Mga Lihim ni Victoria

Mga Lihim ni Victoria Mga likhang tula ng mga estudyante ng 1-2D

03/03/2016

“Deskripsyon ng Tunay na Pag-ibig”
Likha ni: Ray Gabriel Prudente

Ikaw na ang pinaka-pinaka sa lahat
Hindi mo ako nakikita parang hangin sa paligid na damang-dama mo na
Ang ganda mo`y walang kupas
Ganun din ang aking nadarama
Walang kupas

Pakiramdam ko na libo-libong taon ang lumipas
Umaasa parin sa pag-ibig mong bitin
Hindi mo parin pansin na ikaw ang minimithi
Matinding pagsinta sanhi ng pagsidhi

Hindi ko na hinahangad na makita mo ako katulad ng iba
Maipadama ko lang sayo na hindi siya ang iyong dinadalangin
Ngunit kahit anong gawin hindi mo pa rin pansin
Kaya`t ako`y magpapasalamat
Salamat

Salamat sa pag asang ako lang naman ang nakakakita
Salamat sa saya na sa iba mo lang naman nakukuha
Salamat sa tiwala mo na punong-puno ng kasinungalingan
Salamat at namulat ako na ang tanga ko pero mas tanga ka
Kundi dahil blanko ang isipan mo kundi may mahal kang iba
Hindi ko akalain na magmamahal ako ng bayarang babae
Hindi ka naman pokpok sadyang kumikita ka lang sa lalaki
Ang laki na ng pinagbago mo
Pero makaluma pa rin ang istilo mo sa panloloko sa katotohanan
Sa katotohanan na peke mong ngiti sa kabila ng kalungkuta

Hindi man tayo para sa isa’t-isa
Umaasa ako baling araw magiging tayo rin dalawa
Salamat.

03/03/2016

"PAG-IBIG NA SINAYANG"
Likha ni: Mary Joyce Gigantana

Mary Joyce M. Gigantana

Pag-ibig na Sinayang

Bakit ko pa sinayang
Ang nahulma mong pagtingin,
Tuloy ako itong nangagarap,
na ikaw ang sa telepono'y kausap
Na noo'y walang araw na
'di kumakanta 'pag dinadalaw
Alay sa puso kong ani nga nila'y,
ikaw ang nag "gong".

Wala akong kilalang kasing sigla mo,
kasing gwapo mo,
at kasing talentado mo
Na 'pag kasama ka'y
animo'y mundo'y nakahinto,
Habang kasiyahan
sa dibdib ko'y namumuo

Oh kay sakit isiping
pagtingin mo'y di na akin,
Na ang salitang mahal kita'y
sa kanya mo na inaalay
Mga panahong noo'y
sa isa't isa ibinigay
Tila isang tupang
nawaglit sa parang.

Sa paglipas ng buwan
ikaw parin ang siyang hanap,
Naniniwalang patuloy,
na imposible'y maaring maganap
Mahal kita at na puso'y waring espring,
Na kahit ilang beses tapaka'y
bumabalik parin.

Hiling ko na sana'y
mabatid mo ng buo,
Tula kong itong
puno ng dalangi't pag-ibig
Na kahit minsan,
isang beses man lamang
Mapansin mo ng lubos,
pag-ibig ko para sa'yo.

02/03/2016

INIIBIG
Likha ni: Arielle Celestine Garcia

Pag mulat ng aking mga mata
Ikaw agad ang aking nakikita.
Tila isang Biyayang Binigay Niya.
Isang ngiti mo pa lang, Araw ko'y kumpleto na.

Boses mo na kay tamis,
Parang huni ng ibong nagnanais.
Pagmamahal mo ay sadyang kay sarap,
Parang pagkaing lagi kong nalalasap.

Mamahalin kita ng walang hanggan,
Bastat wag mo lang akong iwan.
Di ko hahayaan na ika'y maglaho
pati na rin pag ibig mo sakin wag lang magbago.

Pangako sayong Hindi ka Iiwan
Na magkasama tayong Lalaban
Anoman, Sinoman ang humadlang,
Ito'y Hindi ko pahihintulutan

Ikaw lang ang aking Mahal
Walang sinoman ang Makakapigil
Sa Gusto kong ipahiwatig
Na ikaw lang ang aking Iniibig.

02/03/2016

"ONEIROI"
Likha ni: Cielina Fe Soriano

Mas maganda sana kung hindi nalang kita nakita sa aking panaginip.
Kaysa naman kung ako ay gumising para hawakan ang iyong kamay, at wala ka sa aking tabi.
Isang panaginip at matinding galit ang dahilan kung bakit tayo nagtagpo,
Para bang sa una ay kay tamis, kay saya at punong-punong ng kaligayahan.

