13/04/2020
ISA, DALAWA, "TALO"
Ni : LAXUS
Isa dalawa tatlo,
konting pagkakamali lahat tayo ay talo
Mga salitang binibigkas mo
Ikaw ba ay nakikipagtalo ?
Pwes ! Makinig ka at ipapaliwanag ko
Para sa mga sundalo, police at mga tao
Alinsunod sa patakaran dapat pa ba nating pag awayan
Kailangan paba nating magsakitan, para tayo'y manahan
Di paba sapat yaong namamatay ?
Upang tayo ay magkaisa at wala ng madamay
Kayong nakakataas wag tayong mang abuso
Ibigay ang sapat na pangangailangan ng mga tao
Simpleng pagtulong malaking bagay na ito
Sila'y pakinggan hinanaing nila'y totoo
Kayong nangangailangan wag kayong panghinaan
Pag asa'y tanaw di nya tayo pababayaan
Ang poong maykapal sya'y nakamasid lang
Tayo'y manawagan at tayo'y bibigyan
Para sa mga doktor, nurses at naninilbihan sa ospital
naway gabayan kayo ng poong may kapal
Upang kayo ay malayo sa ano mang kapahamakan maging matatag sana kayo
At wag panghinaan, kayo ang aming bayani alay namin sa inyo ay dasal
Para sa ating lahat alam kong hindi madali
Alam kong mahirap at alam kong masakit
Para sa atin na nawalan ng kabuhayan ngunit susuko kana ba ? O itutuloy pa natin ang laban
Wag tayong manisi o magmalinis
Lahat tayo ay mali wag tayong maiinis
Ikaw ba ay galit ? O kaya'y natatakot ?
Wag mag alala ito rin ay matatapos
Isa dalawa tatlo, naririnig mo pa ba ako ?
Mayroon sana akong gustong ipagawa sa iyo
Ipikit ang mga mata at pakingaan ang yong puso ilagay sa panalangin ang bawat pintig nito
O diyos na makapangyarihan kami ay haplosin mo ako ay nananalangin para sa lahat ng tao
Di lamang sa bansa ko kundi sa buong mundo
Kami ay pagalingin mo at balutin ng pagmamahal mo
Idinadalangin ko sa iyo ang kaligatasan ng lahat wag mo kaming pabayaan, ilayo sa kapahamakan matapos na sana ang sakit at alitan kami ito ang mga anak mo nagbabalik sayong kaluwalhatian
Patawarin mo kami sa aming kasalanan
Naway tanggapin itong aming dasal
Sa ngalan ng ama ng anak at ng espirito santo
Amen
Isa dalawa tatlo, naway pumukaw ito
Isang tulang sinulat ko para maintindihan mo
Na lahat tayo ay talo
Kapag galit at kasalanan
ang IPINAPAIRAL mo