12/03/2026
Sa gitna ng ingay ng mundo, may katahimikan sa loob ko na sumisigaw.
Hindi ito maingay, ngunit mapahamak.
Parang bagyong walang kulog, tahimik pero unti-unting winawasak ang loob ko.
Mga bagay na hindi napagtanto.
Mga luha na natutong magtago sa likod ng pilit na ngiti.
Hindi ko na alam kung bakit ganito, bakit tila ang mundo ay laging salungat sa gusto ko.
At sa bawat gabi na akoโy nag-iisa, tinatanong ko kung may liwanag pa bang naghihintay sa dulo ng dilim.
Dahil tila ang dilim ay walang pakundangan sa aking buhay.
Ngunit sa gitna ng anino, may munting tinig na bumubulong โhuminga ka pa.โ
Isang liwanag ng pangarap.
Na kahit maliit, sapat para ipaalala na may bukas pa.
Sapat para ang pag-asa ay madama, dahil tulad ng iba sinubukan kong maging malaya.
At marahil, ang kalayaan ay hindi ang kawalan ng dilim kundi ang lakas na maglakad kahit may anino pa rin.
Yun ang aking naunawaan, wag nating sisihin ang dilim.
Dahil minsan, sa dilim natin natutuklasan ang liwanag na tunay nating kailangan.
Ang dilim na magbibigay sa atin ng aral.