27/02/2026
Norman Mangusin o mas kilala sa pangalan Francis Antonio Marcos. napanood at nasubaybayan ng maraming Pilipino. Nagsimula ito noon Pandemic 2020 ng maghamon sya ng Mayaman Challenge. Maraming Kumasa, marami ang naniwala at humanga sa taong ito.Ngunit kalaunan ay dinakip sya ng NBI sa mga kasong Estafa, violence againts women and children, paglabag sa optomertry law at human traficking at nakwestyon din ang paggamit nya ng dalawang pangalan, dito na nga sya ay nakulong. Nakalaya si Norman at muling bumalik sa Social Media bagamat karamihan sa kanyang dating mga kasama ay wala na. Maalala na nuon pandemic 2020 hanggang sa sya ay nakalaya ay may marami ang bumabatikos at nag expose kay Mangusin dahil diumano sa investment scam at panloloko sa mga OFW.
Taon 2025 tinalakay ng isang content creator kung sino nga ba si FLM sa hiling na din ng kanyang mga manonood. kalaunan ay humaba ang sagutan ng dalawang panig. dito nagsimula lumalim at muling nahalungkat ang mga nakabinbin kaso ni Mangusin. Ang mga vlogger na tumutuligsa kay Mangusin mula pa 2020 at mga OFW na patuloy pa din Lumalaban kay mangusin ay nakatuwang din ng naturang Content creator para mailabas ang tunay na pagkatao ni FLM. Humaba ,lumawak ito na parang "teleserye" hanggang idemanda ni mangusin ang naturang blogger, at ito namn ay sinagot din ng demanda ng kabilang panig .Bukod pa ang demanda ng mga nasangkot na kapamilya. umabot na din ito sa hindi magagandang naging pahayag ni mangusin sa ibat ibang personalidad at government organizations.
Feb 24,2026 : may preliminary investigation umano si Mangusin sa isang complaint na inihain ng isang Ginang.
Ngunit si Mangusin ay kasalukuyan nasa Hotel sa Pasay at patuloy na nag livestreaming na madalas nya gawin habng ito sana ay kakain. Igiinit nya sa naturang live na wala syang Hearing or PI.
Kasabay naman nito na Lumabas na pala ang warrant sa complaint ng Content creator na naksagutan nya. Dahil dito ay pinatupad ito ng kapulisan at nadakip si mangusin habang ito ay kumain ng Salad at naka live.