07/12/2025
𝐀𝐧𝐠 𝐆𝐡𝐨𝐬𝐭 𝐀𝐫𝐦𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐲
Noong 1942, bagsak na ang Pilipinas.
Maraming sundalo ang sumuko.
Maraming kababayan ang nawalan ng pag-asa.
Pero sa gitna ng kaguluhan, may isang taong tumayo:
Colonel Macario Peralta Jr.
Sa unang buwan ng gerilya operations niya, hindi umabot ng 500 ang may armas.
Ilan pa roon, sira pa.
Marami wala pang bala.
Pero imbes na sumuko, gumawa siya ng plano na hindi literal na laban — laban ng iskema at ilusyon.
Nagpadala sila ng pekeng radio traffic.
Gumawa ng mga dummy camps — walang tao, walang laman, pero kita mula sa himpapawid.
Nagpaputok sa iba’t ibang bundok tuwing gabi para kunwari may gumagalaw na batalyon.
Nagpaikot-ikot ng kwento sa mga baryo.
At bawat bulung-bulungan, bawat tunog, bawat anino sa gubat…
ginamit nila para manipulahin ang paningin ng kaaway.
At eto ang nakakabaliw na resulta:
Umepekto.
Sa mga dokumentong nasamsam pagkatapos ng digmaan, nakasulat sa Japanese intelligence na:
“Estimated guerrilla force in Panay: 10,000 to 12,000 men.”
Ang totoo?
Hindi man umabot ng 1,200 hanggang 1944.
At noong simula?
Halos 300.
Pero dahil naniwala ang Hapon na punung-puno ng sundalo ang kabundukan ng Panay,
hindi sila naglunsad ng malakihang operasyon.
Hindi nila nasupil ang underground network.
Hindi nila nabuwag ang organisasyon ni Peralta.
At pagdating ng 1945, nang dumating ang pwersang Amerikano,
handang-handa na ang Panay.
Kontrolado ng mga Pilipinong gerilya ang halos buong isla —
isang bagay na nagulat maging ang mga opisyal ng U.S. Army.