Provincial Special Drug Education Center - Occidental Mindoro

Provincial Special Drug Education Center - Occidental Mindoro Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Special Drug Education Center - Occidental Mindoro, Recreation Center, So. Bunot, Brgy Tayamaan, Mamburao.

The Special Drug Education Center (SDEC) is a community-based facility that provides education and training for Out-of-School Youth (OSY) and Children in Street Situations (CISS), focusing on the prevention of substance abuse.

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄𝐎𝐑𝐄𝐓𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄 𝐎 𝐓𝐃𝐂? 𝐀𝐍𝐎? 𝐓𝐀𝐑𝐀?Nais mo bang magkaroon ng Driver's License? Ito na ang iyong pagkaka...
16/06/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄𝐎𝐑𝐄𝐓𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄 𝐎 𝐓𝐃𝐂? 𝐀𝐍𝐎? 𝐓𝐀𝐑𝐀?

Nais mo bang magkaroon ng Driver's License? Ito na ang iyong pagkakataon!

Ang Provincial Government of Occidental Mindoro sa pangunguna ng ating 𝗚𝗮𝗻𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼 at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office - Special Drug Education Center na pinamumunuan ni 𝗚𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗥. 𝗟𝗮𝗺𝗼𝗰𝗮, 𝗥𝗦𝗪 sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa Office of the Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng ating 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗔𝗻𝗲𝗰𝗶𝘁𝗮 𝗗𝗶𝗮𝗻𝗮 𝗔𝗽𝗶𝗴𝗼-𝗧𝗮𝘆𝗮𝗴 ay magsasagawa ng 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗛𝗘𝗢𝗥𝗘𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 (𝗧𝗗𝗖) para sa mga kabataan. Ang programang ito ay naglalayong mabigyan ang mga kabataan ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa responsableng pagmamaneho at makatulong sa pagtugon sa mga kinakailangan sa pagkuha ng Student Driver's Permit.

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
✅ LIBRE lamang ang TDC.
❗ Ang MEDICAL FEE at STUDENT PERMIT FEE ay sasagutin ng aplikante.

📋 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐇𝐈𝐍:
• PSA Authenticated Birth Certificate
• Any Valid ID
• Marriage Contract (kung kasal)
• LTMS Portal Account
• Parent Consent (kung edad 16-17 taong gulang)

📝 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎?
✔ I-scan ang QR Code para sa online registration o iclick ang link na ito https://forms.gle/dBMR3VAgXSTYMPKYA; o
✔ Pwede rin na mag-WALK-IN at magpalista sa:

📍 Special Drug Education Center (SDEC) So. Bunot, Brgy. Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro

⏳ 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
Matapos ang Free Theoretical Driving Course (TDC), maaari nang agad na magproseso ng Student Driver's Permit ang mga kalahok dahil makakasama natin ang mga Accredited Partners ng LTO para sa Medical Examination at pagproseso ng Student Permit sa iisang lugar, para sa mas mabilis at mas maginhawang serbisyo.

PS. Ang iskedyul ng FREE TDC ay IAANUNSYO sa sandaling mapuno ang kinakailangang bilang ng mga registrants

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magparehistro na at simulan ang iyong paglalakbay tungo sa pagiging responsableng motorista.

𝘽𝙖𝙨𝙩𝙖 𝙂𝙖𝙣𝙖𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣, 𝙒𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙞𝙞𝙬𝙖𝙣!





16/06/2026
12/06/2026
12/06/2026
28/05/2026

𝐒𝐡𝐨𝐫𝐭-𝐭𝐞𝐫𝐦 𝐬𝐚𝐲𝐚, 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐫𝐚. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐬𝐚 𝐝𝐫𝐨𝐠𝐚.

Ang paggamit ng ilegal na droga ay hindi lamang nakakasira sa katawan kundi pati na rin sa isip at emosyon. Maaari itong magdulot ng depresyon, karamdaman, at pagkasira ng relasyon sa mga taong nagmamahal sa atin. Habang may pagkakataon, piliin nating umiwas at ituon ang oras sa mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng sarili.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!




22/05/2026

𝐀𝐧𝐨, 𝐭𝐚𝐫𝐚? 𝐌𝐚𝐦𝐛𝐮𝐫𝐚𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨! 🎮✨

The 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐌𝐈𝐌𝐀𝐑𝐎𝐏𝐀 𝐀𝐝𝐨𝐥𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 is officially set on August 11–14, 2026 in Mamburao, Occidental Mindoro!

Expect powerful sessions, youth engagement activities, policy hackathon, SBCC design challenge, quiz bowl, research presentations, color fun run, and a recognition night for our youth champions.

𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐨𝐧, 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧! 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐯𝐨𝐢𝐜𝐞. 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐢𝐝𝐞𝐚𝐬. 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐦𝐨𝐯𝐞. 🔥

18/05/2026
14/05/2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗟𝗖𝗣𝗖 𝗙𝗨𝗡𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧

Kinilala ang Lalawigan ng Occidental Mindoro sa isinagawang 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment ng DILG MIMAROPA Region para sa taong 2025 matapos makamit ang “IDEAL” Level of Functionality.

Sa pamumuno ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, nakapagtala ang Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) ng kabuuang rating na 88.83%, dahilan upang pumangalawa ang lalawigan sa may pinakamataas na marka sa buong MIMAROPA, kasunod ng Puerto Princesa City, at manguna naman sa hanay ng mga probinsya.

Katuwang sa pagkilalang ito ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Ms. Rosalina R. Lamoca, bilang PCPC Secretariat, para sa kanilang mahusay na suporta sa paghahanda at pagsasakatuparan ng mga kinakailangan sa assessment.

Samantala, sa patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya, lokal na pamahalaan, at mga komunidad, nananatiling isa sa mga prayoridad ng lalawigan ang pagbibigay proteksyon sa ating mga kabataan.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!




Photo from: DILG MIMAROPA Region

14/05/2026

Address

So. Bunot, Brgy Tayamaan
Mamburao
5106

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Special Drug Education Center - Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share