Ngunit iinog ang paligid at magbabago ang lahat, mula sa pagiging masaya
Ay mapapalitan lahat ng takot, luha at sakit.
Isa ka lamang bangungunot na ayaw ko nang gunitain.
Para din pala tayong isang panaginip.

Lahat ng mga tawa, mga biro at lahat ng pinagsamahan- isang panaginip.
Panaginip na kung saan wala akong malay, na umaasa ako na sa kawalan ko ng malay ay magiging totoo at gigising na, may ngiti sa labi.
Alam mo ba kung bakit tayo nanaginip?
Dahil sa panaginip, hindi mo na kailangan ng rason kung bakit at ano ang magiging takbo ng mga pangyayari.

Kahit na ang mga panaginip ay nakaka-panlinlang, sagot ito sa mga pangakong matatamis at mga ninais.
Ang nais na sana isang araw, akin ka.
Sana isang araw, madidinig mo na ang pangalan mo na tanging sinisigaw at tinitibok ng puso ko.
Na lagi akong andyan para isa iyo.
At handang gawin lahat, kahit pagkawasak pa nang aking pagkatao.

Ha! Wag ka mag-alala, magigising din ako, mula sa kahibangan na ito.
Magigising din ako pero ikaw, uli ang mapapaniginipan ko.

02/03/2016

“SALAMAT”
Likha ni: Ella May Caragan

Paglipas ng panaho’y napakabilis
tulad ng iyong pag-alis
dumaan kang wala man lang pasabi
saan patungo’y di ko mawari.
Tulad ring isang hanging matindi
dulo’t sa madla’y sakit pagkasawi.
Mga masasayang araw nati’y noo’y
tila mga alaala na lamang ng kahapon
na sa bawat paglipas ng panaho’y
akin ding tuluyang malilimutan
na para bang ako’y nakakaranas lamang
ng sakit na kung tawagi’y amnesia.
At kung itoy naging aking panaginip
mga mumunting mata’y ayaw nang imulat
sapagkat kung sa ganitong paraan
ika’y aking malilimot
kahit dulot ay sakit at kirot
aking tatanggapi’t sakit ay kakayanin.
Pero sa dulo ng tulang ito
Akoy nagpapasalamat
Sa kaunting oras na inilaan para sa akin
Muli paalam at salamat.

02/03/2016

"PAHINGA"
Likha ni: Ana Thea Llante

Sa pag-ibig na hindi inaasahan
Mundo nating dalawa'y nagtahan
Ikaw at ako sa isang paraiso
Magkasamang bumubuo ng panibagong kwento.

Dalawang pusong nagmamahalan
Magkasabay tayong nagsumpaan
Pangakong kailangman ay di bibitawan
Walang hanggang pagmamahalan.

Alaala noong una
Minsang nagtagpo ang landas nating dalawa
Nabihag ako ng ngiti mong kay ganda
Napatitig, nataranta, hindi mapakali sa nadarama.

Sapagkat ang mga ngiti mong kaakit-akit,
Na umaabot hanggang sa langit
Pati na ang iyong mga titig
Na sa puso ko'y nagpapabilis ng pintig.

Isa, dalawa, ako'y umiibig na
Pag-ibig na nagbibigay kislap sa aking mga mata
At nagdulot sa aking dibdib ng kaba
Ang buhay ko'y pinintahan ng saya.

Sa mga salitang binitiwan,
Na pagmamahal ay handang ipaglaban
Kahit sa pag-ibig ikaw ay masaktan
Kahit pa ang puso'y umuwing sugatan.

Ngunit ang pag-ibig na ting dalawa ay isang pala,
Kung saan akoy umasa
Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata
Ang pangakong naglahong parang bula.

Panaginip noong papalapit sayo
At ang mga kamay ko'y nakalahad sa iyo
Sa daang puno ng bulaklak na rosas,
Tanda ng pag-ibig na wagas.

Ay nagdulot ng bangunot sa akin
Kung kailan pinipilit kong magising
Kung saan sa kamay ko'y ikaw ay tumalikod
At ang daang puno ng bulaklak ay nilagyan mo ng bakod.

Sa pag-ibig na unti-unting nawala ang tamis
Pait ang siya kong tiniis
Nawala na rin ang kislap sa mata,
Na dating nagbibigay saya.

Bakit mo ako hinayaang lumabang mag-isa?
Tama na ba, sapagkat sakit lang ang sa huli'y nadama?
Bakit ba naman kasi ako'y hinayaang sa puso mo'y kumatok,
Kung hindi rin naman ako hahayaang makapasok?

