14/10/2025
PABATID | PANAWAGAN NG MGA OBISPO
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na sama-samang manalangin at humingi ng awa sa Panginoon, kaugnay ng mga nagdaang kalamidad gaya ng mga bagyo, pagputok ng bulkan, sunog, at lindol at ng mga kasalanang panlipunan dulot ng katiwalian at kawalang-katarungan sa pamahalaan.
Ang bawat isa ay hinihikayat na manumbalik sa Diyos nang may mapagkumbaba at nagsisising puso, bilang pagtugon sa Pambansang Panawagan sa Panalangin at Pagsisisi, tuwing Linggo, at kung maaari, araw-araw, hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari, kasabay ng pagtunog ng mga kampana bilang tanda ng ating sama-samang paghingi ng habag ng Diyos.
Maglagay ng puting laso sa mga tahanan, simbahan, at pampublikong lugar bilang tanda ng ating hangarin para sa katapatan, pananagutan, at mabuting pamamahala, at bilang panalangin na mahugasan at mapanibago ang ating bansa sa awa ng Diyos.
- Magsuot ng PUTI tuwing Linggo ng Oktubre at Nobyembre bilang sagisag ng kalinisan ng kaluluwa at paalala ng ating pagbabalik-loob sa Panginoon.
- Maglagay ng puting laso sa mga tahanan, simbahan, at pampublikong lugar bilang tanda ng ating hangarin para sa katapatan, pananagutan, at mabuting pamamahala, at bilang panalangin na mahugasan at mapanibago ang ating bansa sa awa ng Diyos.
Nawa’y ang panahong ito ng panalangin at pagsisisi ay magbunga ng pag-asa, kagalingan, at panibagong buhay para sa ating sambayanan.
“Likhaan mo ako ng malinis na puso, O Diyos, at bagong diwa ang aking isakatuparan.” — Awit 51:12