Yul Servo Nieto - Artist

Directions Website

Yul Servo Nieto - Artist Metal visual artist and actor whose work explores intensity, transformation, and the raw edges of human experience.

20/09/2026

Pakinggan ang kuwento sa likod ng aking bagong likha at unang bilog na canvass na “A Creative Spiritual Journey" 🎨

Isang mapa ng Pasig na nagsasalaysay ng mahahalagang kabanata ng aking buhay, isang patuloy na paglalakbay ng pagiging creative at spiritual. Sa Horizon Condominium, nagsimula ang isang makabuluhang yugto ng aking buhay bilang aktor, kung saan unti-unting nahubog ang aking pagkakakilanlan at pangarap sa mundo ng pelikula. Sa One Corporate Centre, nagpatuloy ang aking paglalakbay sa espirituwal na paglilingkod bilang radio drama talent, binibigyang-boses ang mga kuwentong puno ng pagsubok, pag-asa, at pananampalataya. Sa SM Megamall naman, naitanghal ang aking obra para sa Bilog 2026, sumasalamin sa aking patuloy na paglikha bilang metal visual artist. Sa kabuuan, ang mapa ay hindi lamang larawan ng isang lungsod kundi mapa ng aking creative at spiritual journey, mga karanasang humubog sa akin bilang artista, lingkod, at tao. Nakapaloob dito ang tatlong salitang patuloy na gumagabay sa aking paglalakbay: Diyos, Bayan, Pamilya, na isinulat sa anyong Baybayin, mga haliging sumasalamin sa aking pinagmulan, paninindigan, at patuloy na paglikha.

Maraming salamat sa Historia Art kina Salvador J. Ching at JV Esposo sa paglikha ng espasyong ito kung saan ang sariling kuwento, pananaw, at mundo ay maaaring ikwento sa pamamagitan ng hugis na bilog.

For artwork inquiries, kindly DM ❤️

📍Art Center, 4th Floor, SM Megamall Building A, Mandaluyong City
🎨 Ecosphere: 6th Bilog Exhibition 2026

"A Creative Spiritual Journey"Automotive Paint on Stainless Steel and Brass24 inches diameterSeptember 2026Yul Servo Nie...
19/09/2026

"A Creative Spiritual Journey"
Automotive Paint on Stainless Steel and Brass
24 inches diameter
September 2026
Yul Servo Nieto (b. 1977)
Directions Series
Map of Pasig

Ecosphere: 6th Bilog Exhibition 2026

Isang mapa ng Pasig na nagsasalaysay ng mahahalagang kabanata ng aking buhay, isang paglalakbay ng pagiging malikhain, paglilingkod, at pananampalataya.

Sa Horizon Condominium, nakaukit ang yugto ng aking buhay bilang aktor panahong unti-unti kong nakilala ang aking sarili sa mundo ng pelikula, naging mas abala sa mga proyekto, at nagsimulang maramdaman ang mga bunga ng aking pagsisikap. Sa One Corporate Centre, naroon naman ang aking panibagong tahanan sa espirituwal na paglilingkod bilang radio drama talent, kung saan binibigyang-boses ko ang iba’t ibang kuwento ng mga taong dumaan sa mga pagsubok at mas naging malapit sa Diyos. Sa kasalukuyan, naroon ang SM Megamall, ang lugar kung saan naitanghal ang aking pinakabagong obra para sa Bilog 2026, isang simbolo ng aking patuloy na paglalakbay bilang aktor at metal visual artist.

Sa kabuuan, ang mapa ay hindi lamang mapa ng isang lungsod, kundi mapa ng aking buhay. Ang “Creative” ay kumakatawan sa aking sining at paglikha; ang “Spiritual” sa mga kuwentong aking binibigyang-boses at sa pananampalatayang ipinapasa sa iba; at ang “Journey” sa patuloy na pag-ikot ng mga karanasan, pangarap, at pagbabalik sa aking mga pinagmulan. Sa obra, makikita rin ang tatlong salitang mahalaga sa aking buhay; Diyos, Bayan, Pamilya, na isinulat sa anyong Baybayin. Tatlong gabay na sumasalamin sa kung sino ako, saan ako nagmula, at kung ano ang patuloy kong pinahahalagahan habang tinatahak ang aking malikhaing at espirituwal na paglalakbay.