Darating ang araw, matititigan kong muli ang iyong mga mata
At sisiguraduhin kong sa pagkakataong iyon,wala na akong nadarama
Babalik sa panahong hindi pa tayo magkakilala
At walang pakialam sa isa't-isa.

Dahil wala ng bukas ang nag-iintay sa pag-ibig na kay lamig,
Sa pag-ibig na isang tao lang ang kayang tumindig
At para sa pusong napapagod na,
Kailangan na rin sigurong magpahinga.

02/03/2016

“IKAW”
Ni: Airah May Santos

Hindi katulad ng iba
Ako`y iyong napapangiti at napapatawa
Kahit maghanap ng iba
Ikaw at ikaw lang talaga

Malayo man tayo sa isa`t isa
Asahan mong ako`y magiging tapat sa aking nadarama
Sana itongaking mga sinasabi ay iyong madama
Para malaman mong sa akin ika`y mahalaga

Ngunit nagising ako sa isang panaginip
Na kalianman`y di ka mgiging akin
Nakaklungkot mang isipin
Hindi na matrutupad aking hiling

Pero wag kang mag-alala
Hanggang sa huli hindi kita susukuan
Susuportahan kita kung saan ka Masaya
Dahil para sa`kin Makita kang Masaya wala na akong iisipin pa

02/03/2016

“HI, HELLO, KAMUSTA?”
Likha ni: Allyzza Taller

Hi, Hello, Kamusta?
Dyan tayo nagsimula.
Di ko inaakala
Na lubos kitang makikilala,
Na magugustuhan kta
Na mamahalin kita
Ng sobra sobra.

First year highschool palang kaklase na kita.
Una palang Malabo na,
Malabo ng magustuhan kita
Pero simula ng lumapit ka,
Iwasan ka’y di ko magawa
Hanggang sa nakasanayan ko na
Nasanay na laging ako ang nasa iyong mga mata.

Umiwas ka.
Lumayo bigla.
Nanligaw ka,
Nanligaw ng iba
Ang sakit, ang sakit sobra.
Sa tuwing nakikita kitang kasama mo siya,
Puso ko’y tila durog na durog na.

Hinayaan kong kalimutan ka.
Nagsimula ulit na parang di kita nakilala
Sa wakas, iwasan ka’y nagawa ko na
Ngunit kalimutan ka’y di ko talaga kaya.
Isang beses nakasalubong kita
Nagtama ang ating mga mata,
Bumalik lahat ng alaala.

Dalawang taon ang lumipas
Nagparamdam ka bigla
Lumapit ka
Kinamusta natin ang isa’t isa
Nagsimula ka tulad noong una
Noong una kitang nakilala
Nang hindi ko inaakala

Sinimulan mo sa pinaka umpisa
At doon lubusan kitang nakilala.
Hi, Hello, Kamusta?
Mga salitang iyong binitawan at simula ng mga salitang,
Mahal kita,
Minamahal kita,
At mamahalin kita.

02/03/2016

"SUSUBUKAN KO"
Likha ni: Harmon Arciaga

Susubukan ko,
Susubukan kong tumula sa harap niyo
Sa harap ng taong minsang naging parte ng buhay ko.
Susubukan kong pigilin ang paglobo ng sipon ko,
sa bawat isang salitang bibitawan ko.

Susubukan ko,
Susubukan kong kalimutan ang lahat ng yakap na mahigpit
Na kahit isang beses sa buhay ko ay hindi mo binalik.
Kaya ngayon ay sabik na sabik
Sa presensya mong kahit minsan ay may saltik.

Sinubukan ko,
Sinubukan kong lumapit at magpakababa
Kahit sa akin ay wala nang tiwala
Pero kahit tila isang libo na ang aking ginawa
Ni isang solusyon ay wala akong napala.

Sinubukan ko,
Pero ako ay unti-unti nang napapagod
Bawat tawid ko ay may panibagong bakod
Sawang-sawa na akong sumugod
Ang pasensya ko'y ubos na ubos na tila isang pamburang pudpod na pudpod.

Kaya ngayon ay susubukan ko,
Susubukan kong sa sarili ay ipabatid
Na kahit kailan di na maaring maibalik
Ang nakaraan at bawat saglit
Pati lahat ng tawa at hagikgik

Susubukan ko,
Susubukan kong kunin sayo ang aking huling sulyap
At sabihing itigil na ang pagpapanggap.
Itigil ang kasinungalingang "okay na tayo", "okay pa tayo" na sinasabi mo sa kanilang harap.
Masasanay ka rin dahil kahit ako ay ngayon ko lang din natanggap.

