30/03/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป
Sa tuwing gigising si Ilay, hindi alarm clock ang una niyang naririnigโkundi ang kalansing ng kawali at ang marahang buntong-hininga ng kanyang ina.
Manipis ang dingding ng kanilang barong-barong. Parang papel iyon na madaling mapunit ng hangin, o ng sigaw ng kapitbahay na nag-tatalo tungkol sa utang na hindi pa nababayaran. Sa bubong, may mga butas na tinatakpan ng karton at plastic na trapal. Kung umulan, hindi lang patak ng tubig ang pumapasokโkundi pati ang kaba.
โIlay, gising na. May pasok ka pa,โ mahinang sabi ng kanyang ina habang sinisimot ang kung anong laman ng lumang kawali. Walang amoy na pumupuno sa hanginโisang senyales na kaunti lamang iyon.
Napaupo si Ilay, tahimik siyang bumangon at naupo sa gilid ng papag na yari sa plywood sabay kusot ng mata. โMay ulam po ba?โ
โMayโฆ meron. Pagkasyahin natin.โ ani ng ginang
Hindi na nagtanong pa si Ilay. Sa murang edad, alam na niya ang ibig sabihin ng pagkasyahin. Ibig sabihin, hati-hati, tipid, at kung minsan, kulang. Patatas iyon na may cornbeef at halos sumobra na sa mangko ang umaapaw nitong sabaw. Kumain siya nang tahimik, pinapahaba ang bawat subo, na para bang kaya nitong lokohin ang kanyang sikmura.
Ang kanyang ama ay isang manggagawa sa ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏโaraw-araw nakikipagbuno sa init ng araw at bigat ng trabaho. Tuwing a-kinse katapusan kung sumahod, at sa bawat pagdating ng araw na iyon, tila may saglit na ginhawang dumadapo sa kanilang tahanan. Ngunit ang ginhawang iyon ay parang usok na mabilis kung maglaho.
โSa susunod na sahod, bibilhan kita ng bagong sapatos,โ sabi ng kanyang ama minsan, habang pinagmamasdan ang manipis at pudpod nitong tsinelas.
Ngumiti siya, hindi dahil sigurado, kundi dahil gusto niyang maniwala. Sa mundo niya, ang pag-asa ay hindi pinipili kung kailan darating.
Sa paaralan, madalas siyang tahimik. Hindi dahil siyaโy mangmang, kundi dahil mas kumpiyansa pa ang ingay ng kanyang sikmura kaysa sa kanyang boses. Sa oras ng recess, nakaupo lamang si Ilay sa sulok, pinapanood ang mga kaklaseng may baong tinapay, biskwit, at matatamis na inumin. Kung minsan ay tinatanong siya kung bakit wala siyang kinakain, at sinasagot na lamang niya ito na busog pa siya.
Ngunit sa loob-loob ng huli, ay matagal na siyang walang naramdamang kabusugan.
Pag-uwi ni Ilay, madalas niyang matagpuang nakaupo ang kanyang ina sa tabi ng maliit na mesa, hawak ang isang lumang kuwaderno na puno ng mga numero. Paulit-ulit nitong binibilang ang perang halos hindi na madagdagan. Nung nakaraan lamang may isang kagawad na nagpunta sa kanilang bahay at namigay ng isang kilong bigas at mga de-lata, namigay din ito ng sobre na may lamang isanlibo, malapit nanaman kasi ang eleksyon.
โKailan po uuwi si Tatay?โ tanong niya sabay baba ng kanyang bag.
โSa katapusan pa hindi ba? Para ka namang naninibago anak.โ Sagot nito.
Sa murang isip ni Ilay, ang katapusan ay hindi lamang petsa. Ito ay parang dulo ng isang araw na may dalang pagkain, pahinga, at kagyat na saya. Ngunit bago dumating iyon, kailangan muna nilang magtiis sa mahabang pagitan ng mga araw at linggo.
Kinabukasan, dumating ang kanyang ama. Hapo ang mukha nito, amoy pawis, at halos sunog sa tirik ng araw. May dala itong maliit na supotโbigas, tinapay, de-lata. Hindi maiwasan maisip ng bata na pareho lamang ito sa binigay na ayuda, nakauumay.
โO, โLay,โ tawag nito, โpara saโyo.โ sabay abot ng mumurahing tsinelas, imbes ay sapatos.
Tinanggap pa niya iyon na parang isang kayamanan. Para sa kanya, parang pasko. Kumain sila nang sabay-sabay ng kanyang pamilya, isang bihirang pagkakataon na ang gutom ay napalitan na lamang ng pagsasalo. Sa sandaling iyon pakiramdam ni Ilay ay nawala ang lahat ng kulang maging and espasyo sa kanyang sisidlan.
Ngunit tulad ng dati, ang laman ng supot ay mauubos din. Muling hahaba ang pagitan ng mga araw, at muli nilang haharapin ang parehong sikloโpaghihintay, pagtitiis, at pag-asa. At sa tuwing sasapit ang parehong mga gabi ay parehong tanong lamang din ang nasa isip ni Ilay.
Kung ang biyaya ay dumarating lang tuwing kinsenas katapusan, at ang gutom ay araw-arawโฆ
Kailan naman darating ang araw na hindi na kailangang maghintay?
isinulat ni ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐๐ผ๐น๐ฎ