12/12/2025
MMFF 2025 OFFICIAL ENTRIES
TINGNAN: Kumpleto na ang mga pelikulang magiging parte ng Paskong Pilipino sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pinangalanan ang movies na bubuo sa official entries ng MMFF ngayong Biyernes, Oktubre 10.
Kinabibilangan ito ng "I'mPerfect," "Love You So Bad," "UnMarry," at "Bar Boys: After School."
Samantala, nauna nang inanunsyo ang first batch ng official entries na "Call Me Mother," "Manila's Finest," "Rekonek," at "Shake, Rattle & Roll Evil Origins."
Mapapanood ang mga nabanggit na pelikula mula December 25, 2025 hanggang January 14, 2026.