11/09/2025
🎨✨ Tara! at sumama ka sa isang makulay na kwento ng sining! ✨🎨
Hindi lang basta drawing o painting ang makikita mo sa MAPEH/VISUAL ARTS EXHIBIT ng Mangaldan National High School—ito ay mga kwento ng pangarap, damdamin, at malikhaing imahinasyon ng ating mga estudyante. 🖌️💡
🗓️September 15–19, 2025
📍ABONG NA ALUMNI
Sa bawat obra, may istoryang nakatago, minsan masaya, minsan malungkot, pero laging totoo at mula sa puso. 💖 Dito mo makikita kung paano nagiging boses ang sining para sa kabataan, at kung paanong kahit sa simpleng kulay at guhit ay mayroong malalim na mensahe.
Kaya kung gusto mong ma-inspire, makakita ng kakaiba, o simpleng makaramdam ng ganda ng kultura at talento, huwag mong palampasin ito! 🌟