Life with Gavin - Mommy Chelle

Life with Gavin - Mommy Chelle LIFE WITH GAVIN OFFICIAL 👻

Gavin Oro - 4 years old
Raising a boy who moves with purpose.
(1)

16/06/2026

Mga medalya ni Gavin. Share ko lang sainyo. 🖤

09/06/2026

As someone na laging napapaligiran ng mga batang atleta (iba’t ibang klase ng sports) at mga pamilyang nagsasakripisyo para sa kanilang mga pangarap, iba’t ibang emosyon ang nakikita ko araw-araw, pagod, luha, takot, saya, at tagumpay. Nakikita ko kung gaano kahaba ang oras ng training, kung gaano karaming sakripisyo ang ginagawa ng mga bata at magulang para maabot ang kanilang mga pangarap.

Kaya sobrang bigat sa puso ng nangyari sa basketball player ng Ateneo de Manila University. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko dahil sa totoo lang, hindi talaga ako pinatulog ng balitang ito. Hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng sakripisyo, oras, dedikasyon, at pangarap na inilaan nila para marating ang kinalalagyan nila

Mas lalo kong hindi ma-imagine ang sakit na nararamdaman ngayon ng kanilang pamilya at ng mga taong nagmamahal sa kanila. Walang salita ang sapat para ilarawan ang ganitong klase ng pagkawala.

Sana ay magkaroon ng mga kasagutan. Sana ay makamit ang hustisya. At sana ay mabigyan ng lakas ang kanyang pamilya sa panahong halos imposible nang maging matatag. 💔😭🙏🏻

Hindi ko sila kilala nang personal, pero bilang isang magulang, sobrang sakit nito sa puso. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin yung bigat ng balitang ito.

Hindi ako nananakit, pero may face the wall ka sakin. 😂 Consequence muna, tapos explain, tapos hug. ❤️Kaso pag daddy niy...
02/06/2026

Hindi ako nananakit, pero may face the wall ka sakin. 😂 Consequence muna, tapos explain, tapos hug. ❤️

Kaso pag daddy niya ang nang-asar at napaiyak siya, pinagfa-face the wall din niya yung tatay niya. 😂 Mukhang para makabawi. 😭❤️

Sabi ko gusto ko manok! 😂
29/05/2026

Sabi ko gusto ko manok! 😂

“MINOR” Criticize my parenting if you want because as a mother, dun ako pwede mag reflect at matuto kung may mali ba tal...
27/05/2026

“MINOR”

Criticize my parenting if you want because as a mother, dun ako pwede mag reflect at matuto kung may mali ba talaga ako sa pagpapalaki ko sa anak ko. I’m showing the real side of parenting, including tantrums and big emotions. Pero please don’t normalize calling a 4-year-old child “ulol” or “baliw.” Sobrang alarming lalo na coming from another minor.

yung iba nag delete na sila.

Hindi na natin maaalis ang gadgets sa panahon ngayon, pero sana i-guide ang mga anak niyo sa tamang paggamit ng cellphone at social media. Baka hindi niyo alam, isa na pala sa kanila yung nagcocomment ng ganyang salita sa online. Sobrang alarming na bata pa lang, ganon na agad magsalita sa ibang tao.

24/05/2026

“SPOILED GAVIN”

Ang daming comment na spoiled daw kaya ganon. Palagi ko daw binibigay yung gusto. Napa-isip din tuloy ako, paano ko kaya ma-spoil si Gavin eh pangarap ko din naman ibigay lahat ng hiling niya. 😭😂

pano ko naman mabibigay yung gusto kung ganito yung mga gusto niya. 😭

Nagpapabili ng dinosaur.
Ng giraffe na maikli yung leeg para kasya sa bahay.
Nag papa bili ng Kabayo na ilalagay daw sa parking o dito mismo sa bahay. Nag papabili ng tricycle.
Ngayon nag papabili ng SUN. ☀️😭

Gusto din iuwi yung tour guide o yung nakalaro niya sa mga napuntahan namin. 😭
Gusto iuwi yung ka-push bike niya.
Yung bagong teacher pinapatira na sa bahay 😭😂

Sige nga? Tulungan niyo nga ako paano ko siya masspoiled kung parang kailangan ko na makipag transact sa Jurassic Park, outer space? 😭😂

mahal ko kayo palagi ❤️✨
21/05/2026

mahal ko kayo palagi ❤️✨

21/05/2026
17/05/2026

ang gulo ng steps ko mag lilinis lang kasi talaga ako. 😅🤦🏽‍♀️

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life with Gavin - Mommy Chelle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Life with Gavin - Mommy Chelle:

Share