03/10/2026
DEAR DANCERS/CHOREOGRAPHERS SA MGA PROVINCES, SPECIFICALLY SA LAGUNA,
PLEASE LANG. WAG NA TAYO TUMANGGAP NG INVITES NA SOBRANG BABA NG OFFER. Matuto tayong tumanggi kapag alam nating hindi worth it.
Wag tayong “para makilala,” “exposure na rin,” “pwede na yan.” Kasi kaya namimihasa yung ibang clients sa sobrang baba ng bayad dahil may tumatanggap. Tuloy, akala nila mura lang ang dancers.
Para naman sa mga nag-iinvite ng dancers, maging makatao naman po tayo. Hindi lang po “isang sayaw” ang binabayaran niyo.
May pamasahe, pagkain, costume, ilang oras o araw ng training at rehearsals, at syempre, yung talent, effort, at pagod ng dancers. Minsan students pa yan na nagpa-practice after class hanggang gabi para lang maibigay yung performance na gusto niyo.
Kung sasabihin niyo na “isang sayaw lang naman,” sige po. Kayo po gumawa. Kayo mag-practice. Kayo mag-rehearse after class hanggang gabi. Kayo mag-perform sa event niyo. Tingnan natin kung gaano kadali.
Kung gusto niyo ng magandang performance, dapat may enough budget din para bayaran nang maayos yung dancers.
AT LEAST 1,500-2,000 PESOS PER DANCER NAMAN PO SANA. Mababang rate pa nga yan, kahit province lang. :)))
Kaya dancers, KNOW YOUR VALUE. Hindi tayo libre. Hindi tayo “exposure.” Hindi basta-basta ang oras, effort, at talent natin.
WAG TAYONG MAGPA-MURA. Kapag tayo mismo hindi marunong mag-value sa trabaho natin, paano natin ie-expect na iba ang mag-value dito?
NAKAKAGIGIL. DANCERS, KNOW YOUR VALUE!!!!! 🫵🏼