08/05/2017
"KAGITINGAN" Ang pagwawakas. Sa simula ay nakibahagi ang lahat sa magandang adhikain. Pagmamahal at dedikasyon sa teatro ang pinuhunan. Pawis, puyat at sakripisyo na animo'y walang tinitimbang na kapalit sapagkat parte ito ng pagkatao ng bawat isa. Makalipas ang sandaling panahon unti-unti lumalabas ang kinang at kislap ng tagumpay sa entablo. Kaakibat nito ay ang pagkasilaw sa sariling pananaw upang tupdin ang sariling pagarap at pangangailangan. Unti unti na naglaho ang ipinangako. Napalitan na ng nanunuot at balakyot na pagnanasa na pawang pansarili lamang. Ang simula ay biglang nasundan ng pagwawakas. Kasabay ng pagkakalibing ng mga pangunahing karakter sa dula, ay sya na din ibinaon sa limot ang adhikain na sinimulan. Magwawakas ang dula na ito ngunit hindi ang masasayang ala-ala ng nakaraang produksyon. Marami tayong natutunan sa mga pangyayari na pawang hindi lahat inaasahan. Itutuloy natin ang paghahandog ng makabuluhang palabas sa mga manunood upang kapulutan ng aral. Katulad natin ang bahagi ng dula na ito ay nagsilbing malaking aral sa mga tao sa likod ng produksyon. Kami ay namamaalam na panandalian upang simulan ang susunod na mga yugto sa buhay teatro. Harinawang magtagumpay kami sa pangalawang pagkakataon na ibinigay ng Diyos mula sa langit. Wala ng agam agam, wala na ang mga nagdala ng suliranin.Wala nang makasarili. Wala na ang mga may "dalawang mukha". Ang bahaghari ay unti unti nang sumisilay upang magpatunay na sa twinang matatapos ang unos ay may panibagong pag-asa. Maraming salamat sa mga tumangkilik ng aming dula. Hanggang sa muli. - Altitude Theater Arts Production