Teatro Cor Iesu

Teatro Cor Iesu The Performing Arts Group
of Sacred Heart of Jesus Parish - Mandaluyong

12/07/2024
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, amin pong i-momove ang workshop sa ibang araw. Kami po ay humihingi ng pasensya at...
20/04/2024

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, amin pong i-momove ang workshop sa ibang araw.

Kami po ay humihingi ng pasensya at nagpapasalamat sa inyong pang-unawa. 🎭✍️

Kitakits pa rin sa bagong schedule! πŸ™‚ Abangan lamang ang update mula sa amin.

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, ang Teatro Cor Iesu ay malugod na inaanyayahan ang lahat sa Scriptwriting ...
16/04/2024

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, ang Teatro Cor Iesu ay malugod na inaanyayahan ang lahat sa Scriptwriting Workshop sa ika-20 ng Abril, Sabado, 1-5 ng hapon sa 3rd Floor ng Immaculate Heart of Mary Building, SHJP Mandaluyong.

Ito ay libre at bukas sa may edad 15 pataas.

Sabay-sabay tayong matuto ngayong Sabado. Tara, kitakits! ✍️

Pubmat ni: Lorenzo Gorriceta

PAPUNTA NA TAYO SA EXCITING PART! πŸ™ŒπŸŽ­Ang Teatro Cor Iesu ay nag-aanyaya sa mga nais maging bahagi ng dulang pinamagatang ...
09/04/2024

PAPUNTA NA TAYO SA EXCITING PART! πŸ™ŒπŸŽ­

Ang Teatro Cor Iesu ay nag-aanyaya sa mga nais maging bahagi ng dulang pinamagatang β€œSAN JOSE”.

Kaugnay nito, magkakaroon ng CASTING CALL sa April 10, 2024, Miyerkules mula 8am hanggang 5pm sa 3rd Floor ng Immaculate Heart of Mary, Sacred Heart of Jesus Parish, Mandaluyong City.

Para sa mga karakter at piyesang gagamitin, i-click lamang ang link na ito:

https://drive.google.com/drive/folders/16SVWL4W6sxtgj4Kr86W6RVlSRtZGv5Cv?usp=sharing

Para sa ibang katanungan, mag-message lamang sa ating page.

SEE YOU THERE! πŸ™Œ

Pubmat ni: Lorenzo Gorriceta

Happy Easter!
01/04/2024

Happy Easter!

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Hesus; ang pinakamakapangyarihang tanda ng pag-asa at bagong simula. Hayaan nating ang liwanag ng kanyang pag-ibig ay magbigay ilaw sa ating mga puso at gabay sa ating mga hakbang. Sa panahon ng pagsubok, alalahanin natin ang pangakong ito ng pag-asa at pagbabago. Nawa'y ang araw na ito ay magdala ng walang hanggang kagalakan at kapayapaan sa inyong mga tahanan.




29/03/2024

Marso 29 | BIYERNES SANTO

"Sumigaw nang malakas si Jesus, β€œAma, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga." - Lucas 23:46

Ngayong Biyernes Santo, atin pong gunitain ang sakripisyo ni Hesus sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa araw na ito, muling pagnilayan natin ang kabuluhan ng Kanyang pagmamahal at pagpapatawad. Sa kabila ng kadiliman, may pag-asa at liwanag na naghihintay sa ating lahat. Magsama-sama tayo sa panalangin at pagmumuni-muni.



Address

Sacred Heart Of Jesus Parish
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teatro Cor Iesu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Teatro Cor Iesu:

Share