HamFil Club Maragondon NHS

HamFil Club Maragondon NHS Husay at Alab ng mga Mag-aaral sa FILipino ��

Maligayang Kaarawan, Shin Mendola! 🥳🎉Isang masayang pagbati sa ating masipag at maaasahang Grade 11 Representative, Shin...
02/08/2026

Maligayang Kaarawan, Shin Mendola! 🥳🎉

Isang masayang pagbati sa ating masipag at maaasahang Grade 11 Representative, Shin Mendola. Nawa'y ang araw na ito ay mapuno ng saya, pagpapala, at mga bagong pagkakataon upang maabot ang iyong mga pangarap. 🫶🏻✨

Mula sa iyong HAMFIL (Husay at Alab ng mga Mag-aaral sa Filipino) Family, hangad namin ang isang masayang kaarawan para sa'yo! 💙💛❤️

Muli Maligayang Kaarawan! 🥳🎂

02/08/2026

Kaligtasan ng bawat isa ang hangad namin.
Kapayapaan sa eskwelahan ay ating panatilihin. 🙌🏻

Hindi nagdudulot ng kabutihan sa iyong sarili ang pambubulas, kundi sama ng loob at galit mula sa iyong na-biktima at kapwa. Iyo munang pag-isipan ng mabuti ang mga sasabihin at gagawin mo sa iba. Huwag ulit-ulitin ang pamamahiya at pananakit sa kapwa. Sapagkat hindi lahat ng akala mong nakatutuwa para sa iyo ay ikinatutuwa ng iba.

Ito ay hindi lamang isang simple at maliit na bagay, ito ay may malaking epekto sa kaligtasan at kalusugan ng biktima. Maaring sa mental na kalusugan at pangangamba sa pisikal na kaligtasan. Madalas na humahantong ito sa mas malaking epekto na mas pagsisisihan. Kaya't ito ay tigilan.

Ang tunay na lakas ay wala sa kung sino ang nakatataas, kundi sa taong may kakayahang umunawa at rumespeto sa iba.

Pare-pareho nating piliin na maging dahilan ng pag-asa, hindi dahilan ng pagluha ng iba.

Buong puso naming ipaglalaban!

Pilipino tayo! Sabay-sabay isapuso at manumpa ng may buong katapatan. 🇵🇭Sinimulan ang linggo sa pagtataas ng bandila ng ...
22/07/2026

Pilipino tayo! Sabay-sabay isapuso at manumpa ng may buong katapatan. 🇵🇭

Sinimulan ang linggo sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas. Pagpupugay sa ating mga pinagmulan at sa bansang ating ipinaglalaban. Isa itong karangalang tumayo at magbigay respeto sa ating bayan, at gawin ang tungkulin ng may buong pagmamahal.

Ito'y simbolo ng ating kasaysayan. Mabuhay!🙌

Address

Maragondon National High School
Maragondon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HamFil Club Maragondon NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share