17/08/2019
Maraming marami pong salamat po Tita Grace sa pag-aalaga, pagiging nanay, pagiging katuwang at tahanan ng Likhain simula nang kami ay nagsimulang maging isang komunidad ng mga mananayaw sa Tondo. Maraming salamat sa mga pagkain, sa mga payo, sa mga kasiyahan mula sa pagkanta, at sa mga seryosong usapan, pagpapahintulot sa mga instrumento ng Likhain na itago sa inyong tahanan, mula sa pakikisabak namin sa Pilipinas Got Talent hanggang sa huling pagsasayaw ng Likhain sa Team Yey kamakailan. Ikaw ang isa sa aming inang, na hindi matutumbasan ng kahit sino. Maraming salamat sa suporta at pagbibigay linaw sa mga panahong kami ay nangangailangan nito, at sa lahat ng mga masasayang ala-ala. Kami ay Nalulungkot, pero kami ay magpapakatatag dahil alam namin na yan din ang magiging payo ninyo sa amin kung kami ay dumanas ng ganitong pangyayari. Mananatili ka po sa ala-ala namin. Muli, marami pong salamat! 😠Mabuti at napagbigyan niyo rin kami dati na malitratuhan kayo na kasama namin.