04/03/2026
π π π π π π π
Sa darating na Marso 12, 2026 (Huwebes) ay magkakaroon ng Kumpisalang Bayan sa ating parokya.
Ang pagninilay at paghahanda ng mga mananampalataya ay pamumunuan ni Rev. Richard Eugenio sa ganap na ika-5:00 ng hapon.
Pagkatapos nito, sa ganap na ika-6:00 ng hapon ay sisimulan ang kumpisalan kasama ang mga kaparian ng Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Asuncion, sa pangunguna ng ating Kura Paroko na si Rev. Fr. Alex Melchor Tupas.
Inaanyayahan ang lahat na magnilay, mangumpisal, magsisi, at magbalik-loob.
Maraming salamat po.