Cofradia Performing Arts Group

Cofradia Performing Arts Group Welcome to CPAG Official page!

𝐌𝐄𝐒𝐒𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐖! ‼️Looking for performers for your event? We are accepting guestings and costume rentals for festivals, folk...
01/06/2026

𝐌𝐄𝐒𝐒𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐖! ‼️

Looking for performers for your event? We are accepting guestings and costume rentals for festivals, folk dances, street dancing, event openings, fiestas, and other special occasions.

📩 Message us now for inquiries and bookings!

For inquiries or Costume rentals message us here on our page! 🍃





JUST IN‼️Taos-pusong pasasalamat sa pagkapanalo sa Indakan sa Kalye 2026 bilang; Best in Streetdance, Best in Showdown, ...
29/05/2026

JUST IN‼️

Taos-pusong pasasalamat sa pagkapanalo sa Indakan sa Kalye 2026 bilang;
Best in Streetdance,
Best in Showdown,
at Overall Champion ng Sangtatlo — Barangay Pinagbakahan, Barangay Santisima Trinidad, at Barangay Barihan.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, naniwala, at naging bahagi ng aming paglalakbay. Matapos ang isang taong pagsusumikap, pagpupuyat, pag-eensayo, at muling pagpupunla ng pangarap, ngayon ay aming inani ang tagumpay at pagpapalang matagal naming ipinagdasal.

Ang bawat pawis, sakripisyo, at pananalig ay naging daan upang maabot namin ang tagumpay na ito. At saan man kami dalhin ng tadhana, mananatili kaming may mata sa langit at paa sa lupa.

HUSAY AT TALENTO, TATAK CPAG TO!





Mula sa tahanang pinag-isa at pinagtibay ng husay, galing, at talento — tunghayan natin ang isang makapangyarihang pagta...
23/05/2026

Mula sa tahanang pinag-isa at pinagtibay ng husay, galing, at talento — tunghayan natin ang isang makapangyarihang pagtatanghal mula sa Cofradia Performing Arts Group!

Isang kwentong tatatak sa puso at isipan ng bawat Maloleño…Kwento ng pangarap.Kwento ng pagsusumikap.Kwento ng kawalang-hustisya. At kwento ng liwanag sa unti-unting pagdilim ng tadhana.

“May hustisya pa nga ba para sa mahihirap?”“Maaabot pa rin ba ang tagumpay sa kabila ng matitinding pagsubok sa buhay?”

Saksi ang entablado sa kwento ng bawat kabataang Pilipino na lumalaban, bumabangon, at patuloy na nangangarap sa kabila ng hirap at sakit ng realidad.

Abangan bukas, Mayo 24, sa Barangay Look 2nd!🕑 2:00 PM – Streetdancing Competition🌙 6:00 PM – Grand Showdown

Kabataan!Tayo pa rin ang pag-asa ng ating bayan.Maging liwanag sa gitna ng dilim.Maging boses ng katotohanan at pag-asa.

Maraming salamat po, Sto. Cristo! 🙏✨






Ipinapakilala ng COFRADIA PERFORMING ARTS GROUP ang panibagong hanay ng mga pinuno at tagapaglingkod na magsisilbing gab...
17/05/2026

Ipinapakilala ng COFRADIA PERFORMING ARTS GROUP ang panibagong hanay ng mga pinuno at tagapaglingkod na magsisilbing gabay, inspirasyon, at lakas ng samahan sa pagpapatuloy ng adhikain nitong mapayabong ang sining, kultura, at tradisyon.

Sa bawat hakbang ng sayaw, bawat tugtog ng musika, at bawat pagtatanghal na aming ibinabahagi, dala namin ang apoy ng dedikasyon, pagkakaisa, at pagmamahal sa kulturang Pilipino. Ang bagong set ng mga opisyal ay hindi lamang mga lider, kundi mga kabataang handang magsilbi, matuto, at magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang husay, galing, talento, at puso para sa sining.

