05/05/2020
hindi ako bulag at nakikita ko kayo π
pero nais kong humingi ng paumanhin kasi malabo na makakabalik pa ako (oo kahit na magcomeback pa ang BP), aaminin ko rin na hindi ko natupad 'yong mga nakalista sa akin at hindi ko na rin na-edit pa 'yong mga narecord ko nang reactions noon pa dahil sa totoo lang, hindi ko na talaga ito passion kaya pasensya na talaga lalo na sa mga matagal kong napa-asa rito, tanggap ko 'yong disappointment at 'yong pangungulit kahit sa mga personal account ko (pero sana bawasan natin ng onti charot)
matagal na rin ako naging inactive di lang sa pagreact kundi sa k-pop fandom na rin in general kaya p**iramdam ko kung pipilitin ko pa gumawa ng reaction ngayon ay magiging for clout/hype nalang 'yon para lang masabing relevant pa rin itong page ko. kaya ko sinasabi 'to ay dahil ayokong pagsamantalahan 'yong dami ng followers ko kapalit ng mga content na hindi naman talaga totoo o malapit sa kanila bilang kapwa fan. ayoko ng ganon.
aware na rin ako na karamihan sa mga nanonood ng videos ko ay kabataan, at bilang tulad niyo na ngayon ay tumatanda na rin, nagiging sensitive at responsable na rin ako sa mga pangyayari sa labas ng personal na buhay ko. cheesy mang p**inggan pero natuto ako maging grounded pa rin at magkaroon ng p**i sa mga bagay na hindi limitado sa interes o comfort zone ko lalo na ngayong nasa gitna rin tayo ng pandemya (magparehistro na kayo at bumoto nang tama sa susunod na halalan, parang awa). bukod doon, nahihirapan din talaga ako mentally at financially so di ko rin afford na magreact, edit, at upload sa ganitong panahon, ni hindi nga ako makasama sa online classes namin kaya mahirap din para sa akin na gumawa pa ng video regardless kung gusto ko man o hindi.
siguro rin naman alam ng iba (kundi lahat) na ang totoong passion ko talaga ay ang pagiging digital artist at graphic designer, talagang iyon ang calling ko at hindi ang pagiging video o content creator sa fb o youtube. doon ko mas gustong ibuhos at igugol lahat ng energy ko, dahil doon din ako mas nagiging totoo sa sarili ko kahit papaano.
alam kong di kayo sanay sa ganitong drama dahil nakasanayan niyong humalakhak pag nakikita tong page na to, pero kailangan ko talaga sabihin lahat nang 'to dahil karapatan niyo rin naman na malaman bakit ang tagal kong hindi nagpaparamdam.
pasensya na talaga π₯ alam ko na mabigat na rin talaga lahat ng nangyayari ngayon, pero sana huwag niyong isipin na iiwanan ko na ito. dito lang itong page na 'to at 'yong channel ko, hindi ko ito idedelete o kung ano pa man. 'yon ang pinaka kaya kong gawin para sa inyo sa ngayon.
kahit na gustuhin ko mang mapasaya kayo, p**iramdam ko hindi na ako nagiging totoo sa sarili ko pag tinuloy ko pa ito.
pasensya na talaga at salamat sa walang sawang suporta niyo since 2014 π₯Ί