28/08/2026
WALANG KOMPETISYON SA MINISTRY…
Sa dance ministry, hindi dapat competition ang maging fuel natin.
Yung gusto mong patunayan kung sino ang mas magaling sa technique, sino ang may pinakamagandang costume, pinakamagandang props o instruments… please, huwag nating gawing motivation ang mga bagay na ito.
Hindi kailanman nasusukat ng galing, costume, o performance ang lalim ng relationship mo kay God. At hindi rin nito ginagawa kang mas mabuting anak Niya.
Ang competition can easily lead to inggit, sama ng loob, bitterness, at jealousy.
Remember, ganito rin ang naging problema ni Cain.
Kapag ang spiritual fuel mo ay competition, tulad ng offering ni Cain, maaaring maganda ang nakikita ng mga tao from the outside—pero hindi ibig sabihin na kalugud-lugod ito sa Diyos.
Maaaring mukhang may growth.
Maaaring mukhang may maturity.
Maaaring mukhang successful ang ministry.
Pero nakikita ng Diyos ang intention ng puso.
Kung ang ugat ng paglilingkod mo ay bitterness, resentment, insecurity, o jealousy, kahit gaano pa kaganda ang dance mo…
maaaring maganda sa paningin ng tao, pero hindi kalugud-lugod sa Diyos.
Dahil ang tunay na growth, maturity, at transformation ay hindi lang dapat nakikita sa performance. Dapat makita muna ito sa puso at sa character.
Gaya ng itinuturo sa Galatians 5, ang unang bunga ng Spirit ay LOVE.
Kaya today, hindi natin kailangang tanungin:
“Mas magaling ba ako sa kanila?”
“Mas maganda ba ang performance namin?”
“Mas impressive ba ang costume namin?”
Ang mas mahalagang tanong ay:
“Kumusta ang puso ko?”
“May love ba sa puso ko habang naglilingkod ako?”
“Ang Diyos ba talaga ang dahilan kung bakit ako sumasayaw?”
Because in ministry, we are not competing with each other. We are worshipping together.
Hindi tayo tinawag para magpalakihan ng pangalan.
Tinawag tayo para itaas ang pangalan ni Jesus.