Dulaang Tinaja

Directions

Dulaang Tinaja Dangal at Tagumpay The official theater group of Tinajeros National High School.

Established by alumni of TNHS Performing groups: Tanghalang Gintong Lahi, Uhay Theatre & Dance Ensemble and Balikatan Dance Troupe.

17/09/2026

POV:

Dulaang Tinaja noong nakuha ang kayamanan na tinapon ni Padre Florentino sa dagat. Pinagyabong, Itinanghal, Inialay.

Hindi kami ang nakakuha, ibang member yun.

17/09/2026

โ€œSa sama-sama nating lakasโ€ฆ โœจโ€

SALI NA KAYO DT! Palitan niyo na kaming mga perpekto sa larangan ng pag awit.

๐Ÿ—“๏ธ September 18, 2026
8:00 AM - 4:00 PM
๐Ÿ“Tinajeros National High School Grounds

"๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™คโ€™๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™–๐™ฃ, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™œ๐™ž๐™ข๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–-๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™™ ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ..." โœจSa idinaos n...
27/07/2026

"๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™คโ€™๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™–๐™ฃ, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™œ๐™ž๐™ข๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–-๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™™ ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ..." โœจ

Sa idinaos na Alumni Homecoming Batch 2006, nagbigay ng isang makabuluhang pagtatanghal ang Dulaang Tinaja sa pamamagitan ng isang maikling dula na muling bumuhay sa masasayang alaala ng pagiging mag-aaral. Isinalaysay nito ang mga simpleng kulitan, tawanan, pagkakaibigan, at mga karanasang humubog sa bawat isa noong kanilang mga taon sa hayskul.

Higit pa sa pagbabalik-tanaw, naging paalala ang pagtatanghal na bagama't ang bawat isa ay tinahak na ang kaniya-kaniyang landas at propesyon sa buhay, mananatiling buhay sa kanilang mga puso ang mga alaalang nabuo sa loob ng paaralan. Ang bawat eksena ay naghatid ng matinding damdamin at nostalgia, na nagpapaalala na ang mga taong minsang nagsama-sama sa iisang silid-aralan ay maaaring magkalayo na ng tinatahak na direksiyon, ngunit magpakailanman silang pagbubuklurin ng mga alaalang minsang nagsilbing bahagi ng kanilang kabataan. ๐ŸŽ“

Isang malaking pasasalamat sa aming mga partners at sponsors! ๐ŸŽญโœจAng tagumpay ng Anatomiya ng Katakatawan ay bunga rin ng...
21/05/2026

Isang malaking pasasalamat sa aming mga partners at sponsors! ๐ŸŽญโœจ

Ang tagumpay ng Anatomiya ng Katakatawan ay bunga rin ng inyong tiwala at suporta. Dahil sa inyong tulong, mas naging buhay ang aming sining at mas naging maayos ang aming pagtatanghal. Karangalan naming maging katuwang kayo sa produksyong ito.
Espesyal na pasasalamat sa ating butihing Mayor Jeannie Sandoval sa kaniyang dedikasyon na itaguyod ang sining sa ating lungsod.

Dahil sa inyong tulong, nagawa naming maghatid ng inspirasyon at aliw sa ating mga manonood. Hanggang sa muling pagtatanghal! Mabuhay ang Sining! ๐Ÿบ

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ง๐š๐ญ๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ญ๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง!Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat sa bawat kal...
19/05/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ง๐š๐ญ๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ญ๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง!

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat sa bawat kaluluwang sumuporta, nakiisa, at nagbahagi ng kanilang panahon upang saksihan ang sining na ito. Ang inyong presensya ang nagsilbing pintig ng mga istoryang ito, na nagbibigay-buhay sa bawat linyang binitawan at bawat emosyong ibinahagi. ๐Ÿซ€๐Ÿง 

Narito ang mga pinakamahuhusay at pinakamagagandang kuha (best shots) na nagpapakita ng kinang, pait, at rurok ng emosyon sa buong pagtatanghal ng Anatomiya ng Katakatawan.

Sa bawat bahagi ng ating katawan, may nakatagong kwentong naghihintay lamang na muling mabuhay at maparangalan. ๐Ÿ‘๏ธ๐Ÿซ€๐Ÿ‘‚๐Ÿปโœ‹๐Ÿป๐Ÿฉธ๐Ÿ”๐Ÿ”ฅ

Kuhang larawan nina: Denzen Miel Repayo at Julius Javier

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga bakas ng abo at pangarap mula sa pagtatanghal ng THIRD DEGREE.๐Ÿ”ฅ Kay daling ipikit ang mga mata, ngunit ...
18/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga bakas ng abo at pangarap mula sa pagtatanghal ng THIRD DEGREE.

