18/08/2026
GRADE 7, NAMARIL SA SCHOOL.
Kapwa studyante ang pinag babaril. Kabilang na ang mga g**o at security guard.
Ilang buhay nanaman ang nasayang ng dahil sa kapabayaan ng mga gun owners na hindi sinisigurado ng mabuti na dapat safe at hindi ma aaccess ng kahit sino ang mga gamit nito. WALANG ACCESS, WALANG GANITONG SCENARIO. SIMPLE AS THAT.
Dapat sig**o mas maging mahigpit na ang mga bawat Paaralan, lagyan ng mas maiging security measures. Yung mga GUARD and SECURITY dapat yearly may refresh training at dapat magkaroon na ng trianing for this kind of scenarios. Hindi lang basta bastang training. Yung totoong training na makakasagip sa mga ganitong klase ng pagkakataon.
Ilapit ang mga studyante at himukin na sumali sa mga religious activities sa loob ng tahanan at paaralan.
Introduce din sakanila ang iba’t ibang uri ng sports and activities and clubs na pwede nilang salihan, yung ma poprovide ng mga schools. Dahil dito mas makukuha ang atensyon nila na magamit sa mas magandang paraan, kesa mapunta sa maling grupo o systema.
Magkaroon narin sana ng weekly counseling ang mga studyante ngayon sa loob ng paaralan. Mabigat na bagay ito pero baka mas makatulong. Lalo sa mga studyante na may mga binibit na problema at depression.
Aminin na natin. Mas mapusok, mas malalambot at mas madamdamin na ang mga bata ngayon. Hindi dahil sa mahihina sila. Kundi dahil sa mas binibigyan sila ng sobrang laya and masyadong na baby.
Masyadong malaya sa technology, gadgets, at mga bagay na dapat hindi nila madaling ma access pero dahil sa kakulangan ng pag gabay ng mga magulang ay hindi na natututukan.
IBALIK NYO ANG DISIPLINA AT TAKOT SA MGA KABATAAN. HINDI PARA TORTURIN O SAKTAN LANG SILA. KUNDI PARA MARAMDAMAN AT MALAMAN NILA KUNG ANO ANG CONSEQUENCES KAPAG MAY MGA MALING BAGAY SILANG GINAWA.
WALANG MAY GUSTO NA MANGYARI YAN, PERO ANG NANGYARI AY NANGYARI NA!. HINDI NA MAIBABALIK ANG MGA BUHAY NA NAWALA.
WAG MONG HINTAYIN NA SA ANAK MO NA MANGYARI. ANG MAWALA O MAGING DAHILAN KUNG BAKIT MAY BUHAY NA NAWALA.