02/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐ฉ๐ถ๐ฎ๐ป๐ป๐ฒ๐, isang natatanging araw ng panalangin at pasasalamat para sa ating mga pari na buong pusong naglilingkod sa Simbahan at tapat na umaakay sa sambayanan tungo kay Kristo.
Si San Juan Maria Vianney, na kilala bilang ang Kura ng Ars, ay namuhay nang may malalim na kababaang-loob, kabanalan, at ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos. Walang pagod niyang ipinangaral ang Ebanghelyo, ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya, at naglaan ng mahabang oras sa Sakramento ng Kumpisal, kayaโt naging buhay na larawan siya ng habag, awa, at pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan.
Sa pagdiriwang na ito, ipanalangin natin sa natatanging paraan ang lahat ng mga pari, lalo na ang ating mga pastol sa Arkidiyosesis ng MaynilaโKanyang Kabunyian, Jose F. Cardinal Advincula, D.D., Rev. Fr. Douglas Badong, at Rev. Fr. Xavier Nokrek, CSC. Nawaโy patuloy silang pagkalooban ng Panginoon ng karunungan, kababaang-loob, lakas, at tapat na pagmamahal upang magampanan nila ang kanilang bokasyon bilang mga lingkod ni Kristo at mga pastol ng Kanyang kawan.
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo ang aming mga pari!