Estudyante Blues

Estudyante Blues Ang bawat estudyante ay may pinagdaraanan upang makamit ang inaasam na kinabukasan.

Tanawin ang silid, pangarap ay sumisilip. Bagamat 'di mo pa batid, iukit muna sa panaginip. Namnamin ang pagkakataong ma...
04/12/2022

Tanawin ang silid, pangarap ay sumisilip. Bagamat 'di mo pa batid, iukit muna sa panaginip.
Namnamin ang pagkakataong makipag-kwentuhan hanggang dapit-hapon, at sa lahat ng hamon, ikaw (ESTUDYANTE) ay 'wag papalamon.

📷: Johnuel
🖋️: Dee



"Banda-banda roon, sino na kaya tayo? Tayo na kaya ang ipinangarap natin maging?Kahit ano pa man, sana ay huwag nating k...
03/12/2022

"Banda-banda roon, sino na kaya tayo? Tayo na kaya ang ipinangarap natin maging?

Kahit ano pa man, sana ay huwag nating kalilimutan ang naging lakbay natin — na minsan na nating hinamak ang mga kalye ng Mendiola, habang ang tanging bitbit lamang ay giting at pag-asa."

📷: Johnuel
🖋️: mimosa



Sa ilang segundo ng pagtawid, nagkakasalubong ang iba't ibang karanasan na dinadalaTila ba't bumibilis ang oras sa pagma...
02/12/2022

Sa ilang segundo ng pagtawid, nagkakasalubong ang iba't ibang karanasan na dinadala
Tila ba't bumibilis ang oras sa pagmamadali upang makaapak sa susunod na hakbang.

Kasabay ng pagtigil ng mga sasakyan, huminto rin ang kanilang oras ngunit hindi ang mga pangarap
Ano mang bilis o bagal ng tiyempo, pare-parehas lamang tayong may inaabot na destinasyon sa pagtapos ng araw.

📷: Natalie
🖋️: sushi




'TREAT KO! SAAN TAYO?'Sino ba naman ang tatanggi sa libre lalo na kung sa pagkain?Matapos ang isang araw ng pagkatuto, s...
02/12/2022

'TREAT KO! SAAN TAYO?'

Sino ba naman ang tatanggi sa libre lalo na kung sa pagkain?

Matapos ang isang araw ng pagkatuto, sa isang hapag kayo pa rin ang kasa-kasama ko.
Sa loob ng kainan kung ano-ano na ang mapag-uusapan, hindi lang pagkain ang papawi sa ating mga kumakalam na sikmura, maging ang kuwento ng barkada pinupunan ang ating pagsasama.

📷: Johnuel
🖋️: Grasya/Disperas




"Oy anong room tayo?" "Andyan na ba si maam/sir?" " Nasan kayo guys!!" mga salitang maririnig natin sa ating tenga kapag...
02/12/2022

"Oy anong room tayo?" "Andyan na ba si maam/sir?" " Nasan kayo guys!!" mga salitang maririnig natin sa ating tenga kapag tayo'y nasa eskwelahan, lalo na't matagal-tagal rin tayong nakakulong sa ating mga tahanan. At sa wakas nanumbalik na ang mga ngiti at tawanan ng bawat estudyante na handang matuto at gumawa ng masasayang ala-ala

📷: Johnuel
🖋️: Shirohige




"Kaklase, kaibigan, kapatid.Masasabi natin na sa araw-araw na pagpasok natin sa eskwela,iba’ibat ibang tao ang ating mak...
02/12/2022

"Kaklase, kaibigan, kapatid.
Masasabi natin na sa araw-araw na pagpasok natin sa eskwela,
iba’ibat ibang tao ang ating makakasalamuha,
ngunit pag pasok natin sa maliit na silid ng paaralan,
si kaklase ang magbibigay satin ng inis, ngiti, at kasiyahan.
Bilang estudyante mamumuhay tayo na kasama ang sa una’y hindi natin kakilala.
Pero sa pag tapos ng taon, makakabuo tayo ng mga kasamang i-tuturing natin bilang kapamilya."

