa may taft ave, hindi ko na po babanggitin ang pangalan ng eskwelahan, Dahil sa mestiso ako kaya masasabi kong may itsura din talaga na madaling makapang humaling ng kababaihan, gaya ng mga pangkaraniwang estudyante ay marami din akong mga barkada, as in barkada sa inuman, hndi naman ako pala absent pero talagang saktohan lang palagi ang mga grades ko para makapasa, hndi ko naman kc masyadong siniseryoso ang pag aaral, mas mahalaga sakin na ma enjoy ko ang aking kabataan at ang panahon na kasama ko pa ang aking mga kaibigan, nagkaroon ako ng grupo na madalas ko kasama kahit nasa paaralan ako o sa inuman , magkakasama din kami palagi sa inuman, at sa lahat ng kalokohan. bago kami maka graduate ay doon namin naranasan ang hndi namin malilimutang karanasan na halos lahat kami ay inakala naming magiging katapusan na namin. Dahil nga po sa laki ako sa syudad at medyo may kayang pamilya, kaya hindi uso sa amin ang mga tinatawag na superticious belief na hndi na naman sinusuportahan ng syensya, gaya ng mga aswang at kung anu anung mga mga nilalang na madalas ay sa mga fantacy movie o fiction movie lang matutunghayan, pero matapos ang mga pinagdaanan namin ng mga kaibigan ko sa lugar na aming pinuntahan at nagbago na lahat ng paniniwala ko, at napatunayan kong maraming hindi alam ang mga taong taga syudad, lalo na ang mga kabataan. Pasensya na po sa mahabang intro ha, summer time po ng mga panahong iyon, bale katatapos lang namin sa third year at sa susunod na pasukan ay seniors na kami o fourth year, bago palang matapos ang semester ay binanggit na sa amin ni LESTER na magbabakasyon sya sa probinsya ng kanyang ina, sa katunayan daw nyan ay nauna na ang nanay at tatay nya doon, dahil tutulong pa mga ito sa kamag anak na mamanhikan sa isang pamangkin, kaya bago magtapos ang sem ay napag usapan namin magbabarkada na sasama kami kay lester sa pag sunod nito sa probinsya ng kanyang ina, sikat daw dun ang beach na kulay pink ang pinong buhangin ang dalampasigan kaya talagang nasabik kaming makarating doon kc first time kami makarinig ng beach na kulay pink ang buhangin, kaya matapos lang namin submit ang lahat ng mga requirements sa aming mga subject ay pagkalipas lang ng tatlong araw ay iyon na ang skedyul ng byahe namin sa probinsya ng nanay ni lester, bale pito kaming magkakasama, ako(bryan 1) , lester2, alex3, jetro4, andrew5, harold6, at axel 7,
halos lahat kami ay nang galing sa pamilyang nakaka angat sa buhay, kahit din naman ang pamilya ni lester.
Dahil sa gusto namin ng totoong wild and new adventure kaya hndi kami nagdala ng sasakyan, commute kami, marami kaming gusto maranasang kakaiba eh, at syempre isa na doon ang pag ko-commute, may mga sasakyan din kc kami. Ayon nga, bago mag alas tres ay nagkita kita na kami sa terminal ng philtranco sa may pasay, malapit lang iyon sa may mrt taft avenue, ilang saglit lang din ay nakumpleto na kami, alas tres kc ang trip na aming sasakyan, sa pagkakatanda ko ay mahigit 1libo ang pamasahe na binayaran namin. Nung bumabyahe na kami ay wala munang tulugan, pero kwentuhan ng mga kung anu anu pati narin ang mga adventure plans namin. Noong nakarating sa isang stop over sa may parting bikol na yata iyon, ay mejo bumawas ang ingay namin, dahil iba na kc ang linguahe ng mga taong nakapalibot sa amin, tapos pinagtitinginan pa kami. Kaya parang bigla kami nakaramdam ng pagka ilang, . Sinabi sa amin ni lester na bilisan na naming kumain, tapos mag cr na ang mga gusto mag cr dahil madaling araw o umaga na ang susunod na stop over, pagka rating namin sa isang bayan sa dulo ng Luzon, kung hndi ako nagkakamali BULAN ang lugar na iyon, ay naglakad lakad pa kami sa pier, tinanung naming si lester kung anung susunod naming sasakyan, sabi nya daw Bangka lang daw papunta sa isla, at hndi nya pa alam kung alin doon kaya magtanung tanung muna kami, habang naglalakad lakad