31/08/2026
Nakikiisa ang University Center for Culture and the Arts sa pag-gunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes' Day) at sa pagtanaw ng kinabukasang pumipiglas sa tanikala ng pagkabihag. Alalahanin natin ang mga tunay na bayani na hindi lamang nag-isip, kundi kumilos at nagpakilos para sa kasarinlan at kilalanin natin na marami pang gawain ang naka-atang para sa atin.
Mga iskolar at artista ng bayan sa ating pagpapadayon alalahanin natin ang mga salita ni Ka Oryang: "matakot sa kasaysayan, pagka't walang lihim na hindi nahahayag." Ang pagtangan ng gawain ng mga nakibaka ay pagtangan sa takot na bitbit ng kasaysayan upang hawiin ang mga pumipigil sa atin sa pag-abot ng mas magandang kinabukasan.