Daily Dose of Smiles and Laughs

Daily Dose of Smiles and Laughs TawaHub

"You made it clear to me before, no U-turn" ang sagot ko sa pamilyang ko at tumalikod nang walang lingon. Pumasok ako sa...
01/04/2026

"You made it clear to me before, no U-turn" ang sagot ko sa pamilyang ko at tumalikod nang walang lingon. Pumasok ako sa aking bantay sarado na opisina.

Dumating sila ng Manila galing probinsya, Sila ay naghintay sa receiving room, lumapit ako at hindi na Sila pinatuloy sa opisina ko nang makita ko na sila pala ang aking panauhin.

Sampung taon ang nakakalipas mula nang itakwil nila ako dahil sa ako ay walang-wala. Pinaaral ko ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Nang nakatapos sila ay nag-asawa agad kahit Wala pang nahanap na trabaho, kaya madalas ay kapos pa rin. Ako pa Rin ang takbuhan. Noong hatian ng mana ay sinabi ng aming magulang na sa dalawa kong kapatid na lang maghahati ng lupain nila dahil ako naman ay walang asawa at magaan ang buhay. Hindi ako naghabol, kahit masakit sa akin.

Nagpundar ako dalawang pampasaherong. Sa unang taon ay maganda ang takbo ng aking pinagkakakitaan. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, nabangga ang Isa sa pampasahero kong bus.

Nangailangan ako ng malaking halaga, nabalitaan ko na nagbenta ang mga Kapatid ko ng kanilang mana.

Nagcompute ako, ang kailangan Kong halaga ay kaya kong kitain ng anim na buwan.

Lumapit ako sa aking dalawang kapatid, at sinabi na baka puwede nila akong pahiraman ng kalahating milyon, tig-250k sana silang dalawa. Ito ay aking ibabalik pagkatapos ng anim na buwan.

Hindi ko inaasahan ang kanilang isasagot, "pagdating sa Pera ay walang kapa-kapatid, at wala na rin kaming kapatid na kagaya mo, hindi ka namin kapantay". Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig kaya ipinaulit ko ito. Tama ang pagkarinig ko.

Lumapit ako sa aking mga magulang, na baka pakiusapan ang dalawa kong kapatid. Milyones ang napagbentahan nila ng lupa, baka puwede nila akong pahiraman ng kahit kalahating milyon, babayaran ko din, pagkatapos ng anim na buwan.

Subalit, pagdating ko sa bahay ng aking mga magulang ay napag-alaman ko na nauna nang sinabi ng mga kapatid ko ang tungkol sa balak ko. "Ang pinagbentahan ng mga kapatid mo sa lupa ay gagamitin nila na puhunan para sa itatayo nilang business" ang panimula ng aking ina. Ipinaliwanag ko pa rin nang may pamamakaawa na ibabalik ang pera pagkatapos ng anim na buwan . "Mas mabuti pa sila ang magtayo ng negosyo, kaysa sa palpak mong plano!" Ang nakakasakit na sambit ng aking ina. "Ma, nagsimula Ako sa Wala, sarili kong pera ang puhunan ko, baka puwede sa pagkakataon na ito ay ako naman, hindi ko iyon hinihingi, utang ko po iyon" ang pagsumamo ko sa aking ina. "Nanunumbat ka ba, umalis Ka na, wala akong anak na kagaya mo!" Tungayaw ng aking ina.

Umalis ako, malinaw sa akin, wala akong pamilyang masasandalan sa oras ng pangangailangan. Malinaw sa akin na mag-iisang ko lang.

Ibenenta ko lahat ng puwede kong ebenta, may heavy salary loan, walang masasandalan. Wala akong pakiramdam, hindi ko maramdaman ang pagod at gutom. Panay ang OT ko sa trabaho, walang tulog, walang kain.

Hanggang sa Isang araw bumagsak ako sa opisina, dinala ako ng mga kasamahan ko sa ospital. Tinawagan ko ang part timer na katulong ko para may kaagapay ako sa ospital.

Sa pangyayari na iyon, napagtanto at ramdam ko na mag-isang ako sa buhay, walang pamilya. Sandigan ko ang sarili ko, kaya dapat mahalin jonang sarili ko, alagaan at pakainin.

