Panday Sining Intramuros

Panday Sining Intramuros Panday Sining Intramuros is a multidisciplinary collective of artists aiming to create art as a medium for progressive expressions of national democracy.

26/08/2020

UNITY STATEMENT | STUDENT REPRESENTATIONS: LAHAT BA AY NAKASASABAY? SINO ANG NAPAG-IIWANAN?

Mariing kinukundena ng CEGP Central Luzon at mga estudyante mula sa iba't ibang pamantasan at organisasyon ang pahayag kamakailan ng presidente ng Tarlac State University (TSU) hinggil sa kahandaan ng lahat para sa online learning sapagkat bukod sa ito ay insensitibo at neoliberal, direkta rin nitong pinagwawalang-bahala ang tunay na kalagayan at mga pagsubok na kinahaharap ng mga estudyante at kaguruan.

Sa inilabas na balita ng The Work, opisyal na pahayagang pangkampus ng TSU, ipinahayag ni Mallari ang kahandaan ng pamantasan upang ipagpatuloy ang online na porma ng edukasyon. Idinagdag pa niya ang kanyang pagkagalak sa pagiging 'mas handa' ng TSU kung ikukumpara sa ibang institusyon dahil noon pa man ay gumagamit na ito ng online platform. Ngunit kung tutuusin, hindi naman ito paligsahan kung sino ang handa at kung sino ang hindi. Sa panahong tayo ay nahaharap sa mga banta ng pandemya, higit na mas dapat pagtuunan ng pansin kung ang lahat ba ay nakasasabay at kung sino ba ang napag-iiwanan.

Bagaman ang kahandaang ito ay kinakikitaan ng makabagong kaunlaran, hindi maitatanggi na mayroong mga estudyante na nakararanas ng pagsubok: (1) sa pagbili ng mga kagamitan para sa online learning katulad ng laptop, tablet, at iba pa dahil na rin maraming magulang ang nawalan ng kabuhayan bunsod ng pandemya; at (2) sa paglahok sa online na diskusyon dahil sa mabagal na internet at kawalan ng pambili ng mobile data para sa kanilang mga gadgets.

Gayundin, lubos na kinikilala ng CEGP Central Luzon ang kahalagahan ng representasyon ng masang estudyante sa bawat pagpupulong at pagdedesisyon ng pamantasan. Naipagpatuloy ng kasalukuyang student regent ng Unibersidad ng Pilipinas ang kanyang termino sa pag-apruba ng Board of Regents (BOR)―ito ang maaaring naging hakbang ng TSU upang tuluyan pa ring maisama ang voting power ng student regent lalo na't ang bawat desisyon na gagawin ay direktang may epekto sa mga estudyante.

Higit lalo, itinutulak ng CEGP Central Luzon ang mga estudyante ng TSU na makiisa sa panawagan ng mga estudyante-lider para sa tunay na representasyon at ganap na otonomiya upang ipaglaban ang demokratikong karapatan ng mga estudyante.

Kung tunay na natatamasa ng mga estudyante ang pagiging epektibo ng ganitong sistema ng edukasyon, bakit nagpapatuloy ang panawagan? Sa panahong ang masang estudyante na ang nagtakda sa kani-kanilang mga pangunahing karanasan at pagsubok hinggil sa online na pagkatuto, hindi tama na balewalain ang mga ito sapagkat ang dahilan kung bakit nagtatanong ay upang makarinig ng sagot. Ang dahilan kung bakit nananawagan ay dahil ramdam ang represyon dahil sa neoliberal at pasistang porma ng edukasyon.

Ang sitwasyon sa TSU ay hindi hiwalay at repleksyon ng pangmalawakang problema ng mga karatig eskwelahan sa Rehiyong Panggitna na kung saan malaking bahagdan ng mga kabataang-estudyante ang mapipilitang huminto bunsod sa krisis ng pang-ekonomyang kalagayan ng bansa. Lantad ang pagiging kolonyal, komersyalisado at anti-demokratiko ng katangian ng sistemang pang-edukasyon. Nananatiling limitado at huwad ang ibinabalandrang "free education." Mapangikil sa mga estudyanteng nagpapahayag ng kanilang kolektibong panawagan patungkol sa mga kontra-mahirap at kontra-estudyanteng mga palisiya.

Kung kaya't, kabataan, sama-sama nating ipanawagan ang ligtas, makasasapat at handang taong pampaaralan na kung saan walang mapag-iiwanan. Tutulan ang mga neoliberal na patakarang ipinapairal sa loob ng mga pamantasan.

Ipaglaban ang karapatan sa edukasyon. Tandaan na ang ating boses ang magtatakda sa ngayon. Tayo ang solusyon!





