18/08/2026
๐OPISYAL NA PAHAYAG
Ang Teknolohikal na Unibersidad ng Rizal (RTU) at Tanggapan ng Ugnayang Kultural (CAO) ay taos-puso humihingi ng paumanhin sa pagkaantala sa pagproseso at paglabas ng allowance at sa anumang abalang naidulot nito. Ayon sa ating napag-usapan ng mga nakaraan taon at buwan ay hihintayin ang pag-aruba ng manual na operasyon upang magkaroon ng sapat na basehan sa inyong matatanggap. Sa hindi inaasahang mga pagkaantala ng pag-apruba tayo ay bumalik sa lumang proseso upang ito ay maisaayos at hindi na muling mag-intay ng mahabang panahon. Hindi sinadya ng unibersidad at tanggapan ang pagkaantalang ito, sa kasalukuyan nasa proseso na ang mga allowance simula ikalawang semestre ng 2022 hanggang sa kasalukuyang taon upang makasiguro na mabibigyan lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Teatro Rizalia pakisagutan ang link sa ibaba.
Makakaasa kayong agarang tinutugunan na ang usaping ito, at nakatuon ang tanggapan sa pagsisigurong maibibigay ang allowance sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat sa inyong serbisyo, dedikasyon, pasensya at pag-unawa.
Kung kayo ay may hinaing o komento maaring makipag-ugnayan ng personal sa aming tanggapan o mag-e-mail sa [email protected]
https://forms.gle/gGRaYVke7FnEvpjN8