19/05/2026
Hindi lahat ng gusto mong liparin, pwede mong habulin agad.
Bilang isang saranggolista, pangarap kong gawing buong buhay ang pag sasaranggola ang maramdaman ang kalayaan sa bawat ikot ng hangin at bawat pagtaas ng saranggola sa himpapawid. Pero bilang isang Men in Uniform at public servant, may responsibilidad akong kailangang unahin.
May mga araw na mas gusto kong nasa palayan, tabing dagat o bukid kasama ang tropa, nakatingala sa langit habang hawak ang linya ng pangarap. Pero pinili kong magsilbi muna, dahil may mga taong umaasa, may tungkuling kailangang gampanan, at may pangakong hindi pwedeng bitawan.
Hindi man full time saranggolista sa ngayon, hindi ibig sabihin iniwan ko na ang passion ko. Tulad ng saranggola, minsan kailangan mo munang hilahin pabalik para mas lalo kang makalipad nang mataas.
Balang araw, darating din ang panahon na ang responsibilidad at pangarap ay sabay ko nang mapapalipad. Sa ngayon, serbisyo muna,pero hindi kailanman mawawala ang puso ko sa pag sasaranggola.❤️