Presented by Historia Art

Visit them at:
📍 3F, GH Mall, Greenhills, San Juan City
📍 Level 1, Building A, Tiendesitas Mall, Pasig City
📍 Unit 103, WPL Building, White Plains, Katipunan Ave., Quezon City
📍 Unit 406, 4th Floor, Building A, SM Megamall, Mandaluyong City

📩 DM for inquiries
🌐 http://historiaart.com.ph
📧 [email protected]

ECOSPHERE 6th BILOG EXHIBITION 2026 🎨✨“What Goes Around Comes Around”Isang karangalan ang maging bahagi ng ECOSPHERE, is...
18/09/2026

ECOSPHERE 6th BILOG EXHIBITION 2026 🎨✨
“What Goes Around Comes Around”

Isang karangalan ang maging bahagi ng ECOSPHERE, isang espesyal na pagtitipon ng mga contemporary master artists, established artists, at mga umuusbong na alagad ng sining na sama-samang tumutuklas sa kakaibang posibilidad ng bilog na canvass. Mas espesyal ang pagkakataong ito dahil nakasama ko ang mga iginagalang na panauhin at kapwa artista na patuloy na nagbibigay-buhay sa sining sa kani-kanilang paraan. Maraming salamat sa Historia Art kina Salvador J. Ching at JV Esposo sa paglikha ng espasyong ito kung saan ang bawat bilog ay may sariling kuwento, pananaw, at mundo.

Tuklasin natin ang mga kuwentong nabubuo sa loob ng bilog. ⚪⚫🔵🔴

6th Bilog Exhibition 2026 🎨Isang natatanging pagtitipon ng mga kontemporaryong artistang Pilipino na tumanggap sa hamon ...
17/09/2026

6th Bilog Exhibition 2026 🎨

Isang natatanging pagtitipon ng mga kontemporaryong artistang Pilipino na tumanggap sa hamon ng bilog na canvass, at tuklasin ang mga bagong posibilidad ng sining sa loob ng isang hindi pangkaraniwang anyo. Inihahandog ng Historia Art, ang Bilog ay nagtatampok ng iba’t ibang malikhaing interpretasyon at pananaw ng mga artist sa circular format. Ilang taon na itong patuloy na nagbibigay ng espasyo sa mga likhang nagpapakita ng sari-saring kuwento at posibilidad ng sining.

Sa exhibit na ito, itinatampok ko ang aking pinakaunang bilog na obra, “A Creative Spiritual Journey,” na sumasalamin sa aking paglalakbay bilang artista at radio drama talent, at metal visual artist sa lungsod ng Pasig. Makikita rito ang dati kong tahanan sa Horizon Condominium, One Corporate Centre para sa Tanikalang Lagot, at SM Megamall, kung saan matatagpuan ang Historia Art at Art Center.

Maraming salamat kina Salvador J. Ching at JV Esposo, sa aking mga kapwa artista, at sa lahat ng patuloy na tumitingin, nakikinig, at nagbibigay-halaga sa aming mga kuwentong nabibigyang-buhay sa sining at sa simpleng anyo ng bilog. 🙏🎨✨

16/09/2026

Hindi lamang sa harap ng obra nakasulat ang kuwento minsan, kailangan mo ring balikan ang pinagmulan nito. Binubuo ang title at description sa likod ng aking artwork. Ang bawat letra ay marka ng kamay, oras, at proseso tulad ng mismong obrang unti-unting nabuo mula sa bakal ⚙️🎨

📅 September 4–15, 2026
📍 Art Center, 4th Floor, SM Megamall Building A, Mandaluyong City

Inaanyayahan ko kayong dumalaw at makita ang aking unang bilog na obra, kasama ang iba pang likhang nagbibigay-buhay sa selebrasyon ng Historia Art. 🙏🎨✨

15/09/2026

Sa bawat hagod ng grinder sa bakal, unti-unting nabubuo ang hugis, texture, at kuwento ng aking obra. ⚙️🎨 Para sa Bilog 6th Anniversary ng Historia Art, isang bagong hamon ang aking tinanggap ang lumikha ng aking unang bilog na artwork. Isang bagong hugis, bagong proseso, at panibagong kuwento sa aking paglalakbay bilang isang artist.

📅 September 4–15, 2026
📍 Art Center, 4th Floor, SM Megamall Building A, Mandaluyong City

Tara, at sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nabubuo sa loob ng isang bilog. 🎨✨

14/09/2026
83rd Venice Film Festival. 🇮🇹🎬Honored to be part of the photocall for our film, “Makikiraan Po” (Let Us Through, Dear An...
13/09/2026

83rd Venice Film Festival. 🇮🇹🎬

Honored to be part of the photocall for our film, “Makikiraan Po” (Let Us Through, Dear Ancestors), written and directed by Lav Diaz, together with our incredible cast.

From the Philippines to Venice, it is truly a privilege to share this work, this story, and a piece of Filipino cinema on the international stage. Maraming salamat sa pagkakataong ito. Mabuhay ang pelikulang Pilipino! 🇵🇭❤️

11/09/2026

1M Followers, 526 Following, 0 Posts

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yul Servo Nieto - Artist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category