Ramiltumampos ART

Ramiltumampos ART open for commission work
PM IF INTERESTED

24/02/2026
24/02/2026
24/02/2026
24/02/2026
24/02/2026

PAGKILALA SA LEGASIYA

Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Angeles City ang legasiya ng mga nakaraang alkalde sa pamamagitan ng paglulunsad ng “UÁNGIS: – Portrait Paintings of Angeles Mayors” exhibit.

Ang nasabing exhibit ay pormal na inilunsad ngayong Lunes, Pebrero 23, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month.

Layunin umano ng exhibit na parangalan ang pamana, pamumuno, at ambag sa kasaysayan ng mga nagdaan at kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Ang proyekto ay inisyatiba ni Mayor Carmelo “Jon” B. Lazatin II bilang pagpapatuloy sa gallery na itinatag noong termino ni dating Mayor Carmelo “Pogi” G. Lazatin Jr.

Matapos umanong mapansin na may mga larawang kailangang i-upgrade, agad umanong kinausap ni Mayor Lazatin ang mga lokal na pintor upang maibalik at mapaganda ang mga portrait.

Pinangunahan ang exhibit ni Norman Phillip P. Tiotuico ng PÁMITÍPUN kasama ang iba pang Angeleñong alagad ng sining na sina Rolly L. Suba, Milan B. Pilares, Edu P. Perreras, Ramil S. Tumampos, at Eduardo P. Perreras.

Dumalo rin sa unveiling ang ilang dating alkalde at mga pamilya ng mga naging punong-lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagsisilbing pagkilala sa serbisyo publiko at inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga Angeleño ang naturang exhibit.

24/02/2026
24/02/2026
24/02/2026

Address

Magalang
2011

Telephone

+639481232507

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ramiltumampos ART posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Ramiltumampos ART:

Share

Category