09/03/2026
Kaya cguro pumayat sya...pagaling ka
OPEN LETTER TO MISS GIGI DE LANA
Gigi, alam kong may sakit ka. May serious health condition ka. Kompirmd from multiple sources. Hindi ko na lang i-specify kung anu-ano yung mga karamdaman mo at baka makasuhan pa yung doktor mo. Mga artistang nagpalaglag nga alam ko, sakit mo pa kaya? Pero hindi natin pwedeng sisihin na lang palagi yung mga sakit mo. Paano na lang yung mga taong nagbayad para mapanood ka? Ganun ganun na lang ba 'yon? Aba'y hindi biro kumita ng pera sa panahon natin ngayon. Sobrang hirap ng buhay.
Kung alam mo palang mahina yung katawan mo, huwag kang sumagad. Responsibilidad mo yun. Magpahinga ka many days before your event. Kasi kung palagi ka na lang magco-collapse, wala ng manonood sayo. Wala ng bibili ng ticket sa mga shows mo. Gusto mo ba 'yon?
Doon naman sa mga nagsasabi na sinasadya niyang himatayin para hindi matapos yung concert, please lang, huwag kayong tang. Walang music artist ang gagawa niyan kasi masisira yung career niya. Mawawalan siya ng source of income. Doon naman sa mga nagsasabi na sana sumunod na siya sa kanyang ina, may balik yan, maniwala kayo sa akin. Matinding kamalasan sa inyong buhay.
Ano yung lesson na mapupulot natin dito? Minsan, sa kagustuhan nating kumita ng malaking pera, inaabuso natin yung limitasyon ng ating katawan. And by doing so, hindi natin namamalayan, mas lumalayo tayo sa ating mga pangarap. A reminder to take care of our health while working hard. Kasi kapag katawan mo na ang mismong bumigay, kawawa ang mga mahal mo sa buhay.
ccto xian gaza