ay nagsisimula naring magtanung tanung si lester, tagalog ang salitang gamit nya kapag nagtatanung pero ibang linguahe ang isinasagot sa kanya ng pinag tatanungan, tapos tumatango lang ito, pinagkatuwaan pa nga namin si lester, na tumatango lang ito khit walang naintindhan, seryoso ang mukha nito at sinabing, mga sira, nakaka intindi ako ng salita dito, hndi lang ako nakakapag salita ng diretso kaya tinatagalog ko nalang. Napahiya tuloy kami dahil akala talaga namin ay nagpapanggap lang ito na nakakaintindi. Sabi daw noong napagtanungan nya ay mga after lunch pa dumarating ang bangkang manggagaling sa isla ng kanyang ina, kaya dinala na muna kami ni lester sa isang kainan, pagdating doon ay kinausap ni lester iyong may ari, tinanung sya nito kung sya ba ay apo ni Agusto na tagadoon sa isla nila lester, sumagot naman iyon sya ng Oo, kakilala pala iyon ng pamilya ni lester kaya doon nya kami dinala, pinapasok kami sa loob noong kainan, at may maliit na silid na itinuro sa amin, doon daw muna namin ilagay ang aming mga gamit, tapos pagka labas namin ay sinabi ni lester na pumili na kami ng ulam na aming kakainin, puro iyon isda, at gulay, tapos may pusit. Pero naamoy namin ang barbpue na niluluto sa unahang mga kainan, sinabi ko kay lester kung pwedeng doon kami kumain, sumagot naman ito sa mahinang boses na hindi daw, tinanung ko naman kung bakit, sinagot nya lang ako na basta, delikado? Muli pa rin akong nangulit kung bakit delikado, sinabi nito na saka na sya ikukuwento basta sa ngayon at pumili nalang muna ako ng iuulam namin, yung mga kasama naman kc naming ay pare parehong mga walang p**i alam, tinanong ko kung anun gusto nila, sumagot lang na kami na daw ni lester ang bahala. Kaya napakamot nalang ako sa ulo ko, abala na kc ang lima sa panunuod ng NBA sa telebisyon, ayun nga nakapagtanghalian na kami at masasabi kong masarap naman pala ang mga pagkaing bisaya, marami din naman kaming nakain, pagkatapos kumain ay inaya kami ni lester na doon na daw magpahinga sa may maliit na silid, dahil sobrang liit noon ay nakaupo lang kami na nagpapahinga hanggang sa makatulog, presko din naman kc malapit sa tabing dagat iyon. Hndi ko na nga namalayan na nakatulog na ako, naramdaman ko nalang na tinatapik na ako ni lester at aalis na raw kami, nagulat naman ako na panu nya nalaman na dumating na ang bangka, sabi nya naman sa amin na yung anak ng may ari ng kainan ang nag abang, tapos sinabing sya na malapit ng umalis iyong bangka kaya kailangan na naming sumakay. Excited uli kami dahil ibang karanasan na naman iyon dahil sasakay kami ng bangka, Malaki ang bangka pero de katig iyon, iyon bang may mga kawayan na pangbalanse sa magkabilang gilid, KATIG daw tawag nun eh sabi ni lester, tapos fusu baa ng tawag sa Bangka, basta parang ganun. Matagal pa pala ang paglalayag sa dagat bago makarating sa isla nila lester, kc mahigit dalawang oras na kami sa byahe ay hindi parin namin natatanaw ang isla nila, lalo pang naging exciting noong biglang bumuhos ang malakas na ulan, humangin ng malakas at nagsimulang umalon ng malalaki, noong una ay parang roller coaster lang p**iramdam namin, napapa wuhu pa nga kami tuwing bumabangga ang alon, pero noong malalim na ang isinu subsob ng banka tapos sumasakay na ang malalaking alon sa bangka, at natahimik na kaming lahat, namumutla na nga ang mga kasamahan, at sa tingin ko ay ako rin, dahil nakikita ko ang malakas ang panginginig ng mga kamay ko. Nerbyos na yata iyon, wala ng umiimik, tapos pag hahampas ang malakas na alon ay parang humihiwalay na yata ang kalululwa naming sa katawan, tapos pinipigilan nmin ang pag hinga, pero nakikita ko doon sa malaking mama na nagmamaneho sa itaas na bubungan nga bangka ay kampante naman ito, sumesensyas lang ito sa ibang mga tauhan kung saan lilipat kapag tila tatagilid na ang bangka, para talaga silang mga unggoy na tumatakbo