26/11/2025
Besh, kahit may mga hamon sa national economy, hindi nagpapa-awat ang negosyo sa Maynila!
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, sa kabila ng paghina ng national growth outlook, tuloy-tuloy pa rin ang sigla ng negosyo sa Maynila papasok ng 2026—mas marami pa rin ang nagbubukas kaysa nagsasara, patunay na buo pa rin ang tiwala ng mga negosyante sa kabisera.
"Ang Maynila, unti-unting bumabangon. Sisikat muli ang araw sa Lungsod. Sa maayos at tapat na pamamahala ng pondo ng bayan, malalampasan natin ang lahat ng pagsubok. May awa ang Diyos," dagdag niya.
Sa mahigit 55,000 rehistradong negosyo, halos 1,400 lang ang nagsara, pero mahigit 7,200 ang bagong nagbukas—kaya tuloy-tuloy ang net growth ng negosyo sa Maynila. Malaking tulong dito ang mga reporma sa city hall: mas mabilis na permits sa eBOSS, mas kaunting requirements sa zoning, at mas maayos na koleksyon ng buwis na umangat sa 81% efficiency nitong huling quarter.
Habang binabaan ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office at ng Fitch Solutions ang growth outlook ng bansa dahil sa bagyo, global uncertainty at isyu sa pamumuhunan—iba ang takbo ng Maynila. Sa unang 100 araw pa lang ni Yorme, naka-generate na agad ng mahigit 12,000 trabaho at bilyon-bilyong piso sa investments.
Sa madaling sabi, besh: habang kinakabahan ang iba, ang Maynila tuloy ang kayod at tuloy ang kita salamat sa current pamamahala ni Yorme. Subtle flex, pero ramdam.