Arkibero

Directions Website Contact the establishment

Arkibero Word Construction × Art Inspection

Status: Rejected – ★★★2026 🇵🇭Paano kung ang pinakamahirap tanggapin ay hindi ang pagtanggi, kundi ang pakiramdam na wala...
12/08/2026

Status: Rejected – ★★★
2026 🇵🇭

Paano kung ang pinakamahirap tanggapin ay hindi ang pagtanggi, kundi ang pakiramdam na wala ka nang hinihintay? Para kay Biring, ang landian sa chat (“Ano na namang kapekpekan ’to, Virginia?”) ang naging pinto patungo sa mga pangarap na matagal nang nakapinid—pag-ibig, American dream, at pagkakataong makapagsimula muli. Ngunit habang lumalalim ang kaniyang pagkapit sa birtwal na mundo, lalong lumalabo ang hangganan ng pag-asa at panlilinlang. Sa pagitan ng matatamis na salita at mapait na katotohanan, lumilitaw ang lungkot ng isang babaeng tila nakaligtaan na ng lipunan matapos ang mga taon bilang ina at lola. Hindi naman siya tumigil mangarap; tila ang mundo lamang ang tumigil sa pagbibigay sa kaniya ng dahilan upang mangarap. Kaya ang “rejected” ay higit pa sa isang denied visa—isa itong pagtatanong sa halip na paghatol kung sino ang may karapatang mahalin, umasa, at magsimula muli. At marahil, ang sagot ay hindi kailanman dapat nakabatay sa edad.

Website: https://wp.me/pJWfK-YP
Letterboxd: https://boxd.it/fNeGDN
Black Cap Pictures

Ganggang – ★★★★2026 🇵🇭May mga sapot na hindi gawa ng gagamba. May mga sapot na hinahabi ng mapagmanipulang puwersa; kapa...
10/08/2026

Ganggang – ★★★★
2026 🇵🇭

May mga sapot na hindi gawa ng gagamba. May mga sapot na hinahabi ng mapagmanipulang puwersa; kapag nahuli ka rito, mahirap nang makawala. Sa isang larong pambata, unti-unting lumilitaw ang mas malaking tunggalian: ang bullying sa eskuwelahan ay nagiging anino ng hidwaan sa pagitan ng sundalo, aktibista, magsasaka, at mga batang napipilitang mamuhay sa mga sugat na hindi naman sila ang lumikha. “🎶Narinig ko ang pahayag ng pakikiisa ng mga kuliglig…🎶” Isang munting ingay na nagiging himig ng mga tumatangging manahimik. Sapagkat ang karahasan ay hindi nagtatapos sa mismong karahasan; sumusunod ito sa paglaki ng mga anak, sa paghihintay ng mga pamilya, at sa alaala ng mga naiwan. Sa bawat nawawala, may puwang na hindi mapunan; sa bawat pangalang binubura, may kuwentong patuloy na nabubunyag: “🎶Naririnig ko sa bawat pusong nagluluksa / Ang yabag ng laksa / Nagbababala…🎶” Kaya ang ganggang ay hindi na lamang gagambang gumagapang sa lupa, kundi larawan ng mga taong nasasangkot sa sapot ng kapangyarihan at ng isang henerasyong pilit kumakawala sa mga kamay ng berdugo at mapagsamantala. “🎶Naririnig ko sa bisig ng api’t dalita / Ang pintig ng digma / Rumaragasa…🎶” Sa gitna ng lahat ng ingay, isang minutong katahimikan—hindi bilang pagsuko, kundi bilang pag-alala, pakikiramay, at panata. Sapagkat may mga tinig mang pinatahimik, hindi matatahimik ang alaala. At mula sa katahimikang iyon, aalingawngaw ang panawagang hindi kailanman mamamatay: “Ilitaw ang mga nawawala!”

Website: https://wp.me/pJWfK-YP
Letterboxd: https://boxd.it/fL9vwN
Cinemalaya 2026

A.ni.mál – ★★★½2026 🇵🇭Nakakatawa, pero nakakabahala. Walang absolutong itim at puti sa mundong hindi ka interesado hangg...
10/08/2026

A.ni.mál – ★★★½
2026 🇵🇭

Nakakatawa, pero nakakabahala. Walang absolutong itim at puti sa mundong hindi ka interesado hangga’t hindi ka apektado, at sa bansang hitik sa mga pangakong walang laman, proyektong hindi natatapos, at disimpormasyong unti-unting ninonormalisa. Ito ang rabies ng korapsyon ng mga ulol na ulol sa kapangyarihan, habang kagat-kagat ang sumpa ng apelyido, puwesto, at pribilehiyo. Sa pagitan ng kilo-kilometrong linya, mas masahol pa sa hayop ang mga taong nakangisi, mapanghimasok, at umaatungal sa harap ng iPhone camera; sanay na sanay na tawaging “Kagalang-galang” sa sarili nilang kingdom na naglalaway sa katiwalian.

Website: https://wp.me/pJWfK-YP
Letterboxd: https://boxd.it/fKDchP
Cinemalaya 2026

Mag-iina - ★★★★2026 🇵🇭Hindi napipili ang pamilyang patuloy nating binabalikan, kahit alam nating doon tayo unang nasakta...
08/08/2026

Mag-iina - ★★★★
2026 🇵🇭

Hindi napipili ang pamilyang patuloy nating binabalikan, kahit alam nating doon tayo unang nasaktan. Ganoon kalamig ang sinapupunang paulit-ulit na nagsisilang ng p**t, dalamhati, at kaputanginahan. Sa pag-uwi, hindi lamang mga alaala ang sumasalubong kundi ang pasikot-sikot na mga pasilyo ng pang-aabuso. Ito ang arkitektura ng malapot na toksisidad sa “libingan ng mga kasalanan”—isang tahanang pinatitibay ng gatas at dugo ngunit unti-unting nabibiyak sa bigat ng mga sikreto, kung saan ang kanlungan ay maaaring maging kulungan, at ang apelyido ay nagiging tanikala ng mga kasalanang paulit-ulit na naipapasa sa ngalan ng pagpapatawad.

Website: https://wp.me/pJWfK-YP
Letterboxd: https://boxd.it/fHFWbF
Cinemalaya 2026

Address

Shaw Boulevard,
Mandaluyong
1500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arkibero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Arkibero:

Shortcuts

Share