takbo kapag lilipat sa kabilang bahay ng Bangka kapag tumatagilid ito, kung satingin ng iba ay hindi ito horror, kapag kayo mismo ang makaranas ng ganun kalalaking alon ay horror na iyon sa inyo, at matatawag mo na lahat ng santo, kahit sig**o yung mga nominated palang pagkasanto at hndi pa na-declare na ganap na santo basta mailigtas ka lang sa mga oras na iyon. Sa kabutihang palad naman ay nakarating naman kami sa isla nila lester, kaso meron nga lang masamang balita, dahil wala na dun ang mga magulang nya, nung isang araw pa daw tumulak papuntang eastern samar, dahil doon pala ang lugar ng pamamanhikan. Bale Northern samar po iyong lugar nila lester kung saan naroon ang pink beach, sabi nil lester, ay dumiretso na daw kami sa eastern samar sa makalawa dahil masaya sa lugar na pinuntahan ng kanyang mga magulang, dahil sa naranasan naming alon ay parang umurong mga betlogs namin, sabi namin baka pwedeng dun nalang kami sa isla nila, para mas safe, sinabi naman nito na hindi naman daw laging ganoon ang dagat, nagkataon lang iyon, makalipas ng ang dalawang araw ay umalis na kami sa isla nila, tama nga sya, bihira lang naman ang ganoong panahon dahil nong araw na umalis kmi ng isla ay hindi talaga maalon, as in parang sobrang kalma lang ng dagat, may pailang ilang wave lang, pero halos hndi man lang tumitilamsik sa itaas ng bangka. Pagkababa namin ng bangka ay sumakay kami ng tricycle patungo ng highway na daanan ng mga bus, tapos sumakay kami ng bus, hindi naman masyadong matagal ang naging byahe naming, sig**o mga mahigit 3 hours lang naman, iyon nga lang ay sobrang malubak ang kalsada na dinaanan, aakalain mong dinaanan ng gera dahil maraming malalaking butas ang daan. Pagkababa namin ng bus ay naglakad pa kami ng ilang minuto, tinanung namin si lester kung alam nya ba talaga ang lugar, dahil wala kaming mapagtatanungan, dahil puro puno at talahib ang daan, sinabi nya naman na relax lang daw kami, dahil alam nya, kakabakasyon nya lang daw dito sa lugar ng pinsan nya noong nakaraan taon kaya, sigurado sya sa tinatahak naming daan. Ayun nga eh di relax na kami na naglalakad, as usual hndi parin matigil sa paglolokohan ng iba naming tropa, ang iingay pa, sinaway na nga sila minsan ni lester, pero sumagot lang ang mga ito na Malaya daw na mag ingay dito, dahil bundok naman ang lugar at wala namang ibang mga tao, hanggang sa may nadaanan kamin palikong daan pero may nakaharang nga mga troso doon ay maputik, sinabi na ni lester na hindi daw iyon ang likuan na tinatandaan nya, dahil sa pagkakatanda nya daw ay medyo malapad ang daan na iyon, kaya diretso lang kami sa paglalakad, hanggang sa parang mahigit isang oras na kami naglalakad, napahinto bigla si lester, tinanung naman namin kung bakit, sumagot naman sya ng may pag aalala sa mukha, at sinabing naliligaw na daw kami, dahil dead end na, ilog na yung nasa harapan namin at sabi nya pa, wala daw silang nadadaanan ilog nung pumunta sya dito noong isang taon, kaya nagsikamot na lang kami ng ulo at sinabing eh di balik na lng kami uli, napansin namin madilim ang bahaging iyon, kaya inakala kong hapon na talaga at hndi lang namin napansin ang takbo ng oras, pero noong tignan ko ang relos ko ay mag aalas tres palang, sinabi ni lester na dalian na daw naming mag lakad dahil hndi kami pwede abutin ng dilim sa kabukirang iyon, may mga balita daw kc na may mga aswang dun, nagtawanan naman kami at sinabing eh di mas mabuti para may maidagdag pa kami sa mga adventure na naranasan namin, syempre una na dun iyong pag ko-commute, tpoas pag sakay ng bangka sa maalong karagatan, tapos iyong pagka ligaw namin sa kabukiran, at wala ng mas lulupit pa kung makaka kita kami ng real aswang in action, lalo kumpleto kami ng mga gagdets gaya na cp, video cam at mga SLR na camera, talagang magigng viral sa social media ang karanasan namin kapag nagkataon, pero hindi