_________________________________

SIGNATORIES:

College Editors Guild of the Philippines
College Editors Guild of the Philippines-Central Luzon
National Union of Students of the Philippines
Tulong Kabataan Network
The Work, Tarlac State University
The Angelite, Holy Angel University
STEP TSU
PICE TSU Student Chapter
The Nexus, HAU School of Arts and Sciences
The Soil Tiller, Bulacan Agricultural State College
Flesh & Blood Artist Collective
The Pioneer, Angeles University Foundation
The Lifeline, HAU School of Nursing
The Access Point, HAU School of Computing
The Equalizer, Mabalacat City College
The Blaze, TSU College of Business and Accountancy
The Fusion, TSU College of Science
The Studio, TSU College of Architecture and Fine Arts
Educators' Gazette, TSU College of Teacher Education
The Reflection, HAU School of Education
Scribes, Polytechnic College of the City of Meycauayan
Kabataan Partylist Pampanga
Anakbayan Central Luzon
Anakbayan Nueva Ecija
Anakbayan Pampanga
Anakbayan Saint Louis University
LFS Holy Angel University
Panday Sining Intramuros
Anakbayan Holy Angel University
Bahaghari Holy Angel University
Rise for Education Alliance Central Luzon
Gabriela Youth Holy Angel University
Kabataang Tarlakenyo para sa Bayan (KTB)
Panday Sining Nueva Ecija

Additional signatories:

University of the Philippines Cebu Student Council
University of the Philippines Diliman - National College of Public Administration and Governence Student Council
Mabalacat City College Supreme Student Council
Cavite State University - Cavite City Campus Central Student Government
STAND University of San Carlos
Cavite State University - Cavite City Campus Central Student Goverment
UP NCPAG Student Council
Mabalacat City College Student Council
STAND University of San Carlos
UP Cebu Student Council
Gordon College CCS Student Council
Pase Teatro - Olongapo City
Anakbayan Morayta
Anakbayan Morayta SHS

Magsisimula na ang ating orientation! Mag-message lang para sa Discord link!
26/08/2020

Magsisimula na ang ating orientation! Mag-message lang para sa Discord link!

ARTISTA NG BAYAN SA LOOB NG INTRAMUROS, IKAW AY INAANTAY NG MASA!

Sa panahon ng ligalig at sunod-sunod na paghahambalos ng rehimeng US-China Duterte sa karapatang pantao ngayong pandemya, panahon na para tayo mag-organisa, gamitin ang ating emosyon at kolektibong lakas sa paglikha ng sining upang patalsikin ang nabubulok na rehimen para sa tunay na pambansang demokratikong paglaya ng sambayanan.

Gaganapin ang mass orientation sa darating na August 26 sa ganap na 7pm!

Mag-message lang sa amin para sa Discord link!





ARTISTA NG BAYAN SA LOOB NG INTRAMUROS, IKAW AY INAANTAY NG MASA!Sa panahon ng ligalig at sunod-sunod na paghahambalos n...
23/08/2020

ARTISTA NG BAYAN SA LOOB NG INTRAMUROS, IKAW AY INAANTAY NG MASA!

Sa panahon ng ligalig at sunod-sunod na paghahambalos ng rehimeng US-China Duterte sa karapatang pantao ngayong pandemya, panahon na para tayo mag-organisa, gamitin ang ating emosyon at kolektibong lakas sa paglikha ng sining upang patalsikin ang nabubulok na rehimen para sa tunay na pambansang demokratikong paglaya ng sambayanan.

Gaganapin ang mass orientation sa darating na August 26 sa ganap na 7pm!

Mag-message lang sa amin para sa Discord link!





Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pag postpone ng balik-eskwela sa Agosto 24 at iurong ito sa Oktubre 5. ...
14/08/2020

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pag postpone ng balik-eskwela sa Agosto 24 at iurong ito sa Oktubre 5. Harap-harapan pinapakita ang pagka-inutil ng rehimeng Duterte sa pagiging palpak at hindi handa sa pagbabalik-eskwela.

Lalo nilalagay sa panganib ang mga estudyante, magulang, g**o at mga kawani ng mga paaralan sa pag-adjust sa pagpapatuloy ng online classes, sa kabila ng kawalan ng trabaho at kakulangan sa kagamitang pang-akademiko sa gitna ng pandemya.

Patuloy iginiit ng Panday Sining - Intramuros ang pagsulong ng ligtas ng balik-eskwela, dekalidad na edukasyon at mass testing. Dapat pakinggan ang hiling ng mag-aaral sa pagbigay ng libre at makatarungan na akses sa edukayon, sapat na kagamitan, libre at abot-kayang internet connection at serbisyong kalusugan para sa kaligtasan ng lahat.



ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!Narito ang ika-apat at panghuli na hakbang:4. Igiit ang libr...
12/08/2020

ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!

Narito ang ika-apat at panghuli na hakbang:

4. Igiit ang libreng mass testing para sa balik-eskwela!

Ang pagpagpapatupad ng libreng mass testing ay ang pinaka-susi upang wakasan ang pandemya sa bansa at muling ibalik ang pisikal na klase bilang pinakamabisang pamamaraan ng pagkatuto ng mga estudyante. Sa kabila nito, ipatupad ang pangangailangan sa kalusugan na may minimum health standards sa mga mag-aaral, g**o at kawani ng mga eskwelahan.

