07/11/2025
Hindi na Ako Nakakita ng Rainbow
By:HNJ
Hindi na ako nakakita ng rainbow.
Siguro kasi,
masyado na akong abala sa paghahabol ng mga orders at delivery,
sa pag-check ng stocks,
At paghabol ng oras .
Bukang liwayway pa lang ay gising na.
Habang tulog pa ang mga tao,
nasa daan na ako.
bitbit ang pagod ng kahapon,
at ang dasal na sana,
maging maayos ang araw na ‘to.
Sa likod ng counter,
sa ingay ng fryer,
at sa amoy ng mantika na kumapit na sa damit ko,
minsan ko ring tanungin ang sarili:
Kailan ako huling huminga nang malalim?”
Kailan ako huling tumingin sa langit nang walang iniisip?
Noon,
kapag umulan,
hinahanap ko ‘yung rainbow —
parang sagot ng Diyos na may ganda pa pagkatapos ng hirap.
Pero ngayon,
kahit tapos na ang ulan,
ang nakikita ko lang ay ulap.
Makapal. Mabigat.
Parang pagod kong di nauubos ,ang hirap
Tuwing umuuwi ng bahay,
bubungad sa akin ang anak kong nakangiti,
at ang yakap asawa kong kay higpit.
At doon ko naiisip
siguro nga,
hindi ko lang napapansin ‘yung rainbow.
Kasi,
nandito na pala siya
sa yakap at mga ngiti nila.
Oo, mahirap maging ama.
Mahirap maging manggagawa.
Pero mas mahirap kung susuko ka.
Kasi sa likod ng bawat pawis,
may pamilya kang nananalig sa ‘yo.
Kaya kahit hindi ko na makita ang rainbow,
hindi ako titigil tumingin sa langit.
Hahanapin ko ang mga nawawalang kulay,
Pipinturahan ko ulit kahit isang kulay lang ang gamit.
At sa araw na ‘yon
kapag tumigil ang ulan,
at ngumiti ulit ang langit,
marahil makikita ko na…
ang rainbow.
Hindi sa himpapawid,
Kundi sa halik at yakap ng aking anak at asawa,
At ng tawanan ng aming munting pamilya