Nang makalabas ako sa ospital ay para akong isinilang muli, bumalik Ako sa trabaho na mas malakas, matatag at determinado. Pinagtiyagaan ko ang isa pang taon sa trabaho at nagpunta Ako abroad para magsimulang muli.

Habang nasa abroad, nag enrol ako ng kurso tungkol sa real state, gusto Kong subukan na pasukin ang real state business. Inaral Kong mabuti ito.

Nakalipas ang sampung taon abroad, bumalik ako, kumuha ng mga housing units at sinubukang e-manage ang mga ito. Mahirap sa simula, noong magsimula akong kumita, ginamit ko ang ipon ko para magpatayo ng mga paupahang housing units.

Magpatayo na rin ako ng sariling bahay, maliit lang dapat na para sa akin. Gusto ko lang ng sariling espasyo, sariling trangkahan sariling parkeng at tahimik na paligid.

Isang araw, may nag check-in na taga probinsya sa Isa sa aking paupahan, nakilala niya ako, bumati at nangumusta.

Hindi ko akalain na ibabalita ito sa pamilya ko sa probinsya. Pamilya pa bang matatawag?

Let’s eat, let’s have our fill… because low carb diets start tomorrow (again).
20/02/2026

Let’s eat, let’s have our fill… because low carb diets start tomorrow (again).

Work with a happy heart. Let gratitude and a positive spirit guide the way you approach each task. When you enjoy what y...
20/02/2026

Work with a happy heart. Let gratitude and a positive spirit guide the way you approach each task. When you enjoy what you do — or at least choose to do it with a good attitude — even the hardest duties feel lighter and more meaningful. RAGSAKEN NGA AGTRABAHO.

When your mom tells you to clean your room.
18/02/2026

When your mom tells you to clean your room.

STALKER AKO NA ‘DI KO ALAMNoong college ako, may isang irregular student na napasama sa klase namin. Let’s call her Mica...
18/02/2026

STALKER AKO NA ‘DI KO ALAM
Noong college ako, may isang irregular student na napasama sa klase namin. Let’s call her Mica. Madalas siyang tumabi sa akin tuwing klase hanggang sa naging magkaibigan kami.
Isang araw, nagyaya siya na pumunta kami sa College of Arts and Sciences. Sige, game lang ako. Maya-maya, sabi niya balik daw kami sa College of Engineering, tapos lipat naman sa College of Teacher Education o kaya sa Library. Lakad dito, lakad doon.
Habang palipat-lipat kami ng building, napansin ko ang isang matangkad na lalaki. Hindi naman kaguwapuhan—sorry na, honest lang 🤣. Paulit-ulit siyang nandoon sa mga lugar na pinupuntahan namin.
Doon ko na tinanong si Mica,
“Siya ba ang ini-stalk natin?”
Tawa siya nang tawa. “Oo! Ngayon mo lang nalaman?”
Doon ko lang na-realize na buong araw pala akong kasabwat sa isang mission na hindi ko alam. From College of Arts and Sciences, to Engineering, to Teacher Education—lahat pala iyon ay para sundan si kuya.
Simula noon, medyo umiwas na ako kay Mica. Baka kung saan pa ako madamay. Bukod sa nakakahiya, masakit pa sa paa ang kakaikot kakastalk 😅
After a year, nabalitaan ko na nag-asawa na si Mica. At take note—hindi doon sa lalaking inistalk namin!

Minsan, akala mo naglalakad ka lang… yun pala may secret mission ka na. 😂

Sinabihan ko ang kapatid ko na sobrang likot niya matulog — yung tipong kailangan ko pa siyang talikuran dahil bukod sa ...
16/02/2026

Sinabihan ko ang kapatid ko na sobrang likot niya matulog — yung tipong kailangan ko pa siyang talikuran dahil bukod sa dumadantay, naninipa pa. Natatakot akong masipa niya ako sa maselang bahagi ng katawan kaya mas mabuti nang umiwas ako. Nagtampo siya sa sinabi ko. Tahimik niyang kinuha ang kumot niya at lumipat sa sofa para doon matulog.
Dalawang palapag ang bahay namin, at sa ikalawang palapag, tabla ang sahig kung saan naroon ang silid namin.
Wala pang isang oras mula nang makatulog siya nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog. Pagtingin ko, ang kapatid ko pala — nahulog mula sa sofa. Balot na balot pa rin sa kumot at tulog na tulog, parang walang nangyari kahit nakasubsob na sa sahig.
Hindi ko na siya ginising. Hinayaan ko na lang, para kapag nagising siya, mapagtanto niyang totoo ang sinabi ko — malikot talaga siyang matulog.

