03/05/2026
HAPPY BIRTHDAY DADI, Nik Makino! 🤍
Thank you dahil naniwala ka sakin. Thank you dahil sinamahan mo ako na simulan yung negosyo. Ayaw kong makita ng mga tao ‘to kung ano mga ginagawa ko sa likod ng binibuild kong negosyo pero okay lang kasi gusto ko din na makita nila gaano ka kasupportive na asawa.
Ikaw pa nag hila at nag buhat ng lahat yan. Habang ginagawa mo lahat yon, sumagi lang sa isip ko na si Nik Makino ay si Nikolson Makino walang pinagbago sa ugali mo. Hindi ka nagpapaka artist lang for show kung sino ka on cam, yun ka pa rin off cam. 🫂
And sobrang thankful and grateful ako dahil sinamahan mo ako sa pangarap ko. Kahit na sinasabi mo sakin noon na ikaw na ang bahala sa lahat, alam mo namang matigas ang ulo ko at hindi ako payag na wala akong gawin. Ayokong wala akong ambag sa buhay mo at sitting pretty lang kaya sobrang naa-appreciate ko na sinuportahan mo pa rin ako sa gusto kong tahakin.
Sobrang sipag at masikap mong lalaki, maayos na asawa at sobrang pure mong tao.
Mahal ka namin ni Georgina, sobra sobra! ☹️🤍