07/03/2026
Ligaw na daanan
sa lupang tinubuan ng mga pangarap binitag,
napapalamon ang isip ng mga Pilipino sa gapos ng huwad;
sa paghihirang, hindi na gawa ang sukatan,
kagustuhan lang ang naghahari, walang kaligtasan.
ayaw mong magpakulong sa bilangguan ng hirap,
ngunit sila pa rin ang gustong umupo, bitag na tila sarap;
hahayaan mo bang ikaw ay gapusin ng mga kamay
ng mga taong gustong magpatuloy sa pagdaya?
ang tinutukoy ko ay ang mga tanikala ng katotohanan,
masakit, ngunit kailangan mong harapin, walang lusutan;
hindi ito panlalait, kundi pagmulat sa katotohanan,
kung kaya't maligaw man, ay hahanap ng bagong daan.