15/10/2025
NEPPO, WALANG TIGIL SA KAMPANYA: MGA TULAK, WANTED AT EX-CTG, TIMBOG!
NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL OFFICE. Sa ilalim ng mahigpit na direktiba ni PCOL HERYL “DAGUIT” L BRUNO, Provincial Director, sunod-sunod na operasyon ang isinagawa ng mga tauhan ng NEPPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga, mga wanted person, at sa boluntaryong pagsuko ng isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at isang baril, sa magkakahiwalay na operasyon sa buong lalawigan ng Nueva Ecija noong Oktubre 10–11,
2025.
BABAE, ARESTADO SA KASONG PANANAKIT
Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Nampicuan MPS sa Brgy. Sta. Veronica, Guimba, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakadakip ng isang 45-anyos na babae. Siya ay nahaharap sa kasong Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority.
LOLO TIMBOG SA KASONG BOUNCING CHECK
Naaresto ang isang 61-anyos na lalaki, isang konstruksyon worker at residente ng Brgy. Buasao, Sto. Domingo, Nueva Ecija, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (Bouncing Check Law). Ang operasyon ay isinagawa ng mga elemento ng Sto. Domingo MPS, PIU-NEPPO, 3rd FOB 2nd PMFC-NEPPO, at 303rd MC RMFB3 sa Brgy. Malaya, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
TOP 2 MOST WANTED SA MUÑOZ, ARESTADO SA AURORA
Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder, naaresto ng mga operatiba ng Science City of Muñoz PS katuwang ang mga tauhan ng Dipaculao Police Station ang isang 34-anyos na lalaki, residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Mangandingay, Science City of Muñoz, NE. Ang suspek, na Top 2 Most Wanted Person sa antas ng lungsod, ay nadakip sa Brgy. Toytoyan, Dipaculao, Aurora. May nakalaang piyansang ₱200,000.
MEKANIKO, KALABOSO
Nasakote ng mga operatiba ng General Tinio MPS-DEU ang isang 26-anyos na mekaniko sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. San Pedro, General Tinio, Nueva Ecija. Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong (3) sachet ng shabu.
3 DRUG SUSPECTS, ARESTADO SA GAPAN BUY-BUST
Tatlong (3) lalaki ang natimbog ng mga operatiba ng Gapan City Police Station at PPDEU-NEPPO sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Pambuan, Gapan City, Sa ulat ng pulisya, nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang tinatayang 4 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱27,200.00. Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng Gapan City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
SHABU SELLER, HULI SA ALIAGA!
Sa ikinasang buy-bust operation ng Aliaga MPS katuwang ang PPDEU-NEPPO at 2nd PMFC-NEPPO, laban sa pagbebenta ng illegal na droga sa Brgy. San Carlos, Aliaga, nahuli ng mga operatiba, ang isang 41-anyos na lalaki at nabawi ang dalawang sachet ng shabu na may kabuuang bigat na 2 gramo na may halagang ₱10,200.00.
HOUSEWIFE, ARESTADO SA LLANERA
Dinampot ng mga operatiba ng Llanera PS ang isang ginang sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Mabini, Llanera, Nueva Ecija. Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng shabu kasama ang ₱500 marked money na ginamit sa operasyon. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Llanera Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
DRUG SUSPECT NA HVT, ARESTADO SA STO. DOMINGO!
Operasyon laban sa ilegal na droga na ngresulta sa pag kakaaresto ng isang 45 anyos na lalaki, residente ng Brgy. Poblacion, Sto. Domingo, Nueva Ecija, na tinaguriang High-Value Individual (HVI) sa drug watchlist. Nasamsam mula sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu isang ₱500 marked money, at isang Infinix cellphone na ginamit sa transaksyon. Siya ay naaresto ng mga operatiba ng Sto. Domingo MPS-DEU katuwang ang PPDEU-NEPPO, PIU-NEPPO, 3rd FOB 2nd PMFC-NEPPO, at 303rd MC RMFB3 sa Brgy. Malasin, Sto. Domingo, NE.
MAGKAIBIGANG TRICYCLE DRIVER, TIMBOG SA DROGA!
Kalaboso ang dalawang tricycle driver dahil sa pag bebenta ng ipinagbabawal gamot sa Brgy. Parista, Lupao, NE. Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Lupao Police Station (lead unit), PIU, at PPDEU. Nakumpiska sakanila ang limang (5) sachet ng shabu na may tinatayang bigat na 1.7 gramo at halagang ₱11,560.00, pati na rin ang buy-bust money.
DATING MIYEMBRO NG KOMUNISTANG GRUPO, SUMUKO SA NUEVA ECIJA
Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa NEPPO–1st PMFC, 2nd Maneuver Platoon, sa Brgy. Carmen, Zaragoza, Nueva Ecija. Ang pagsuko ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng NEPPO 1st PMFC , Licab MPS, Quezon MPS, PIU-NEPPO, Zaragoza MPS, at PIT NE-RIU3. Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Danny, 71 anyos, residente ng Licab, Nueva Ecija. Isinuko nito ang isang kalibre .38 na baril at apat na bala. Bilang tulong ng pamahalaan, binigyan siya ng isang sako ng bigas at paunang pinansyal na ayuda.BARIL ISINUKO SA MGA PULIS SA SAN ISIDRO
Boluntaryong isinuko sa mga awtoridad sa San Isidro PS ang isang .38 caliber revolver ng isang 44-anyos, binata, at residente ng Brgy. Pulo, San Isidro, Nueva Ecija. Ayon sa pulisya, ang pagsuko ay bunga ng tuluy-tuloy na dayalogo at pakikipag-ugnayan ng mga kapulisan sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng PNP Intensified Campaign Against Loose Fi****ms upang mahikayat ang publiko na kusang isuko ang mga hindi lisensyadong baril.