Sa pagpasok ng panibagong yugto ng aming samahan, muli naming bubuhayin ang entablado, paiigtingin ang diwa ng paglikha, at ipagpapatuloy ang misyong magbigay dangal sa kultura at pamana ng ating bayan. Kami ay magbabalik na may mas matatag na layunin, mas malikhaing pananaw, at mas nag-aalab na determinasyon upang dalhin ang pangalan ng COFRADIA sa mas mataas na antas.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng aming paglalakbay — sa mga naunang opisyal, mga tagapayo, alumni, tagasuporta, pamilya, kaibigan, at sa bawat taong naniwala sa kakayahan ng aming grupo. Ang bawat palakpak, suporta, at tiwala ninyo ang nagsisilbing inspirasyon upang kami ay magpatuloy.

Sa bagong kabanatang ito, sama-sama tayong iindak para sa sining, para sa kultura, at para sa kabataang may pangarap.

Patuloy na maglilingkod.
Patuloy na lilikha.
Patuloy na sasayaw.

COFRADIA PERFORMING ARTS GROUP
4th Batch of Officers

“Mata sa Langit, Paa sa Lupa.”





Happy birthday, Irish! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️Love,Cofradia Performing Arts Group Family
17/05/2026

Happy birthday, Irish! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️

Love,
Cofradia Performing Arts Group Family





MALIGAYANG KAPISTAHAN PINTAKASI NG AMING NAYON, SAN ISIDRO LABRADOR!Viva! San Isidro Labrador! Viva! Viva!San Isidro Lab...
15/05/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN PINTAKASI NG AMING NAYON, SAN ISIDRO LABRADOR!

Viva! San Isidro Labrador! Viva! Viva!
San Isidro Labrador de Cofradia, Ipanalangin mo po kami. 💚




Happy birthday, Eli! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️Love,Cofradia Performing Arts Group Family
11/05/2026

Happy birthday, Eli! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️

Love,
Cofradia Performing Arts Group Family





11/05/2026

Mula sa pagsubok na tila alon ng Zambales na walang tigil sa pagragasa, ang CPAG ay hindi natinag bagkus ay mas lalong tumibay sa bawat indak at pagkakaisa. 🌊✨

Sa hirap man o sarap, sama-samang lumalaban,
Parang alon ng Zambales — tuloy lang sa pag-agos at walang iwanan. 💃🕺

Humampas man ang hangin at unos ng panahon,
CPAG ay patuloy na babangon at kikilos nang may layon. 🤍

Sa bawat galaw ay may puso, sa bawat sayaw ay may dangal,
Kabataang may talento’t paninindigan — tunay na huwaran ng Zambales.

“Mata sa Langit, Paa sa Lupa.” 🙏✨

🎥 : Nezza Manicad

Maming salamat, Panginoon, sa tatag ng samahan at pusong nagkakaisa. 🌊✨Katulad ng alon ng Zambales, ang samahan ng Cofra...
11/05/2026

Maming salamat, Panginoon, sa tatag ng samahan at pusong nagkakaisa. 🌊✨
Katulad ng alon ng Zambales, ang samahan ng Cofradia Performing Arts Group ay patuloy na umaalpas, sumasabay, ngunit hindi sumusuko. Sa bawat indak ng kabataang puno ng husay, galing, at talento ay pagbabalik-pasasalamat sa komunidad at sa Iyo na siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya.

Mula sa nagdaang makabuluhang araw sa Pundaquit, Zambales — mas tumibay ang samahan, mas lumalim ang pagmamahalan, at mas luminaw ang layunin ng bawat isa. 🌅💃🕺

Ang alon man ay humampas, kami’y di basta matitinag,
Pagkakaisa’y aming lakas, samahang tunay at wagas. 🤍












“Mata sa Langit, Paa sa Lupa.” 🙏✨

Happy birthday, Rico! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️Love,Cofradia Performing Arts Group Family
08/05/2026

Happy birthday, Rico! Wishing you a day filled with joy and laughter. ❤️

Love,
Cofradia Performing Arts Group Family





Address

Jasmin Street Brgy. Cofradia
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia Performing Arts Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share