23/12/2020
Inihahandog ng Teatro Heneral ang isang orihinal na komposisyon patungkol sa paglipas ng ating panahon sa gitna ng pandemya...
Madilim.
Masalimuot.
Higit sa lahat nakakatakot.
Sa nagdaang panahon ay hindi natin inaasahan ang biglang pagbabago ng mundo. Sa isang segundo, sa isang tibok, sa isang kisapmata. Lahat ng alam mo ay bigla nalamang nagbago nang hindi ka handa.
Hindi handa na 'tila isang batang walang pasabi'y isinabak sa giyera.
Ikaw, ako, sila, tayong lahat ang batang iyon, na binalot ng matinding pangamba. binalot ng takot, pighati at kawalang pag-asa
Isang musmos na nangangapa, umiiyak sa gabi at umaga.
Isang musmos.
Walang laban.
Walang muwang.
Walang magawa.
Kaawa-awa.
Ngunit ang bawat kadiliman ay may katumbas na liwanag,
May pag-asa, Oo. Mayroong pag asa.
Dahil sa mundong ito, tayo ang magsisilbing mga kislap na magbibigay liwanag sa kadiliman.
Maaring hindi sapat ang pag-ibig, pananalig at pag-asa. Ngunit—
Kaibigan, di mo kailangan ng lampara para makakita.
Buksan mo lang ang iyong mata, ang iyong puso at kaluluwa; at dun mo makikita ang liwanag.
Maniwala ka kaibigan, makakaraos tayo. makakarating tayo. Aalpas tayo.
Kaya sa darating na kapaskuhan, sa pagpapalit ng taon, bumangon tayo at limutin ang kailangan limutin, iwan ang kailangan iwan at gumawa ng isang mas maliwanag na ilaw.
Ang ilaw ng ating mga sarili.
Padayon! at Aalpas tayo.
—
Kaibigan, makaahon tayo! Maligayang Pasko kapwa ko Heneral! ✨