16/06/2026
""Parang Rules of Survival ka lang.
Noong una, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakasama. Ikaw ang dahilan kung bakit nagpupuyat ako, kung bakit kahit pagod na pagod na ako, naghahanap pa rin ako ng oras para bumalik. Sa bawat laban, sa bawat tawanan, at sa bawat panalo o pagkatalo, naroon ka. Akala ko habang tumatagal, mas lalo ka lang mananatili.
Pero isang araw, bigla kang nawala. Walang paalam, walang paliwanag. Akala ko pansamantala lang, akala ko babalik ka rin gaya ng dati. Kaya naghintay ako. Araw-araw kong chineck kung nandiyan ka na ulit. Umasa ako na isang araw, makikita kitang buhay na naman.
Pero habang tumatagal, unti-unti kong na-realize na may mga bagay talagang hindi na bumabalik kahit gaano mo pa kamahal. May mga alaalang mananatili na lang sa isip, at may mga taong mananatili na lang sa puso.
Katulad mo, may mga taong dumating sa buhay ko na akala ko permanente. Mga taong naging tahanan ko sa panahong magulo ang mundo. Mga taong nangakong hindi aalis, pero sila rin pala ang unang mawawala. At ang masakit, hindi dahil gusto nilang saktan ka—kundi dahil may mga kwentong hindi talaga nakatakdang magkaroon ng habang-buhay.
Ngayon, tuwing naaalala ko ang Rules of Survival, hindi lang isang laro ang naaalala ko. Naaalala ko rin ang mga kaibigang hindi ko na nakakausap, ang mga pangakong naiwan sa ere, ang mga gabing puno ng tawanan, at ang mga panahong akala ko hindi matatapos.
At tulad mo, may isang taong minsan kong minahal nang totoo. Akala ko mananatili siya, pero naging alaala na lang din siya. Isang alaalang masakit balikan, pero mahirap kalimutan. 🎮🥀💔
"Hindi lahat ng nawala ay nakalimutan. Yung iba, nananatili pa rin sa puso—kahit matagal nang offline." 😔🖤