namin nkitang na-excite ang mukha ni lester matapos ibida ni axel na magiging viral ang adventure namin, parang natatakot na nga ito. Maya maya ay may kakaibang tunog ng hayop kaming narinig, tapos may gumalaw pa sa talahiban, hindi na namin tinignan pa kung anu iyong gumalaw, basta nagsi takbuhan na kami, hindi rin kalayauan ang narating ng aming takbo dahil mabigat kc ang mga hiking bag na dala namin, madami kc kaming dala. Kaya ayon nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ng mabilis at hndi na nag iimikan pa, pagkarating namin uli doon sa likuan namin ay may nakita kaming dalawang tao na nagkakarga ng mga kahoy sa balsa o iyong kahuwahe ba iyon na hinihila ng kalabaw, tinanung kami nito kung anung nangyari sa amin, sinabi naman ni lester na parang may humahabol sa amin, sinabi naman ng isa sa mga ito na anu daw ang ginagawa namin sa lugar na iyon, sinabi ni lester na papunta kami sa lugar nila Joey, iyon ang pangalan ng pinsan nya, binanggit pa noon ang pangalan ng mga magulang ni joey, sinabi ni lester na Oo iyon nga , itinuro noong iyong daan na naharangan nga balsa nila at sinabing, iyon daw ang tamang daan, nagpasalamat naman kaming lahat sa saka nagpatuloy na sa paglalakad, tapos padilim na talaga ang araw noong narating naming ang lugar nung pinsan nyang si joey, marami naman mga bahay dun, akala kc namin iyong pinsan nya lang ang nakatira doon, isang barangay din sila doon. Ayun, nasermonan si joey dahil bakit hindi nag pasabi ng advance na susunod ito doon, sabi naman ni joey na tumawag sya kaso hndi makontak, eh kasi nga daw wlang signal sa lugar na iyon. Akala namin ay iyon na ang kakaibang karanasan namin, kc sa kaba at intense ng p**iramdam na naramdaman namin ay kota na kami eh, matapos ang hapunan ay kinausap kami ng mama ni Lester, sabi sa amin at hindi na pala naituloy ang paghahanda nila nga mga pagkain noong namanhikan, dahil yung mga magulang na mismo ng babae ang nagsabi na ipakasal na kaagad at iyong ihahanda sana sa pamamanhikan ay gamitin nalang para sa kasal , at gusto nila na sa linggo na ganapin, bale huwebes ng gabi kami nakarating doon, so ilang araw nalang ay araw na pala ng kasal, ibahagi ko lang pala sa iyo, na iyong nanay pala ni joey ay kambal ng nanay ni lester, at patay na ang nanay ni joey, kaya iyong nanay ni lester na ang tumatayong nanay ni JOEY, kaya pala naka hands on ito sa pag aasikaso sa pamangkin. Taga doon lang din sa lugar na iyon ang babaeng mapapangasawa ni joey. Ayun nga sumapit na ang araw ang kasal, nakigulo gulo na kami sa kusina, syempre pa goodboy effect kami, hndi kami marunong magluto pero tumutulongn nalang kami sa ibang mga gawain gaya ng paghugas ng mga kagamitan at pag iigib. Pagkatapos ng kasal sa isang maliit na kapilya doon ay nagsimula na dumami ang tao, bago pa dumating ang kinasal ay nakapag set up na kami ng inuman, hindi na kc kami dumalo sa kasal, dahil hindi kami handa sa pormahan, puro pang beach at pang hiking ang dala naming mga damit, may mga ilan ilang kalalakihan at mga kababaihan ang ipinakilala ni joey sa amin, mga kamag anak daw iyon ng napangasawa nya, sa totoo lang mejo hindi ako naakit sa mga babaeng iyon dahil mahahaba nga at itim na itim ang mga buhok , at parang easy to convert naman para maging mga mangkukulam, tapos pailalim pa kung maka tingin, iyong mga lalake naman, ang angas ng mga pagmumukha, pagkatapos nga ip**ilala sa amin ay agad nagsikuha ng mga upuan at pumwesto na agad sa lamesa namin, ang nakapag tataka dahil hindi sila nagtabi tabi, parang bawat isa sa amin ay tinatabihan nila,. Tapos pag tatayo kami para mag jingle ay biglang may maglalaki ng boses at sasabihing SAAN KA PUPUNTA, nag iinuman pa nga tayo dito, nakaramdam na talaga kami ng pagka ilang. Puro sila na ang nagkukwentuhan, tapos nagsasalita pa nag linguahe nila na hndi namin naiintindihan tapos sabay tapik