08/07/2026
Ang bigat na
Dapat nga sa mga oras na ito ay ako'y tulog na
Tila ba ginagambala ako ng di ko nakikita
Engkanto ba?
Isang galang kaluluwa?
Wala namang buhat pero bakit napakabigat?
Tila ba may malaking bagay sa aking balikat
Tama pa ba ito?
Nababagabag na ako
Hindi naman dati ganito
Dati mahimbing ang tulog ko
Dati nakakahinga Ako
Ngunit bakit ganito?
Bawat galaw parang may hadlang sa kilos ko
Bawat paghinga ay tila ba limitado
Bawat pag isip tila ba nabablangko
Maidadaan ko ba sa iyak ito?
O siguro mas magaan pag ako'y naglaho
-KuyaZ