28/02/2026
Sana mahanap nayang binatilyo
Na dinukot daw sa loob ng bahay nila πππ
DINUKOT SA LOOB NG KANILANG BAHAY
"tulungan nyo kaming mahanap ang kapatid namin, wla na kaming magulang puro lang kami mag kakapatid, puro pa kami babae maawa po kayo samin at sa bata"
Isang 17-anyos na binatilyo ang umanoβy dinukot sa loob mismo ng kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal madaling araw ng Pebrero 17.
Ayon sa pamilya, natutulog sila nang pasukin ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay at sapilitang isama si Justine Torno.
Wala namang ibang sinaktan, pero agad itong inilabas at dinala sa hindi alam na lugar. Giit ng pamilya, wala silang alam na anumang atraso o kagalit ang biktima.
Ilang araw na rin silang walang balita kung ano na ang nangyari sa kanilang kapatid at kung nasaan ito ngayon.
Humingi na sila ng tulong sa mga presinto at sa Montalban Police Station, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na impormasyon.
Sa mga may alam o nakakita sa binatilyo, makipag-ugnayan lamang sa Montalban Police Station.
fans