Buhay Makata

Buhay Makata Tula't talata

08/06/2023

"Magulong Isipan"

Sa kadilimang kubli ng aking pag-iisip,
Humuhugot ng tinta,sa mga linyang sinusulat.
Damdami'y umaapaw, problema't depresyon,
Nais ipadama, mga salitang ibinabahagi.

Sa daang maligalig, naligaw ang kasiyahan,
Dumating ang hirap, parang gabi ng kadiliman.
Sa hangad na kalimutan, pangarap ay di ma alala,
Sa hangad na makalaya, tanging paraan, ay nawala.

Sa pusong sawi, ngiti'y bahagyang sumilay,
Ngunit ang kaluluwa ay naglulupasay.
Sa gitna ng unos, nais matapos ang paghihirap,
Ngunit pagmamahal humahadlang, sa paglisan

Hinahaplos ng kamatayan, ang pighati't hapdi,
Gustong magpakamatay, sa kalawakan ay masawi.
Ngunit sa bawat linya, naglalambing ang buhay,
Hinahawi ang dilim,nagiging pag-asa't tulay

Itinatago sa tawa, ang lungkot na nadarama,
Ngunit sa loob ang damdami'y nagkandarapa
Ang tanging hiling, mabura ang kalungkutan,
Ngunit sa bawat taludtod rinig ang pagsamo ng kasawian

Sa pagmamahal sa tula, inilalabas ang ligaya,
Sa gitna ng kalungkutan , linya'y simbolo ng pag-asa
Nais magpatiwakal, ngunit sa isipan pinipigilan
Sa bawat kataga mensaheng nais ipaalam.

Ang huling patak ng tinta, magsisilbing patunay,
Na kahit sa dilim, may liwanag sa paglikha.
Ibubuhos ang pag-asa, sa mga salitang pumipinta,
Upang sa bawat pahina, sa buhay ay magdulot ng saya,
Hindi lang hanggang kamatayan
Kundi magpawalang hanggan.

-BuhayMakata
Ft. Requested by (unknown scrambled thoughts)

14/03/2023

"Paubaya"
Isang malayang tula
Isinulat ni-Ordinaryong Makata

Gabi na nmn o aking sinta
Ikaw na nmn ang nasa isip twina
Ano nga ba ang aking nagawa
Nang sa gayon akoy saktan ng sobra

Hinayaan ko lahat ng gusto mo
Pinagbigyan ko pintig ng puso mo
Kahit masakit ay tinitiis ko
Para lamang sa ikakasaya mo

Ngunit Bakit ka nag-iba o aking irog
Biglang nanlamig na para bang may kulog
Ikaw nga ba ay may iba nang iniibig
Puso moba ay may iba ng pinipintig

Masakit mang isipin ngunit kailangan tanggapin
Tanggapin Na ikaw ay hindi na saakin
Naway hindi ka nya paiiyakin
Pagaalaga nya sana'y higit pa saakin

Dito na nagtatapos ang aking tula sinta
Ngunit ang puso kong ito ay palaging nasayo twina
Di ako magaling na makata ngunit sana iyong madama
Mensahe ng tula na ika'y aking pinapaubaya

14/03/2023

"Para Sa Iyo Mahal"
Isang malayang tula
Isinulat ni - Ordinaryong Makata

Kay sarap pagmasdan magagandang bituin
Kasing Ganda mo nung ikay nakatitig saakin
Parang nasalangit sa tuwing ikaw saaki'y nakatingin
Katulad ng bituin sa puso ko ika'y nag niningning

Ikaw lamang ang natatangi kong pangarap
Na iniisip tuwing naka tingin sa alapaap
Naway pag-ibig ko ay iyong matanggap
Sana balang araw madama ko ang iyong yakap

Para sayo lahat ay gagawin
Kahit mahirap ay aking kakayanin
Kahit karagatan ay aking tatawirin
Para lamang ikaw ay mapasakin

Sana ikaw na ang para saakin
Mga Panalangin sanay dinggin
Pangako ika'y pasasayahin
Palaging ikaw ang aking pipiliin

Sana ay iyong mapansin
Na Sa Puso ko ika'y laging pipiliin
Hindi magbabago ang aking pagtingin
Kahit ano man ang mangyari saatin

Address

Manila

Telephone

+639695205578

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay Makata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category