15/08/2026
CINEMALAYA 2026
π¬ Kaka sa Yawan (Brothers by the River)
Bilang pakikiisa sa Buwan ng Wika 2026, nanood ng isang lokal na pelikula na tampok sa Cinemalaya Film Festival ang Teatro Busko. Isa rin itong magandang pagkakataon na nagbuklod sa grupo upang muling magkita-kita matapos ang mahabang panahon.
Tamang-tama sa tema ng pelikulang "Kaka sa Yawan (Brothers by the River) kung saan tampok ang pagbabalik-tanaw sa danas ng isang batang taga-Maynila na minsang tumira, namuhay, at nagkaroon ng kaibigan sa komunidad ng mga Mangyan sa Mindoro.
Nagbukas ang pelikulang ito ng inspirasyon para sa grupo na muling lumikha at bumuo ng kuwento na sama-samang itatanghal sa entablado.