sa balikat naming tapos tatawa ng nakakaloko, hindi nga namin alam na baka kami na ang pinag uusapan. Maya maya ay biglang tumayo si jetro, sya kc ang mejo may tinatagong tapang sa amin, sabay sabing, wala ng kwentang inuman ito, doon na muna ako sa loob, pagkatayo nito ay tumayo din iyong malaking lalake na katabi nya, maitim iyon Malaki ang tiyan at makapal ang labi, lakas pa mamulutan, sabay hinawakan si jetro sa balikat at pilit idinidiin papaupo at sinabing anung sinasabi mong mga wala kaming kwenta, nilabanan ni jetro ang pag diin noong sa kanya kaya hndi sya napa upo, nag tayuan narin kaming anim, naroon kc noong si lester sa loob, tinutulungan ng mga kamag anak nya, pagkatayo namin ay napansin pala iyon ni joey at agad na lumapit sa amin at sinabing anung nangyari, sumagot naman iyong dalawang naka upo pa at sinabing, sinabihan daw sila ni jetro na mga walang kwenta at ang yayabang pa daw namin porket mga taga maynila daw kami. Mejo masama ang tingin ni JOEY kay jetro dahil parang pinapalabas ng mga kaharap namin na gumagawa kami ng gulo, nilapitan namin si jetro at sinabi nalang namn kay joey na pasensya na , mukhang lasing na si jetro at dadalhin na namin sa pinagpatuluyan sa amin, sumagot naman si joey na ayus ayusin daw namin, dahil hndi uso sa lugar nila ang maangas, hindi na kami umimik pa, habang naglalakad kami papalayo ay muli naming nilingon iyong Malaking lalake na katabi ni Jetro, naka ngiti iyon sa amin habang nak mwestra ang hinlalake na pahiwa sa leeg, na ibig sabhn papatayin kami, p**iramdam ko nga noong ay nanlamig ang buo kong katawan. Pagkapasok namin sa kubo ay nag trangka kami agad ng pintuan, hindi naman katagalan ay narinig naming kumakatok sa pintuan si Lester, pinagbuksan naman namin ito, tinanung nya kung anung nangyari, dahil sabi daw ng pinsan nya na nang gugulo daw kami. Ikinuwento nalang namin ang buong pangyayari at pinaniwalaan naman kami nito, dahil sa itsura palang noong mga kainuman namin na mga mukhang mga mamatay tao ay imposibleng mag angas kami sa mga iyon.
Kinabukasan noong kasal ay nasa may harapan lang kami noong kubo, at nagkakape, hindi sa pag iinarte, grabe, wala silang creamer dun, as in literal na kape at asukal lang talaga, hindi nrin naman kami nagreklamo dahil dahil na enjoy naman namin ang nilagang hinog na saging na bagong luto na inihain sa amin, maya maya ay nagsi daan iyong limang mga lalake na nakainuman namin, masama ang tingin nito sa amin, tapos nung makita si joey na nakataingin sa amin ay abot tenga ang ngiti sabay bati ng magandang umaga kay joey, tapos sabi pa sa amin kayo kumusta sa nag enjoy kayo dito sa lugar namin, tapos napangiti lang si joey at pumasok na sa loob, nong makita nila na wala na si joey at biglang inagaw ng mga ito ang kape namin sabay tinungga at sinabing, sarap pala ng kape, bihira lang kami makatikim nito sabay nagtawanan, hindi na kami nakapalag pa dahil lahat sila ay may nakataling itak sa tagiliran nila, mayamaya ay nagpaalam na sa malakas na boses, at sinabing, mauna na daw sila sigaw nito kay joey at sinabing pupunta pa sila sa sakaha, sabay kinuha noong isa ang plato sa harapan namin na may lamang nilagang saging at binuhos sa dala nitong sako, hinayaan nalang talaga namin. Kinahapunan noon ay nagpasya na kaming umalis na sa lugar na iyon, kahit si lester ay hindi narin daw kumportable. Kaya matapos makapag tanghalian ay sinabi naming na aalis na kami, at babalik na sa isla nila lester kung saan iyon naman talaga dapat ang original destination namin, mtapos makapag tanghalian ay umalis n nga kami, pito parin kaming umalis, hndi man lang nga kami inihatid ni joey, alam naman na daw namin ang daan at hndi na mga bata. Pagkalampas namin sa may palikong daan kung saan kami lumiko noong papunta kami, ay nakarinig kami ng mga kalalakihan na nag uusap, tapos nagbago ng tunog, parang mga tunog