13/03/2026
Naniniwala kaba Kay Maria Labo?
AKO ang Security Guard NA ASAWA NI MARIA LABO. ITO ANG TOTOONG NANGYARI.
Galing ako sa duty noong gabing 'yon. Pagpasok ko palang sa tarangkahan, iba na ang pakiramdam ko. Masyadong tahimik. Walang salubong ang mga bata. Walang boses ni Maria.
Pagbukas ko ng pinto, ang sumalubong sa akin ay ang malansang amoy ng dugó at sunog na la man. Kinabahan na ako. Binunot ko ang ba ril ko, akala ko may nanloob.
Pero pagdating ko sa kusina... nandoon siya. Si Maria. Nakatalikod, dahan-dahang hinahalo ang malaking kaldero sa kalan. Ang kumpas ng kamay niya, parang sumasayaw na ewan.
"Maria? Nasaan ang mga bata?" mahina kong tanong. Nanlalamig na ang buong katawan ko.
Hindi siya sumagot. Tumawa lang siya—isang tawang hindi galing sa tao. Parang may kumakaloskas sa lalamunan niya.
Dahan-dahan siyang lumingon. Ang mga mata niya... wala nang puti. Puro itim na lang at nanlilisik. Ang bibig niya, punong-puno ng sariwang dugó at laman na parang hinihimay.
"Nasa loob na sila ng tiyan ko, Mahal. Doon, hindi na sila magugutom kailanman," bulong niya.
Nawala ako sa sarili ko. Binitawan ko ang ba ril ko at kinuha ang e tak sa dingding. Sa sobrang gàlit at pan dìdiri, tin àga ko siya sa mukha. Ang tunog ng ta lim sa balat niya. Hati ang mukhà niya mula no oh hanggang pànga, pero imbes na mabuwàl, to malon siya sa bintana na parang pusa.
Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang huling tingin niya sa akin bago siya nilamon ng dilim sa labas. Yung "labó" o ta ga sa mukha niya? 'Yan ang marka ng sum pa na dala-dala niya hanggang ngayon.
Kaya kung may makasalubong kayong babaeng nakatakip ang kalahati ng mukha... huwag kayong lilingon. Baka kayo na ang susunod niyang "ihahàin."