📷: Johnuel
🖋️: gimger




Sa isang pangarap iba-iba man ang istilo natin sa buhay,Nakasapatos man o tsinelas,Kailanma'y hindi basehan sa pagkamit ...
02/12/2022

Sa isang pangarap iba-iba man ang istilo natin sa buhay,
Nakasapatos man o tsinelas,
Kailanma'y hindi basehan sa pagkamit ng tagumpay.

Magkakaiba man tayo,
Iisa naman ang hangad.
Sa kabila ng unos sa buhay,
Sama-samang maniwala't lilipad
Para ipagpatuloy ang pangarap.


📷: Althea
🖋️: chuchu




"Tawagan, kausapin, at tayo ay makukwentuhan. Halika't saluhan mo ako sa aking mga katanungan. Simulan natin na kilalani...
02/12/2022

"Tawagan, kausapin, at tayo ay makukwentuhan. Halika't saluhan mo ako sa aking mga katanungan.

Simulan natin na kilalanin, pag-ugnayin, at mas lalong palalimin ang ating samahan.

Pagkatiwalaan, tabihan mo ako sa aking mga
sasabihin.

Tayo na't lakarin nang magkasama ang mga bagay na hindi natin maintindihan sabay nating alamin ang sekreto ng bawat isa."

📷: Johnuel
🖋️: estrelya




"LAKBAY PARA SA TAGUMPAY.Hihinto, babangon, at patuloy na sasabak sa anumang mga hangarin sa buhay.Lalaban at mananatili...
02/12/2022

"LAKBAY PARA SA TAGUMPAY.

Hihinto, babangon, at patuloy na sasabak sa anumang mga hangarin sa buhay.

Lalaban at mananatiling malakas sa kahit anong pagsubok na atin pang mahihimigan

Tumindig, magtiwala sa sarili, at palawakin ang kaisipan upang ating maipagmalaki na 'AKO AY NAGING ISANG MATIBAY' ."

📷: Johnuel
🖋️: estrelya




Gabi na! gabi na at nasa kalsada ka pa rin.Kalsada kung saan tayo’y naglalakad papunta sa kung saan man.Papunta sa mga l...
02/12/2022

Gabi na! gabi na at nasa kalsada ka pa rin.
Kalsada kung saan tayo’y naglalakad papunta sa kung saan man.
Papunta sa mga lugar na gusto nating puntahan.
Tila ba’y kalsada na patungo sa ating mga pangarap.
Pangarap na minsan ay mahirap makamtan.
Pero pipilitin mahawakan
para sa pinaglalaanan ng pangarap.

📸: Miguel
🖋: Gimger




" 'UWIAN Na’ mga katagang na sa tinig ng mga eskwela ay kay sarapPagkapakinig, pagkabagot na naipinta sa mga mukha mula ...
02/12/2022

" 'UWIAN Na’ mga katagang na sa tinig ng mga eskwela ay kay sarap

Pagkapakinig, pagkabagot na naipinta sa mga mukha mula sa klase ay lumisan

Ito’y napalitan ng mukhang para bang may natupad na pangarap

UWIAN NA UWIAN NA, may masasakyan pa kaya akong maabutan? "

📷: Natalie & Roger
🖋️: Vánoce




Huy, tara na!Saan na naman tayo pupunta?Hindi lamang pag-aaral ang gagawin sa eskwelahan,pati na rin ang pakikipagkita s...
02/12/2022

Huy, tara na!
Saan na naman tayo pupunta?
Hindi lamang pag-aaral ang gagawin sa eskwelahan,
pati na rin ang pakikipagkita sa mga kaibigan.

Kaibigang kasama sa kwentuhan,
naghahagalpakan sa tawanan.
Dadamayan sa iyakan,
Nagbubudol-an sa kainan.
Kaibigang kasama sa kung anuman,
pati na rin sa kopyahan— huy, bawal 'yan.

📷: Kyle
🖋: nyx




Address

Mendiola Street, San Miguel
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Estudyante Blues posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category