Labada
13/02/2026

Labada

BULLY Ako ay taga-probinsya, nangungupahan sa siyudad upang mag-aral ng kolehiyo. Masaya ako sa mga kaklase ko — palangi...
12/02/2026

BULLY
Ako ay taga-probinsya, nangungupahan sa siyudad upang mag-aral ng kolehiyo. Masaya ako sa mga kaklase ko — palangiti, masayahin, at madaling pakisamahan — maliban sa isa: ang number one bully ng klase, si Bryan.
Mapang-asar si Bryan sa lahat, pero lalong-lalo na sa akin. Parang ako ang paborito niyang tuksuhin.
Isang umaga, lumapit siya sa akin at humiram ng P500.
“Impossible namang mawalan ka ng pera,” sabi ko, dahil alam kong may kaya naman sila sa buhay.
“Nakalimutan ko wallet ko. Ibabalik ko bukas,” pangako niya.
Nagpahiram ako. Baka nga naman kailangan talaga. Oo, bully siya, pero hindi ko naman siya kilalang manloloko pagdating sa pera.
Mag-aala-una na nang mag-abang ako sa harap ng college building kasama ang ibang estudyante mula sa iba’t ibang kurso. Dumating si Bryan. Lumapit siya at iniabot sa akin ang P500 bill — eksaktong perang ipinahiram ko. Mukhang hindi niya ginamit.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi na lang muna niya ginamit, pero maraming tao. Walang privacy. Kaya tinanggap ko na lang ang pera at hindi na umimik. Balak ko sanang kausapin siya kapag kami na lang.
Pero pagkalagpas niya sa akin ng mga limang metro, bigla siyang sumigaw:
“Pambili mo ng gatas ni baby!”
Parang biglang tumahimik ang paligid. Naramdaman ko ang mga matang nakatutok sa akin — mula ulo hanggang paa — ng mga estudyanteng kasabay kong nag-aabang ng klase.
Sa sandaling iyon, halo-halong hiya at inis ang naramdaman ko. Nagtiwala ako sa isang bully — sa isang alaskador — at ako ang naging punchline.

Ako ay nasa high school pa noon, labinlimang taong gulang. Plain housewife ang nanay ko at government employee naman ang...
10/02/2026

Ako ay nasa high school pa noon, labinlimang taong gulang. Plain housewife ang nanay ko at government employee naman ang tatay ko. Isang araw, may roleplay kami sa klase tungkol sa masamang epekto ng sigarilyo sa katawan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang napiling linya sa aking piyesa ay tila direktang tumatama sa personal kong buhay—dahil ang tatay ko ay isang naninigarilyo.
Sabado noon. Tahimik ang bahay at abala ako sa pagre-rehearse. Paulit-ulit kong binibigkas ang linya, nilalagyan ng damdamin, parang tunay na galit at pag-aalala ang aking ipinapahayag:
“Hithit ka nang hithit ng sigarilyo, kailan ka titigil?”
Hindi ko namalayang may nakarinig.
Biglang pumasok ang tatay ko, may hawak na sandok na ginagamit niya sa paghahalo ng niluluto niya. Napatingin siya sa akin at sa mahinang ngunit mariing tinig ay nagsabi,
“Anong sabi mo?”
Nakaamba ang sandok, at bago pa ako tuluyang makapagpaliwanag, kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay. Habang tumatakbo, pilit kong sinisigaw ang paliwanag—na roleplay lang iyon, na para sa klase lang—ngunit hinabol pa rin ako ni tatay. Nag-ikutan kami sa bakuran ng aming bahay, halo ang takot, kaba, at isang kurot ng katatawanan sa sitwasyong iyon.
Isang eksenang hindi ko malilimutan—kung paanong ang isang simpleng linya sa roleplay ay biglang naging totoong-totoo sa loob ng aming tahanan.

Address

Aurora
Maria Aurora
3202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daily Dose of Smiles and Laughs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category