23/10/2024
My SpiritualnJournal Module: βοΈβοΈππ
Parent this is worth to Read... Please have time to read it from top to bottom... This is an Enlightening Story for all Parent like us! A story of a Son...cttoβ€οΈβ€οΈβ€οΈ
Kwento ng isang Preso!
May isang preso na nahatulan ng death row to be electrocuted sa silya elektrika. Bago dumating ang araw nag kanyang hatol. Siya ay hiningan ng isang kahilingan. Humingi siya ng papel at pansulat sa Pulisya. At eto ang kanyang isinulat.
Sa Mahal kong Mama,
Kung ang batas ay patas sa mga oras na eto, dapat ay narito ka rin sa aking tabi at sabay na naghihintay sa oras ng hatol ng kamatayan. Subalit dahil ang batas ay bulag ako ay nahatulan mag-isa, na tayong dalawa ang nagkasala. Natatandaan mo pa ba kung paano nagsimula ang lahat ng eto? Natatandaan mo ba nung ako ay 3 yrs old pa lang, kinuha ko ang kendi ng kapatid ko? Hindi mo ako sinita, pinagalitan at itinama. Sa halip pinagtakpan mo sa kapatid ko ang ginawa ko. Tandang tanda mo pa rin ba, nung ako ay 5 yrs old naman, ninakaw ko ang laruan ng ating kapitbahay, tumakbo ako sa bahay at nagtago ako, nakita mo ako ako, pero ni isang salita o pangaral para sabihin na masama ang ginawa ko, wala kang sinabi, sa halip dedma ka lang sa ginawa kong kasalanan. Ma, tanda mo rin ba nung ako ay 12 yrs old, itinago ko ang Bola ng aking pinsan sa garahe natin, at ng siya ay magyaya na maglalaro kami ng basketball, kitang kita mo na itinago ko eto, pero hindi ka man lang kumibo at sinabi mo pa na "hindi mo nakita ang bola". Ma, naalala mo rin ba nung ako ay 15 yrs old, na expelled ako sa school, gusto akong parusahan ni Papa sa nagawa ko, pero anung ginawa mo, denipensa mo pa ang mali ko at kayo ni Papa ang nag-away at pinaratangan mo pa na ang School at Teacher ko ang may problema at sinungaling dahil pumapasok naman ako, kahit hindi talaga. Ipinagtanggol mo pa ang mali ko, kaya galit na galit sa iyo si Papa. Ma, tanda mo rin ba nung ninakaw ko ang bisikleta ng kapitbahay natin, 17 yrs old ako nun, hindi mo inireport kahit alam mong ibinenta ko eto, nanahimik ka lang. Oo Mahal na Mahal mo ako, pero kahit kelan hindi mo Itinama ang mga mali kong nagawa, sa halip Kinunsinti mo ang lahat ng eto, inilubog mo ako sa maling paniniwala. Dun lahat nagsimula Ma, hanggang sa hindi ako nakagraduate sa pag-aaral ko, hanggang ngayon na nahatulan ako ng bitay ng kamatayan sa silya elktrika dahil sa nagawa kong BANK ROBBERY at PAGPATAY. Sobrang batang bata pa ako nun, kailangan ko ng gabay at kalinga mo, pero hindi mo nagawa, hindi pala yun ang pagmamahal ng isang nagmamahal na ina ang balewalain ang lahat ng mali kong nagawa at hindi ako itama... Sa mga oras na binabasa mo ang sulat kong eto, wala na ako! Tinanggap ko ang kaparusahan na sana, hindi ko dinanas kung tunay mo akong minahal ayon sa command ni God... Wala na ang anak na Minahal mo sa Maling paraan... Paalam Mama!
Sumasaiyo, ang iyong anak!
>>>> Lagi natin tandaan, mahirap maging mabuting anak, kung ang Magulang mismo ang magkukulang sa pagpapalaki sa kanila ng hindi naaayon sa command ni God. Ang Bible Verses na eto ay ating isapuso, sapagka't eto ay paalala sa ating mga magulang...Ang matuwid na magulang ay magagantimpalaan din ng matuwid na anak...π
Proverbs 13: 24-25
Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.βοΈβοΈππβ€οΈ
Purihin ang Dios sa kataas taasan! πππ