Karagdagan dito, patuloy na iginigiit ng Panday Sining - Intramuros ang pagsulong ng isang makabayan, siyentipiko at makamasang dekalidad na edukasyon bilang isang pangunahing karapatan ng mag-aaral na tunay na maglilingkod sa interes ng sambayanang pilipino, lalo na sa mababang sektor sa kanayunan, para sa tunay na pagpapaunlad ng bansa.

Ang mga apat na hakbang para sa ligtas na balik-eskwela ay kailangan bigyan ng tugon at pansin para sa kongkreto, komprehensibo at makataong patakaran upang mapanatili ang pag-aaral ng mga kabataang estudyante. Sa gayon, maiibsan ang tumitinding problema sa sektor ng edukasyon na may mabilis na aksyon sa mga ahensya ng gobyerno, pati na rin sa mga g**o at magulang, na may nakalaang sapat na pondo para sa kanila.




ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!Narito ang ikatlong hakbang:3. Mamahagi ng gadgets at learni...
11/08/2020

ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!

Narito ang ikatlong hakbang:

3. Mamahagi ng gadgets at learning materials para sa balik-eskwela!

Maglaan ng pondo para sa pamamahagi ng mga gadget at kagamitang pang-edukasyon, pagdagdag ng pasilidad sa mga paaralan, at pagkakaroon ng klinika para sa serbisyong medikal sa gamot, sanitation at mga dagdag na medical personnel. Dapat din maglaan ng pondo para sa libre, abot-kaya at maayos na internet connection para sa mga estudyante at g**o.




ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!Ito ang pangalawang hakbang:2. Ipaglaban ang ligtas na pagba...
10/08/2020

ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA!

Ito ang pangalawang hakbang:

2. Ipaglaban ang ligtas na pagbabalik trabaho, hanapbuhay at garantiya sa nakakabuhay na sahod!

Tiyakin ang pagbibigay ng maayos na kalagayan at makatarungang sahod, benepisyo at lakas paggawa ng g**o at kawani ng paaralan. Dapat suportahan ang pangangailangan ng mga estudyante at g**o na kaagyat sa aspetong pisikal, mental at personal na kapakanan.




ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA AT MASS TESTINGKamakailan lamang, patuloy itinulak ng CHED a...
09/08/2020

ISULONG ANG APAT NA HAKBANG PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKWELA AT MASS TESTING

Kamakailan lamang, patuloy itinulak ng CHED at DEPED ang pagbubukas ng mga eskwelahan sa pamamagitan ng online classes sa kabila ng lumalalang krisis sa gitna ng pandemya. Dulot dito ang pagtaas ng COVID-19 cases at matinding kahirapan sa kawalan ng trabaho, kakulangan sa ayuda at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinasabi na “online ready” na ang mga paaralan ngunit sakim ito sa pagbibigay pansin sa kalagayan ng mga estudyante, g**o at mga kawani ng eskwelahan.

Samakatuwid, lalong naging hindi aksesible para sa lahat ang edukasyon dahil sa kakulangan sa kagamitan para sa online classes at sa pagtaas ng tuition fee na lalong naging pasan para sa kanilang mga magulang na nagtulak sa pagtigil nila sa pag-aaral. Nilalagay din nito sa bulnerableng kalagayan ang mga g**o upang ipagpatuloy ang kanilang pagturo sa kabila ng kakulangan sa gamit at akses sa maayos na internet connection.

Pagpapakita ito kung paanong trinato ng isang flexible at neoliberal na patakaran ang edukasyon bilang isang negosyo at pribilehiyo, imbis bilang isang pangunahing karapatan ng bawat Pilipino. Bukod rito, kalakhan ito ay pribadong pag-aari ng mga malalaking korporasyon, upang kumalam ng super tubo at pagturo ng isang kolonyal, komersyalisado at pasistang kalidad ng edukasyon na magtataguyod sa dayuhang interes para sa export labor demands na murang paggawa at di sapat na beneisyo at seguridad na trabaho.

Pagkatapos ng limang buwan na lockdown ay patuloy ang paghahambalos ng isang papet, pahirap at pasista na si US-China Duterte sa pagpapatupad ng mga neoliberal at anti-mamayang polisiya. Masahol na ginagamit ang pandemya upang patuloy isulong ang pansariling-interes ng mga naghaharing-uri pagkatapos ng sunod-sunod na atake nito sa mga mamamayan. Imbis pakinggan ang mga pambansang demokratikong hiling nito, ginagamitan ng dahas, tiranya at taktikang militarisasyon upang supilin ang mga anumang kritko nito laban sa gobyerno.

Panawagan ng Panday Sining - Intramuros, ang pangkulturang armas ng Anakbayan, na isulong ang apat na hakbang para sa ligtas na balik eskwela para sa estudyante, g**o at kawani ng paaralan.




Halina't dumalo at labanan ang pasismo!
24/07/2020

Halina't dumalo at labanan ang pasismo!



Para sa mga artista ng bayan, panahon na para ilabas ang inyong mga talento at kakayahan.
Dumalo at magpadalo, sama-sama nating tapusin ang pasismo.




Address

Intramuros
Manila
1002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Panday Sining Intramuros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Panday Sining Intramuros:

Share

Nearby arts & entertainment