halimaw na sa mga pelikula, nahinto kami sa paglalakad dahil pinakiramdaman pa namin kung saan nanggagaling ang tunog, maya maya sa may unahan ng daan ay nakita namin nakatayo ang dalawa sa mga lalake na nakainuman namin, sobrang kulimlim ng mga oras na iyon at kumukulog pa dahil parang paulan na, kaso iyong itsura na lalaki ay kakaiba, wla itong pang itaas na damit at mabalbon ang katawan nito na parang mas higit pa sa normal na balbon, tapos kulay p**a na ang mata nito, as in yung tipong nakakakilalabot na, tapos unti unting lumalapit sa amin ang tunog ng umaangil sa may bandang gilid ng daan, hindi namin alam kung saan direksyon kami tatakbo dahil parang napapalibutan kami eh… isang pag angil uli ang aming narinig, tapos nakangiti parin sa amin ang lalake sa unahan naming at sumenyas uli noong hinlalaki na iginuhit sa leeg, tapos biglang may narinig kaming tumatawag sa amin sa may likuran, laking pasalamat namin noong nakita namin si mang ALVIN, iyon ang tatay ni lester, kasama nito si joey at nakasakay sila sa kalabaw, may mga inihabilin daw ang kanyang ina na ipabili sa mainland bago bumalik sa isla, may listahan na iniabot at tsaka pera, nag makita ni Mang Alvin yung mga lalake ay nagsalita ito, yun nandito rin pala kayo, nang lingun ko iyong malaking lalake ay normal na uli ang itsura nito, tapos naglakad papalapit sa amin, sabay sabing o eto mga kaibigan, nilagang saging yan, baunin nyo para may makain kayo sa daan, napangiti si Mang Alvin sabay sabing salamat ah, sabi sayo anak eh, mababait ang mga tao dito at maestima. Hinatid narin kami nila Mang Alvin at joey hanggang dun sa gilid ng highway kung saan kami nag abang ng bus. Noong nsa bus na kami ay binuksan ni Andrew iyong nakatuping sako na nilagang saging daw ang laman, pag tingin namin puro lang balat ng saging ang naroon, baka iyon pa nga ang mga balat ng saging na kinuha nila sa harapan namin noong umaga.
Boss carl, ang haba talaga ng kwento ko, sa susunod, ipadala ko naman sayo iyong mga adventure naming sa isla nila lester, akala naming uli ay ayos an ang lahat pag naroon na kami sa isla nila, madami para talagang kababalaghan sa lugar ng samar lalo na sa mga isla. Ang masasabi kolang sobrang ganda ng mga tanawin pati ng mga beach at corrals, pero nakatago din talaga sa ganda ng lugar ng mga hndi maipaliwanag na bagay na meron sa isla.

Sa mga interesado po sumali sa program ng channel natin na share your story earn cash, ay ipadala nyo lang ang inyong mga kwento sa email add na ilalagay ko sa videong ito, at puntahan nyo po sa comunity post ko o email nyo ako para malaman kung papanu at magkanu ang maaring kitain, , hnid po iyon pacompetition, hnid rin parafle, kikita kayo base sa views na na-abot ng kwentong ibinahagi nyo after 30day. Ibinabahagi ko lang po ang channel ko sa inyo, para kumita din kayo gamit ang sarili nyong kwento. okey po ba iyon. Ina-anyayahan ko din po kayong magsubscribe sa isa ko pang channel na pampaba, ang pangalan po ng channel ay batang pinoy stories, kahit mag subscribe lang po kayo ay ipagpapasalamat mo na ng malaki. Meron pa po pala akong isang ippromote na channel, gusto ko rin tulungan ito para makatulong sa mga narrator at writer, lalo na sa panahon ng crisis ngayon, isubscribe nyo narin po, pero wag po sana tayo maging pamaghusta ha, para lang iyon sa mga matured, o mga taong bukas ang isipan sa ibat ibang topic, dahil romance/lovestory at erotic ang topic ng mga kwento sa chnnel na iyon ang pangalan po ng channel at KAPUSUKAN FILES, inuulit ko po ha, para lang iyon sa mga matured na mag isip at bukas ang isipan. maraming salamat po uli, ,mag iingat po kayo palagi at hanggang sa muli.

WAKAS

゚viralシfypシ゚viralシ


Address

Fontain Street
Olongapo
2200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katotohanan At Misteryo 2.0 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share