28/03/2025
Hangad kong mayakap ka nang nararamdaman ko kung paano ka nananatili sa katahimikan — sa pamamagitan ba ng paghaplos dito o sa paglaban. At kung sa pinagsama ba nating init ay mapapaalsa nito ang mga katotohanang nakatago sa ilalim ng iyong kaluluwa: ano ang mga nawala sa’yo, at kung ano ang natagpuan mo; anong mga bahagi ng sarili mo ang natututunan mong panghawakan, o bitawan, o minsang nang natalikuran; kung ilang tahanan na ang iyong iniwan o ninais takasan, at kung saang bahagi mo naramdaman na ang pag-alis dito ay isang kalayaan. Hangad kong maging katahimikan na dala-dala mo lagi sa iyong pitaka.
Hangad kong mayakap ka nang malaman ko ang mga kwentong hindi kasya sa mga salita — mayakap ito na para bang ito lang ang nakasaad sa Bibliya na nilikhang pinakalikas.
Hangad kong mayakap ka nang malaman ko ang mga kwentong hindi kasya sa mga salita — hangad kong mahalin ka na higit pa sa natural kong pagbigkas.
-
kino