IOCA

IOCA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IOCA, Gaming Video Creator, Robinsons Cybergate Towers 1, 2 and 3, EDSA cor. Pioneer Street, Mandaluyong City, 1554 Metro Manila, Manila.

08/10/2026

may bayarin paba, kasi hindi nalang ako kakain

08/10/2026

yung tawang tawa ka sa reels tapos wala kang mapag sendan para dalawa kayong matawa

08/10/2026

mas ok na 'tong wala akong tsinelas, kesa wala lang ako sa'yo

07/10/2026

Agaw-pansin online ang mga bagong larawan ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos mapansin ng ilang netizens ang pagbabago sa kanyang itsura.

Noong October 5, nagbahagi ang alkalde ng medium-shot photos niya na kuha sa loob ng kanyang opisina. Wala itong caption ngunit nilagyan niya ng background music na 2003 remastered version ng Spandau Ballet’s “True.”

Ilang netizens ang nagkomento tungkol sa kanyang labi, habang ang iba naman ay napansin ang kanyang mas slim na pangangatawan. May ilan ding nagtanong at nagpahayag ng kanilang concern tungkol sa kanyang pagbabago sa itsura.

Napansin naman ni Niña ang mga komento at nagpasalamat sa mga nakibahagi sa kanyang post.

“Thank you for the engagement, guys, kahit nega ‘yung iba, nagulat ako dahil lang sa picture ko pa talaga hahaha, thank you. Mahal ko kayo lahat and God bless us all,” ani Niña noong October 6.

Nilinaw rin ng alkalde na wala siyang sakit at sinadya niya ang kanyang pagbabawas ng timbang.

“By the way, wala akong sakit, sadyang gusto ko lang maging skinny. Goal ko nga si co**se bride eh, hahaha, jooooke, but thank you for the concern ah, kahit may ibang pressing matters, ‘yung itsura ko pa talaga ang pinag-uusapan hahaha, nakaka-touch din, salamat,” saad niya.

Binalikan din ni Niña ang mga naging komento sa kanya noong iba-iba ang kanyang itsura at timbang.

“Nakakatawa lang kasi when I was bigger, tawag sakin aparador, nung puti face ko, chimchamchu, ‘yung payat naman ngayon, kalansay or tarsier. But, in all that I can say, madami affected sa akin, hahaha, Bakit???? Hahaha, you must love me talaga. Anyway, sa dami ng gulo sa mundo, let us remember to Live. Laugh and Love,” pahayag niya.

07/10/2026

Matapos ang halos 29 taon mula nang unang ligawan ni Onemig Bondoc si Aiko Melendez, isang engagement ang naging bagong yugto ng kanilang love story.

Ibinahagi ni Onemig sa kanyang vlog ang mga eksena ng kanyang proposal kay Aiko habang bumibisita sila sa puntod ng yumaong ama ng aktres na si Jimi Melendez.

Bago ang proposal, sinabi ni Onemig na kinausap muna niya ang mahahalagang tao sa buhay ni Aiko, kabilang ang kanyang ina, kapatid at dalawang anak. Pati ang ama ng aktres ay kanyang kinausap bago niya tuluyang tinanong si Aiko kung papayag itong pakasalan siya.

Matapos tanggapin ni Aiko ang proposal, masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang bagong status.

“I’m going to be soon Mrs. Bondoc. Guys, I’m officially engaged!”

Opisyal na kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon ngayong taon, ilang dekada matapos unang manligaw si Onemig kay Aiko.

06/10/2026

Ipinagkatiwala ng mga magulang ng yumaong basketball player na si Rene Baterbonia ang isa sa kaniyang jerseys kay social media personality at collector na si Boss Toyo para sa safekeeping at display sa Pinoy Pawn Stars Museum sa Quezon City.

Ang jersey na may pangalan ni Rene at No. 2 ay isinuot niya noong Grade 11 siya sa Ateneo de Davao Senior High School. Ayon sa kaniyang ina, nasa 6’2” noon ang height ng anak at hindi pa nalalabhan ang naturang jersey.

Nagkaroon ng online rumors tungkol dito matapos kumalat ang ulat na nagkakahalaga umano ito ng ₱25 milyon at ibebenta kay Boss Toyo. Kapwa naman itinanggi ng Baterbonia family at ni Boss Toyo ang naturang halaga at bentahan.

Sa isang episode ng “Pinoy Pawn Stars,” nilinaw din ni Boss Toyo na hindi niya binili ang jersey at hindi ito ibebenta. Sa halip, magiging bahagi ito ng kaniyang museum collection.

"Never ako sumakay sa clout kasi alam ko sa time na 'yun... lalo na 'yung maiinit na topic, lalo na sa sensitibong topic na gano'n," ani Boss Toyo.

Binigyang-diin din niya ang tungkol sa kumalat na ₱25-million valuation: "Magbabayad ako ng P25 million? Wow, sobrang yaman ko naman," habang maririnig naman si Mary Jhoy na nagsasabing, "Hindi totoo."

Matapos ang turnover, sinabi ni Boss Toyo na ipapaframe ang jersey at ipapakita sa Pinoy Pawn Stars Museum kapag natapos ang renovations. Hindi rin umano ito ilalagay sa bentahan.

06/10/2026

change is scary but so is staying the same.

06/10/2026

a man giving you all his attention and babying you is so attractive

06/10/2026

celebrate your small wins too

05/10/2026

dami ko ng post, wala parin naiinlove.

Address

Robinsons Cybergate Towers 1, 2 And 3, EDSA Cor. Pioneer Street, Mandaluyong City, 1554 Metro Manila
Manila
1900

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IOCA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share