25/04/2022
***General Channeled Message From My Guides***
Posted at: Apr. 25, 2022 (1:17 pm)
Advance Note:
Don't take this seriously if 'di ito nagresonate sayo. Please, make this comment box a healthy discussion for all hangga't maaari. Thank you. :)
---------------------
Tiger spirit animal card
Devil Arcana reversed
King of Swords upright
8 of pentacles upright
Joker card upright
---------------------
Sa Tiger na spirit animal card, ang sabi ay, "good things come to those who wait", pero hindi ibig sabihin nun ay maggogoofing around na ikaw kasi nga may God(s) na magsisilbing protector at lakas ng loob pero titingnan ang isang sitwasyon na ok na 100% at pwede nang magparelax relax lang. Huwag kampante dahil sa simbilis din ng tigre ang mga pagbabago ng pangyayari kapag naging kampante tayo masyado sa mga biyayang dulot ni Universal God. Una sa lahat, si Universal God, hindi yan genie upang magmake a wish lang tayo tapos wala nang gagawin or 'di kaya, less effort na at 'di na ibibigay ang lahat para sa goals mo. Mag-affirm sa sarili pero may gawa, kasi dapat isasakatuparan sa reyalidad ang mga nais na mangyari sa buhay kaya nga sinabi ang, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
Sa Devil Arcana reversed, dito, it signifies na you should be fighting para sa mga pangamba sa buhay na meron ka at may choice ka whether to fight or flight, as the Devil Arcana represents fear at greed. Sa takot, nakagagawa ka rin ng mga bagay na hindi maganda sa iba at lalong lalo na sa sarili mo. Kung sa love man ito, maghunos dili sa mga pinagsasasabi mo out of fear — or lalo na sa anger — sa partner mo dahil sa nasa Ta**us season tayo now, in which, Ta**us is ruled by Venus, yung earthly love side natin (note: we all have the 12 zodiacs sa self natin) pero at the same time, yung passive-aggressive side din natin kapag tayo'y nagagalit o nangangailangan na depensahan ang sarili sa pisikal man o ispirituwal. Sa devil din makikita ang possible manipulation ng self and/or ng others dahil sa fear of unknown na need nating malagpasan na trial. Sa reversed, sinasabi rito na kilalanin ang sarili at ang ibang taong nasa paligid natin upang sa ganun ay hindi tayo makapanghamak ng dignidad ng iba nang sa ganun ay umayos ang takbo ng buhay nating mga tao at mas mapadali ang pagpapalakad ng sistema ng kaisipan dahil sa at peace ang sarili at ang iba. Labanan ang takot na sanhi ng ego mo, bagkus, magpagabay kay Universal God mismo at sa mga gabay mong 'di nakikita at nakikita. Lahat ng nasa mundo ay magsisilbing g**o kung ikaw ay willing maging estudyante ng buhay at ikaw din mismo ay pwede rin maging isang g**o sa buhay ng iba upang sa ganun ay magpalaganap din ng kaliwanagan ng kaisipan.
Sa King of Swords at 8 of Pentacles upright, dito, paiigtingin ang communication between sa fam, friends, or rather, sa mga loved ones natin dahil sa nasa Venus ruled na month tayo. Be a master communicator, communicate with yourself first and with your spirit guides ng what ifs and what are the things that you need to improve para sa sarili mo upang sa ganun ay maging in service ka sa self mo at madala mo sa iba nang sa gayon ay magkaroon ka ng gising na diwa ng kaluluwa. Be your own light, 'di mo na kasalanan if nakapagcast ka ng shadow ng ibang tao sa mga sarili nila at problema na nila yun 100% yung reactions nila, basta ikaw, focus on being true on yourself. If nakipag-usap sila sayo, it depends sa kanilang intent. Alamin mo rin if nakasakit ka ng kalooban or not, question your morality din kapag may time. If intent nila manakit, umiwas ka at tukuyin yung part na nakasakit ka at continue on improving yourself. Habang nabubuhay ang tao, malawak ang mundo upang mag-improve at magbago ang isang tao, work on yourself at sa others na rin. Communication with comprehension is a must, if nakaagrabyado ang kapwa nyo, sabihin nyo nang mahinahon upang maresolba ang problema at depende sa kanila ang turan nila. Don't force. :)
Joker card means change is coming if ikaw mismo ay gagalaw, in your own phase with your new soul, face to face sa sarili at sa iba with God's grace. Don't fret, change is not scary kung ikaw mismo ay willing na sumunod sa agos nang may kasamang pananalig at lohika ng iyong sariling kaisipan upang sa ganun ay makagagawa ka ng kapanatagan sa iyong kalooban at ang kalooban din ng iba iyong maalagaan nang sa ganun pare-pareho kayong payapa sa inyong mga buhay, as we are one and all. Namaste! God bless! Any language of faith can do! :)
ANGEL NUMBER 117:
Double 1s, initiative is a must. Sa inyo magmumula ang pagbabago, ma'ams and sirs. You are your own leader, you should be your own boss na rin. Sa naging reading ko, binibigyang diin ang tiwala sa sarili at sa mga gabay — nakikita man o hindi, literal man o metaporikal — sa iba't ibang sektor ng mundo upang sa ganun ay umiral pa rin ang respeto sa sarili at sa iba, dahil 'di talaga tayo nag-iisa sa mundo. Sa pagiging mulat ay ika'y lalaya sa mga pangkukutya ng mga taong minulat ng sobrang dilim at liwanag kaya nasilaw sa parehong bagay, dahilan upang kalimutan ang iba't ibang kulay ng mundong kanilang kinagagalawan kaya mundo nila lumiliit at nawawalan ng kulay. Huwag mag-alala, 'pagkat nandyan ang mga nagmamahal at nasuporta sayo nakapaligid at handa kang tulungan basta't buksan lamang ang puso't isipan sa mensaheng kanilang dadalhin para sayo. Sa 7, dyan papasok yung spiritual side ng self at others mo. We are all spiritual by nature, may iba't ibang kulturang nakagisnan, paniniwalang pinanghahawakan o di kaya, Diyos na sinasamba't pinaniniwalaan (or wala).
"Dealings with people bring about self-scrutiny."
~Franz Kafka
Sa pakikisalamuha sa iba't ibang tao, iba't iba ring pananaw ating masasaksihan, kaya 'di dapat tayo basta basta nagjajudge sa mga tao sa paligid natin base sa kung anong pang-ibabaw na kaalaman natin without knowing kung anong paghihirap o pagkakasiya kanilang dinadanas sa pang-araw-araw, maski kayo ay nahuhusgahan din with or without you knowing, hahaha.
We all have struggles, huwag nang gumatong kung hangga't maaari, pero huwag din maging masyadong makasarili na feeling mo sayo naikot ang mundo dahil nga parte ka ng mundong kinagagalawan mo na may iba pang mga nilalang na iyong nakakasalamuha't nakakasama, dyan kasi papasok ang salitang COEXISTENCE. Love, love, mga katropa. ^^