At susubukan ko,
Susubukan kong maging masaya
Sa kagustuhan mong maging malaya
Ako na lang ang magpaparaya
Ibibigay sayo ang inaasam na distansya

Ito ang huling mensahe ko sayo
OO alam ko hindi naging TAYO
Pero sana naman nakatulong ako sayo
Kahit sa sandaling panahon na magkasama tayo

02/03/2016

"PAG-IBIG NA WAGAS"
Likha ni: Czel Casis

Una'y walang pakialam
Isang taon ang lumipas
Tayo'y muling pinagtagpo
Tadhana ay di naglaro

Mga mensaheng nagpalitan
Matamis na mga salita
Alagang walang katumbas
Doon tayo'y nagsimula.

Hiniling niya'y aking "oo"
At ito ay binigay ko
Walang lokohan na halo
'Pagkat pag-ibig ko'y sayo.

Tinanggap ko sayo lahat
Tinanggap mo ako lahat
Problema'y pinagtulungan
Upang sabay malagpasan.

Pag-ibig natin ay tunay
Kahit maraming humadlang
Hindi tayo'y nqgpaawat
Ating pangakong tayo lang.

Mga pangarap na nabuo
Nagsusumikap nang husto
'Pagkat tumulong at gusto
Ito'y plano mo at ako

Kaya aking minamahal,
Kapit lang sa aking kamay
Sumuko'y Ating iwasan
Ating tadhana'y susundan.

02/03/2016

"UNA AT HULI"
Likha ni: Kay Anne Dichosa

Second year high school tayo
Noong unang nagtagpo
Una, wala akong pakialam sayo
Ngunit ang tadhana'y sadyang mapagbiro.

Hindi ko sukat akalain
Ang mga pangyayari sa atin
Nalilito ang aking damdamin
Ano ba ang ibig sabihin?

Sa tuwing papasok sa eskwela
Ikaw ang siyang nais makita
Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka
Ano nga bang meron ka na wala sa iba?

Una kong nadarama ito
Na maging kasing bilis ng kotse
Ang tibok ng puso ko
Totoo yatang tinamaan ako sayo.

Heto ka't nagtapat sa akin
Buong tapang ipinahayag ang iyong damdamin
Nasambit mong ako'y sagot sa iyong panalangin
At nangakong ako'y wagas na mamahalin.

Ikaw ang unang minahal ko
At nagmahal sakin ng totoo
Itaga mo sa bato
Mahal, ako'y magiging tapat sayo.

Sa tuwing kasama ka'y
Kakakaibang ligaya ang nadarama
Problema ko'y nalilimot ko na
Sa hirap at saya, tayo'y magkasama.

Ang oras at atensyon ko sayo'y itutuon
Pangakong pahahalagahan ka simula ngayon
Ika'y biyayang binigay sakin ng Panginoon
Na nagsilbi kong gabay at inspirasyon.

Pag-ibig mo sa akin ay susuklian
Magiging tapat sayo kailanman
Ano mang unos ang dumaan,
magtiwala ka mahal, hindi kita iiwan.

Ilang milya man ang layo natin sa isa't-isa
Asahan mong maghihintay sayo sinta
Hiding-hindi magsasawang intindihin ka
'Pagkat ikaw ang una at huli kong palangga.

02/03/2016

"AYOKO NA SANA"
Likha ni: Geraldine Baranal

Ayoko na sanang ipagpilit pa
Ang lihim na nadarama sa’yo sinta
Dahil alam kong walang patutunguhan
Itong pag-ibig na walang katiyakan.

Ngunit itong pulang tambol sa dibdib ko
Sa isip ko’y lubhang nakikipagtalo
Na ikaw ang nararapat kong piliin
Anuman ang isip kong ito’y sabihin.

Sa dinami-dami nang dumaan,
Sa puso ko, ikaw lang tanging nanahan.
Hindi ko mawari, kahit isang saglit
Larawan mo sa isip ko’y di mawaglit.

Sa loob ng tatlong taong pinagsamahan,
Hindi na ninais pang iyong malaman
Baka mag-iba ang iyong pakikitungo
Sa’kin, baka hindi kayanin ng puso.

Kaya naman, puso ko ay sumuko na
Sa pag-asang malalaman mo pa

Damdaming sinubok ng pagkakataon,
Tila ba hambambuhay nang mababaon.

Ayoko na sana pero kailangan pa
Upang ang puso ko’y maging malaya na
Ngayon akin nang lubos na napagtanto
Kailangan mong malaman ang totoo.

At sa pamamagitan ng tulang ito,
Nais ko lamang sa iyo’y sabihin ito
Ang puso ko sayo’y may lihim na pagliyag
Hiling ko lang sana’y ito’y itong matanggap.

Address

Manila
1771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Lihim ni Victoria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share