๐Ÿ”ฅ Kay daling ipikit ang mga mata, ngunit ang katotohanan ay nananatiling nagniningas: sa gitna ng liyab, hindi lamang balat ang naitutupok, kundi pati ang mga kinabukasang hindi na masisilayan. Ang bawat mitsa ay nagmula sa kinalawang na sistema at sa bulok na korapsyong mas mabilis kumalat kaysa sa apoy. Isang trahedyang itinadhana ng kapabayaan sa mga lugar na tanging kahirapan lamang ang nananahan. ๐Ÿš๏ธ๐Ÿ•ฏ๏ธ

Tunghayan ang mga minutong ito.. mga kuha na nagsisilbing saksi sa huling hininga ng katarungan at ang nag-aalab na panawagan ng mga pamilyang naiwan sa guho, isang paalala na ang apoy ng galit ay hindi mapapatay hangga't walang nananagot sa mga buhay na naging alay. โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Kuhang larawan ni: Princess Shekinah Umali

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga aninong naiwan ng pagtutuos sa SA P**A, SA PUTI.๐Ÿ“ Gameshow?! Sabong?! Oo.. ngunit sa bawat bitaw ng man...
18/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga aninong naiwan ng pagtutuos sa SA P**A, SA PUTI.

๐Ÿ“ Gameshow?! Sabong?! Oo.. ngunit sa bawat bitaw ng manok, may buhay na itinataya nang hindi namamalayan. Hindi natin napagtanto na ang kislap ng barya ay hudyat na pala ng isang madilim na paglalaho. Isang sugal na hindi lamang pera ang kinukuha, kundi ang mismong hininga ng mga taong hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap. ๐Ÿ’ก๐Ÿ”

Tunghayan ang mga sandaling ito.. mga kuha na nagsisilbing mitsa sa pait ng bawat paghahanap at ang nagngingitngit na pighati ng mga pamilyang naiwan sa gitna ng kawalan, isang panawagan na itigil ang karahasan sa likod ng bawat ruweda at sabungan. โ—๏ธ

Kuhang larawan ni: Princess Shekinah Umali

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga imaheng sumasalamin sa madilim na realidad ng SEPULKRO.Isang sikmura, libu-libong dusa. Wala tayong ka ...
18/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga imaheng sumasalamin sa madilim na realidad ng SEPULKRO.

Isang sikmura, libu-libong dusa. Wala tayong ka alam alam na ang mismong sistemang dapat nagpapakain sa atin ay siya palang unti-unting lumalamon sa ating dangal. Isang lipunang ginawang libingan ang pangarap ng mga dukha habang pilit nating nilulunok ang pait ng bulok na pamamahala. ๐Ÿ–โ—๏ธ

Tunghayan ang mga kuha na naglalantad sa hapdi ng bawat pag-aalay at ang pagkasira ng mga pangarap dahil sa sistemang walang puso, isang paalala na sa gitna ng Sepulkro, ang pag-ibig ang pinakamahal, ngunit pinakamura, na alay. ๐Ÿ’€

Kuhang larawan ni: Princess Shekinah Umali

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga tagpong humahamon sa ating paningin mula sa SIR JIMMY.๐Ÿ“š Sa likod ng bawat huwad na aral, may nakatagong...
18/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang mga tagpong humahamon sa ating paningin mula sa SIR JIMMY.

๐Ÿ“š Sa likod ng bawat huwad na aral, may nakatagong tanikala. Hindi natin batid na ang boses na dapat gumagabay ay siya palang lason na dumudurog sa ating pagkatao. Isang sistematikong paglapastangan sa dangal na pilit ikinukulong sa apat na sulok ng silid. ๐Ÿซ

Tunghayan ang mga saksi sa pait ng bawat manipulasyon at ang naglalumiyab na hangarin ng mga boses na pilit pinatahimik, isang babala na ang sining ay hindi titigil hangga't hindi natutuldukan ang ganitong uri ng karahasan. ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐ŸซโŒ

Kuhang larawan ni: Princess Shekinah Umali

Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dulaang Tinaja posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share